SUNTOK SA BUWAN

3K 115 194
                                    

💖💖💖

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💖💖💖

MICAL

Ang tahimik ni sir habang kinukuha ang maleta ko at inilalagay sa compartment ng kotse. Itim na Lincoln. Malaki at makintab. Ngayon ko lang nakita ang sasakyan na ito.

"Sa inyo ito, sir?" tanong ko habang nagsi-seatbelt nang maupo siya sa driver's seat sa tabi ko.

Kapag si Sir Xian o ang mga Castiglione ang sumundo sa akin tulad ni Sir Anton, tumatabi ako sa kanila kung sila ang driver. Kapag iba, nasa likod ako. Utos ni Ma'am Mavi.

Tumango lang siya. Panisan na naman kami ng laway nito.

Naging awkward ang mga nakaraang buwan. Mabuti na lang pinalipas ni ma'am ang tatlong buwan bago niya ulit ni schedule na magkita kami ni sir matapos ang eighteenth birthday ko.

Ang galing ni ma'am!

Sobrang sensitive siya sa mga nararamdaman ko. Kahit mali.

Si sir. Naging tahimik ulit. Hindi talaga siya kumikibo, pero kasi hindi ko naman din siya kinakausap. Kahit magkatabi kami. Panisan nga ng laway.

Pero hindi na 'yon mangyayari. Sabi ni Ma'am Mavi. Kailangan daw bumalik ako sa dati.

Daldal lang Mical! Puwede na ulit akong kumanta. Kung kinakailangang magbasag ako para hindi na ulit kami mag-snob-ban, gagawin ko.

Sabi ko nga, madali naman akong kausap. Naka-move on na ako. Inalis ko lahat ng masakit at mahirap. First time kong nakaramdam niyon.

Inabot din ng ilang linggo. At tulad ng sabi ko kay sir noon. Kapag hindi naka move on ng two weeks, arte na iyon. Hindi ako naka move on ng two weeks. Kaya umarte ako ng ilang linggo pa.

Iyon din 'yong panahon na sobrang dami kong nabasag.

Si Ate Natalie, ang mayordom ni Ma'am Mavi sa mansiyon ay sumakit ang ulo sa akin. Hindi naman niya ako pinagalitan. Sabi niya, kinausap daw siya ni Ma'am Mavi to go easy on me.

Ibinuhos ko 'yong oras ko sa pag-perfect ng respiratory oxygen ni Gela. Tapos pinag-aralan ko 'yong mga trigerring factor niya.

Ipinasa ko lahat kay Ma'am Chloe. Ibinigay ni Ma'am kay Ma'am Emma na ipinasa sa ospital ng mga Castiglione at Enigmassic. After two weeks ng pag-aaral. Inalis ang mga bagay at trabaho na inilista ko. Ni-observe si Gela. Naayos ang paghinga niya. Ngayon ang araw-araw na oxygen ay nangyayari na lang kapag may trigger o napapagod si Gela. Minsan nalilimutan niya na bawal siyang mapagod kaya inaabuso ang sarili. Pinapagalitan ko siya.

Balik tayo kay sir. Itong guwapong meho sa tabi ko. Mula noong makausap ko si Ma'am Mavi ay nag-practice akong alisin ang awkwardness ko sa kanya. Tama si ma'am. Puwedeng ibalik 'yong dati. Basta hindi ko na iisipin na nahihiya ako.

Tiningnan ko na siya ngayon. "Narinig mo 'yong tanong ko?"

Tumango siya.

"Walang sagot?"

THE BILLIONAIRE'S MAID (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon