Chapter XV

13 1 0
                                    

"Kumusta bakasyon mo?" tanong ko kay Alex. Katatapos lang namin mag-enroll kaya nandito kami sa cafeteria para kumain. Hinatid ako ni Sean kanina, bago siya pumasok sa kanyang trabaho. Hindi na nga kami nakapag-breakfast kasi nagmamadali si Sean, dahil Monday ngayon kaya tiyak siyang maraming pasyente at ilang araw na din siyang wala.

"It was good. But I hope I just stayed here in the Philippines instead of going abroad," sagot niya sa akin.

"Bakit naman?" curious kong tanong. Mukhang baliw na yata ito, paano ba naman, nakangiti habang nakatingin lang sa kanyang pagkain.

"Okay ka lang?" tanong ko ulit. Tumingin ito sa akin pero nginitian ulit ako.

"Shemm! Alam na alam ko yang ngiting yan. Wait! Are you in love?" tanong ko sa kanya. Kasi yung ngiti niya. Kilalang kilala ko kung paano yan ngumiti kapag in love.

"Of course not!" pagtanggi niya.

"Of course, magtatanggi ka. Sino yan, ha?" tanong ko. Itatanong ko sana kung kilala ko, kaso naalala ko wala pala ako masyadong kilala.

"Hindi nga ako in love," sagot niya ulit sa akin pero namumula pa rin siya. 

"Okay, sabi mo eh," sagot ko pero hindi ako naniniwala.

"Okay fine," pagsuko niya. Sabi ko na nga hindi din yan makatiis. Aamin at aamin din yan.

"Pero next time ko na e kwento kapag sigurado na ako," sabi niya sa akin.

"Hindi naman kita pipilitin. Basta guard your heart, okay? And always remember nandito lang ako." Paalala ko.

"Thank you!" sagot niya.

Nagkwento siya sa mga nangyari sa kanila sa abroad. Before, sa tuwing nagsha-share siya regarding sa mga ganap niya with her family naiinggit ako. Pero ngayon hindi na, kasi pinaramdam ni Sean sa akin yon pati na ang pamilya niya. Kaya hindi ako nagpatalo, kinuwento ko din sa kanya yung ganap ko kahapon with Sean's family.

"Buti naman tinanggap mo. Good decision yan," sabi niya noong sinasabi ko sa kanya yung tungkol sa trabahong inaalok nila sa akin.

"By the way, how was your trip and camping with your jowa?" excited niyang tanong. Kaya nagulat ako kung kanino niya yon nalaman. Hindi ko naman nabanggit sa kanila ni Floyd yung regarding doon.

"Kanino mo nalaman?" tanong ko. Imposible naman na e-kwento ni Sean sa kanya.

"Girl, check your Instagram. Mas updated pa kami ni Floyd sa ganap ng jowa mo sa social media." Agad ko naman kinuha yung phone ko. Hindi kasi talaga ako pala-social media even before. Kaya hindi ako updated. I just use Messenger for my work and class purposes.

Tinignan ko nga ito at nag-upload nga ito ng pictures namin sa account niya. Then nakita kong naka-requested follow ito sa account ko.

Yung unang upload niya ay yung pagdating namin doon. Tapos may caption pa siya, "more travel with you, love." Ang daming nag-like nito tapos may mga nag-comment din. Hindi ko na binasa yung mga comment. Next na upload niya ay mga picture ko during our trip na puro natutulog lang ako. Tapos may caption ito na, "sleeping beauty as always." Bigla naman akong kinilig sa caption niya.

In-upload niya din yung nag-hiking kaming dalawa. Tapos may caption ito na, "Finally I found my buddy in everything. I love you, love."

Akala ko wala na pero may last upload pa siya. Ito yung picture namin kagabi with his parents. And may caption itong, "Welcome HOME, Love." Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako dahil sa mga nakita ko. Finally, after how many cries, God answered my prayers. Hindi lang si Sean ang binigay niya pero binigyan niya pa ako ng bagong pamilya na pwede kong matawag na akin.

Agony of the Sky(Agony Trilogy #1)Where stories live. Discover now