Nakakaramdam ako ng lungkot ngayon kasi panghuling araw na namin dito. Kahit sa maiksing panahon ay napamahal na ako sa kanilang lugar. Dahil bukal sa kanilang puso ang pagtanggap nila sa amin. Dito ko rin mas na-express ang sarili ko at masasabi kong unti-unti nang naghihilom ang aking inner child.
Nandito kami ngayon sa gym dahil nagkaroon ng pagtitipon bago kami umuwi. "Gusto naming pasalamatan ang mga doctor, nurses, at volunteers para sa libreng serbisyo na inihatid niyo dito sa aming komunidad."
"Hindi naman lingid sa kaalaman ng iba na marami ngang libreng pampublikong ospital sa syudad. Ngunit dahil kami ay salat sa transportasyon, mahirap pa rin para sa amin ang makapunta doon. Kaya labis-labis ang aming pasasalamat dahil kayo mismo ang nagdala ng liwanag sa aming lugar. Alam kong hindi sapat ang salitang 'salamat' sa kabutihang pinamalas niyo sa amin, ngunit sana ay inyong madama kung gaano kami kasaya sa mga oras na ito." Mungkahi ng kanilang punong barangay.
Sa may stage naka-upo si Sean, kasama ang ibang doctor at nurses. Habang kami naman ay nandito sa harapan. Sa ilang araw naming pamamalagi dito, ngayon ko lang siya nakitang nakasuot ng lab gown at masasabi kong bagay na bagay talaga sa kanya!
"Oras na para pakinggan natin ang mensahe ng isa sa mga taong lubos na nagmamahal sa ating lugar. Let us welcome Dr. Cairo Sean Zamora." Nagsitayuan lahat tsaka namin siya pinalakpakan.
"Ang gwapo ng jowa mo!" Sabi ni Alex. "Hindi ko pa siya jowa!" Pagco-correct ko sa kanya.
Inirapan niya ako, "doon din yon papunta!" Sagot niya kaya binatukan ko siya. Kong anong iniisip.
"Magandang tanghali sa inyong lahat. Kami ay lubos na nagpapasalamat dahil sa mainit ninyong pagtanggap sa amin dito sa inyong komunidad. Hindi naman lingid sa inyong kaalaman pero mas lalo kong minahal ang lugar na ito dahil sa mga taong naninirahan dito." Wika ni Sean, hindi ako makapaniwala sa galing niyang mag salita ng Tagalog ngayon. Nandoon pa rin 'yong English accent kaya mas lalong impressive pakinggan 'yong boses niya.
"Ang tanging hiling ko lamang ay sana sa paglipas ng maraming panahon patuloy pa rin nating mahalin at pahalagahan ang ating pinanggalingan. Dahil kaakibat ng ating tagumpay ay ang lugar at ninuno nating pinagmulan. Hinihikayat ko din kayo na mas lalo niyong ipamulat sa inyong mga anak ang kahalagahan ng edukasyon at kalusugan." Mas lalo akong napahanga kay Sean. Wohh! At dahil doon mas lalo ko pa siyang nagustuhan.
Sana isapuso at isaisip nilang lahat ang sinabi ni Sean. Dahil nakakalungkot mang isipin pero maraming tao ang ikinakaila kung saan man sila nagmula at kung anong kultura at tradisyon ang meron sila. Hindi ko din sila masisisi dahil natatakot sila sa mga taong mapanghusga.
Huwag naman sana nating ipagkait sa kanila ang mamuhay nang malaya. Bigyan natin sila ng lugar kung saan malaya nilang ipamalas sa atin ang kakayahan na minana pa sa kanilang mga ninuno.
Nakakatakot isipin na baka darating ang araw na hindi na nila isinasabuhay ang kanilang totoong pagkatao dahil sa mga tao na kung manghusga akala mo naman napaka-perpekto. Nawa'y magkaroon sila ng boses para ipagsigawan ang bagay na meron sila. Hindi dapat nila ito ikinakahiya bagkus kanilang ipagmalaki.
"Walang tao ang dapat napag-iiwanan. Kasi lahat tayo ay pantay-pantay lamang." Biglang tumingin sa akin si Sean, at nginitian niya ako. "Kahit mag-isa ka na lang sa mundong ito, hindi 'yon magiging sapat na rason para hindi ka tanggapin at mahalin." Hindi ko namalayan tumulo na ang luha ko. Dahil masyadong tagos sa puso ko ang mga katagang binitawan ni Sean.
Hindi lang doon nagtatapos ang programa na aming inihanda kasi namahagi din sila ng mga scholarship para sa mga kabataang magko-college na. Bukod sa mga 'yon, marami pa silang binigay na tiyak akong makakatulong ito sa mga taga rito at ikakaunlad ng kanilang bayan.
YOU ARE READING
Agony of the Sky(Agony Trilogy #1)
Lãng mạnSean, the young surgeon in town, met her, a woman of goddess-like beauty that anyone can admire. A smarter one and a scholar at the University of Mindanao, she is very firm about her decisions and independent on her own two feet. Growing up, she exp...