THE BEGINNING
💖💖💖
MICAL
"Mical."
"Ma'am Mavi?"
"Pauwi na sina Robb from honeymoon, ikaw ang gagawin kong house manager do'n."
"Po?"
"Natatandaan mo si Robb 'di ba? At si Madeline? 'Yong nag-engagement party dito two weeks ago."
"Ay, opo ma'am. Konti lang po ang nabasag kong baso no'n. Mga tatlo lang po."
Hinipo niya ang pisngi ko. "I am not losing my faith in you, Mical. Mapi-perfect mo din 'yan. But I am telling you na hindi mo kailangang magtrabaho at humawak ng mga babasagin."
"Eh, mga ininuman ko lang po 'yon, ma'am. Ire-release ko na po sa inyo 'yong three million kapag twenty five years old na ako. Pambayad sa lahat ng nabasag at nasira kong gamit. Pati po kay SIr Xian." Hindi ko iyon nakakalimutan.
Tumawa na naman siya. 'Yan lang ang laging sagot ni ma'am kapag sinasabi kong babayaran ko lahat ng mga nababasag ko. "Keep it, it's your money. Huwag mong intindihin ang mga nabasag at nasira. Basta hindi ka nasaktan, we are good."
"Salamat po ma'am. Ang bait n'yo po talaga sa akin."
"You are an exceptional child, Mical. We have an eye for aesthetics, ang buong pamilya namin. Ano man ang tingin ng mga tao sa iyo, o sa mga nagawa mo. We know that you are good for us. And you have grown up and matured beautifully."
Tinitigan niya ako. Kinakabahan ako kapag tinitingnan niya ako nang ganito. Lagi siyang may plano. Tulad noong seventeen pa lang ako.
"Natatandaan mo pa ba ang secret natin?"
Nanlaki ang mga mata ko. Ito na naman! "Opo ma'am, pero..."
"Pero?"
"Iba na po kasi si Sir Xian. Bumalik na po 'yong sungit at pagiging snob niya. Tapos kapag nagkikita po kami dinadaanan niya na lang po ako ngayon."
Tumingin siya sa malayo na parang nag-isip. Nasa greenhouse kami. Pinatawag niya kasi ako dito para sabihin ang bago kong trabaho. "It had been a year and three months." Ibinalik niya ang tingin sa akin. "Bakit ka nga pala biglang nagpauwi noon?"
"Eh, gusto ko na po kasing makasama si Gela. Ang tagal ko na po kay sir. Ang dami ko pong nabasag at nasirang gamit niya. Ayaw niya naman pong magpabayad."
Praktisado ang sagot na ito. Nagamit ko kina nanay, tatay at kuya. Nagtanong din kasi sila dahil wala sa plano at oras ang desisyon ko. Buti na lang at hindi tumanggi sina ma'am noon.
Pero narinig kong nag-usap sila ni Sir Marco habang nagtutulug-tulugan ako sa loob ng bullet proof na SUV.
"Did you ask Mical to come home with us tonight, sweetheart?"
BINABASA MO ANG
THE BILLIONAIRE'S MAID (COMPLETED)
RomanceCOMPLETED An innocent girl fell in love with a jaded billionaire. THE BILLIONAIRE'S MAID (Maid Series 4) (The Castiglione Empire 13)