06

2 0 0
                                    

Nabi’s POV

“check mo post ni Dez, Nabi” pangungulit ni ceean na sinabayan ng mga kaibigan namin sa gc.

Napilitan akong tingnan kung ano man yon. At doon ko nakita kung ano yung bagay na tinutukoy nila.

Nakaramdam ako ng inis at iritasyon kaya’t hindi ko naiwasang mag comment sa post na iyon.

Pinakita ko ito sa mga kaibigan ko at bakas sa kanila ang naghalong inis at iritasyon na kagaya sa akin.

Doon ko naalala lahat ng ginagawa sa akin ng babaeng iyon.

Nalaman ito ni Nazer kaya agad siyang tumawag sa akin

“do you really have to do that?” he asked

“i can’t resist it anymore” sagot ko. nadinig ko siyang bumuntong hininga

“delete your comment, now.” sabi niya at ibinaba ang tawag.

Napapikit na lamang ako nang mariin nang ma-realize kung ano ang gustong iparating ni Nazer.

Kaya’t dali-dali ko itong binura at sinabi sa mga kaibigan ko na siyang kinagalit ng mga ito. Umabot pa sa puntong muntik magpang-abot si Nazer at si Gia

Kinabukasan, pagpasok ko sa room ay ramdam ko ang tingin nila sa akin ngunit hindi ko sila pinansin. Umupo na lamang ako at tumungo hanggang sa magsimula ang klase. Nang oras na ng breaktime, agad kaming bumaba para kumain ng mga kaibigan ko

“Have you heard the chismis?” tanong ni Ceean sa akin, tumingin naman ang lahat sa kanya

“malamang alam niya na, siya yung pinagchismisan eh” si Gia at sumubo ng burger

“oo pinag-uusapan ka at ginawan kayo ng issue ni Nazer.” sabi niya na nagpamaang sa akin

samin ni Nazer? anong meron?’

“They were making rumors about you and him. kasi naman! sumosobra kayo sa pagiging close ni Nazer” si Elianna at napatungo ako

Nitong mga nakakaraang buwan kasi ay naging mas malapit kami sa isa’t isa ni Nazer. Lalo pa at nagkaroon kami ng kasunduan

“alam niyo naman kung anong mayroon sa amin ni Nazer. At malayo doon sa gusto nilang iparating. We were bestfriends and study buddies, even my parents know him.” mahabang explanation ko

“oo nga at alam namin, pero sila ba? alam ba nila?” si shun. Natahimik naman kami

Tumayo ako nang matapos, at paglingon ko ay nakita ko si Jared na bumubulong sa mga kaibigan niya habang nakatingin sa akin kaya tinitigan ko si Jared. Nag iwas naman ito ng tingin

'kahit gwapo ka pa o artista, wala akong pakialam at baka matiris lang din kita'

Umalis na ako sa Gazebo at sinundan naman ako ng mga kaibigan ko. Nagsimula na ulit ang klase at hindi ko maiwasang mairita tuwing nakikita at nararamdaman kong may nakatingin sa akin.

“have you heard the issue?” i asked Nazer na busy na busy sa pagsusulat

“you know that i hate issues, Nabi.”

“well i think you have to know about this,” wika ko at tumingin naman sya sa akin “They were making rumors about us.” sagot ko at tumaas ang kilay niya

“us? what do you mean?”

“they were saying na mayroong namamagitan sa ating dalawa. Dahil masyado tayong close sa isa’t isa” sagot ko at natawa naman kaming pareho. Hindi na siya sumagot pero ramdam kong malalim na rin ang iniisip niya

Natapos ang klase nang mabigat ang pakiramdam ko dahil sa sama ng loob—char!

Nagtungo ako agad sa lobby para mag log out at para makauwi. Nang may narinig akong tumatawag sa akin ay lumingon ako

It’s Nazer degreyt.

“sabi na at ikaw yung naglalakad eh, yung lakad mo kasing pagewang-gewang na nagko-cross kilala ko kaya nahulaan kong ikaw” sabi niya at napairap na lang ako

“umayos ka ng lakad mo, Nabi” sabi niya at nainis ako nang bahagya

“ang dami mo namang problema sa akin, Nazer.” inis na sabi ko at natawa naman siya

Tinutuwid kita para wala silang masabi sayo. Kung ayaw mong napagsasabihan, tumino ka.” seryoso niyang sabi at iniwan ako

Nakaramdam naman ako ng guilt at halong iritasyon. I really hate it when he’s getting mad at me.

I also hate it when i make him disappointed. I always make sure things for him. And i also do everything for him when he needed—and efforts.

Is this really just because he’s my bestfriend or...

Do i have a crush on him?’

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 26, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SecondWhere stories live. Discover now