04

3 0 0
                                    

Nabi's POV

I saw him, he was walking towards me kaya nagsalita ako.

"why do i keep seeing you?" tanong ko

"aba malay ko hahaha" sagot niya bago umupo sa harapan ko

"sinong may sabi na umupo ka?"

"kailangan ko pa bang magpaalam? tsaka nakaupo na ako." sabi niya bago magtawag ng usher. Wala na akong nagawa kaya um-order na lang din ako at nang makarating ang pagkain ay kumain na kami

"You're improving, Good for you" sabi niya at napataas naman ang kilay ko

"you'll find it out soon" wika niya pa at tumango na lang ako.

Napansin kong tumatagal kami rito sa resto dahil nakakadalawang oras na kami. Sa sobrang daldal niya ay nahawa na lang din ako.

"You want this? here, kainin mo." inabot ko sa kanya ang cordon bleu na hindi ko maubos-ubos. At kinuha niya naman yon at kinain

"you're not choosy when it comes to foods 'no?" i asked and he nodded. I heard him chew the food inside his mouth a bit louder

"chew it quietly, ang ingay mong ngumuya." pagsita ko sa kanya at nahiya naman siya at nag sorry. Nakaramdam ako ng guilt nang mapansin kong tumahimik siya kaya di ko na rin napigilan na magsalita

"thanks for today, Nabi" Sabi niya at ngumiti sa akin. Ngumiti na lang din ako at nagpasalamat sa kanya.

Sa ilang oras namin doon sa resto, masasabi kong mas nagiging palagay ang loob ko sa lalakeng ito. Hindi man siya kagaya ng ibang lalake pero masasabi kong maganda siya makisama lalo sa gaya kong hindi marunong makisalamuha sa iba.

Nang makauwi ay nagpahinga ako at di ko namalayan na nakatulog pala ako.

*kinabukasan*

"Sumali ka na kasi sa amin" pangungulit ni Paul, my classmate

"nahihiya ako, tsaka isa pa, marami na rin naman kayo" pagdadahilan ko

"mas marami mas masaya at mas maganda, kaya wag ka na umarte at sumali ka na sa amin" sabi naman ng isa pang lalake, si Shun. One of my smart classmates.

"Here's Gia, she also wants to join us" wika niya pa, at dumating naman si Gia na may hawak-hawak na pagkain dahil breaktime namin

"Gianna, diba sasali ka sa group?" Paul asked

"It depends, why?" she said

"Si Nabi kasi, we're inviting her to join our group pero tumatanggi" sagot ni Shun

"Malaki na yan, kaya niya na sarili niya" sagot nito at natawa naman ako

"Fine, I'll join you. Susubukan ko" sagot ko at napangiti naman ang dalawa.

Bigla akong hinatak ni Shun at may nilapitan kaming iba naming mga kaklase. At nandoon din si Nazer

"Guys, we have new members!" he shouted. Nakakahiya dahil naglingunan sa gawi namin ang ibang nasa gazebo kaya hinampas siya ni Gia

"Meet Gia and Nabi, new members" si Paul

Tumango naman ako sa kanila at ngumiti. Nakatingin sila sa amin ni Gia

"Umupo kayo rito oh" sabi ng isa naming kasama, si Elianna

She's the one who invited me to join her in the canteen but I refused.

I awkwardly smiled at her but nag iwas siya ng tingin after niyang ngumiti nang pabalik sa akin.

Umupo si Gianna sa tabi niya habang ako naman ay nanatiling nakatayo. Tinawag ako ni Nazer para tumabi sa kanya pero tumanggi rin ako dahil sa hiya

"hindi ka guard para tumayo lang dyan" wika ni Roxanne

Nahiya naman ako kaya umupo na sa tabi ni Nazer. Nginitian niya ako

"It's nice na natututo ka nang makisama sa iba." sabi niya sa akin

"Paulit-ulit mo kasing sinasabi sa akin. Yan tuloy" biro ko at natawa naman kaming pareho

Masaya naman kaming nagsalo-salo hanggang sa matapos ang oras ng breaktime, sabay-sabay rin kaming umakyat papunta sa room para sa susunod naming klase

"We're having a group activity, wag na kayong umalis sa pwesto ninyo, stay still." sabi ng prof. namin sa isang subject

"2 rows each, yun ang magkaka-grupo." pag instruct niya sa mga magkakagrupo. so Technically, Paul, Gia, Roxanne, Nazer and I were groupmates. I'm satisfied.

"Kailangan ninyong maipakita sa pamamagitan ng drawing kung ano ang koneksyon ng mga institution sa isang community. And you're going to present it in front of the class" pag instruct niya sa gagawin namin. Nagkatinginan kaming magkakaibigan at ng iba naming ka-grupo.

"choose your leader and presenters, at magsimula na kayo"

Agad kaming pumorma ng mga kasama ko. Nag-usap kami tungkol sa kung sino ang magiging Leader. Sa dulo ay si Paul ang naging Leader dahil tinanggihan ko ang alok nila

Pero presenter ako.

"Sino ba ang marunong gumuhit dito?" tanong ko at tumingin silang lahat sa katabi ko. Si Nazer

"Fine, it's on me." sagot niya at nagpalakpakan naman kami at mahinang tumawa.

Sinimulan namin ang activity.
Ang iba ay abala sa paggawa ng explanation, na kasama ko at ang iba ay tahimik na nakikinig. Si Nazer naman ay abala sa pagguhit. Ako naman ay gumagawa ng script para sa reporting kaalinsabay ng pagbibigay ng ideas sa kanila. Sinilip ko ang output na ginagawa ni Nazer at namangha nang makita ang kabuuan niyon. Malinis at maganda ang pagkakayari.

"Let's start the presentation."


SecondWhere stories live. Discover now