Someone's Pov.
Nasaan na ako? Bakit ang lamig-lamig ng paligid? Bakit ang gulo-gulo ng paligid? Bakit parang... Ang lungkot-lungkot nang puso ko? Ilan lamang iyan sa mga katanungan na mamumuo sa utak ko. Hindi ko maimulat ang aking mga mata at feeling ko nakalutang ako sa walang hanggan tila ba nasa space ako mismo. Teka... Space? Ano iyon? Bakit wala akong maalala kahit ano or kahit isa patungkol sa akin? Sino nga ba ako? Ano ba talagang nangyayari? Sinubukan kong ibuka ang aking mga bibig para makapagsalita pero di ko magawa. Parang magkadikit ang bibig ko at di ko maibuka-buka. Hindi rin ako makagalaw na parang nakabalot ang buong katawan ko sa masikip na masikip na plastic. "Totoo nga ba ang lahat ng iniisip mo?" isang boses nang babae ang nagmistulang echo ang biglaang nagsalita sa paligid ko.
"Gusto man kita kausapin pero―" napatigil ako sa pagsasalita at agad na napahawak sa aking bibig. Nakakapagsalita ako? at... Tiningnan ko ang suot-suot kong damit. Isa itong damit na kulay puti na hanggang tuhod ko lang ang haba. Ang mga kamay at kutis ko ay kulay puti pero bakit kahit nakakakita ako ay parang may mali? bakit parang may kulang? Sinubukan kong itunghay ang aking ulo upang makita ang babaeng nagsalita kanina. Ngunit imbis na matuwa ay mas lalo akong nagulat sa kanyang itsura. Sobrang puti nya... I mean literal na maputi sya. Wala syang damit, mata, ilong, o mukha. Ang tanging meron lang sya ay korte. At korte ito nang tao. "Sino ka? A-ano ka?" humakbang sya sa akin papalapit at gustuhin ko man umalis, di ko magawa lalo na at parang ayaw gumalaw ng mga paa ko. Na tila sinasabi nilang ligtas ako kasama sya. Pagkahakbang nya sa tapat ko ay agad nyang hinawakan ang aking mga kamay at ipinaglingkis ito sa kanyang kamay(?)
"Hindi importante kung sino ako. Ang importante ay malaman mo kung sino ka. Hanapin mo kung sino ka at mahahanap mo ang katotohanan. Malalaman mo kung sino mismo ako sa buhay mo." agad napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nya at tiningnan sya ng pagtataka.
"Papaano ko malalaman kung sino ako kung wala akong maalala kahit ano?! Hindi ko alam kung sino ako, hindi ko alam kung nasaan ako, at mas lalong di ko alam kung papaano ko mahahanap ang mga sagot sa mga tanong ko! Hindi ba pwedeng sabihin mo sa akin ang lahat at nang hindi ko na hanapin pa ang mga bagay na hindi ko naman maalala?" hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba or narinig ko ang mahina nyang pagtawa.
"Experience is the best method for remembering things. Hindi ko aakalain na pati ang dati mong pananaw sa buhay ay nakalimutan mo na rin. Tandaan mo ito... Pain is not eternal. Pain can heal at sigurado akong marerealize mo rin iyon kapag nalaman mo na ang totoo. At narito lang ako kapag nangyari na ulit ang mga bagay na iyon. Remember who you are not who you were. Ang mga salitang iyon ang magiging batayan mo para malaman mo ang totoo." magsasalita na sana ako para itanong sa kanya kung ano ang sinasabi nya nang bigla syang maglaho sa paningin ko. Eeeh? Saan na sya nagpunta? Hahakbang sana ako para hanapin sya pero bigla na lamang naglaho ang aking tinatapakan at kasabay doon ang mabilisan kong paglaglag sa kawalan.
"AAAAAAAAHHHHHHH!!!!" sinubukan kong abutin ng mga kamay ko ang ere at nagbabakasakali na bumalik ang babae at tulungan nya ako. "Pakiusap! Tulungan mo ako! Ayoko mamatay! Please..." sinubukan kong tumawag, umiyak ngunit ako na lang ang nagmistulang tao sa madilim, malamig, at mahabang kawalan. Ako, ang sarili ko, ang katawan ko, at ang boses ko. Ako lang at wala nang iba. Agad nagsilandasan ang mga luha sa aking mata na tila parang ilog na walang humpay sa pag-agos kasabay nang aking mga hikbi at mga tanong sa aking utak. Ano na ang mangyayari sa akin? Ano ba ang sinasabi nang misteryosong babaeng iyon? Pagbumagsak ba ako dito, mamamatay ba ulit ako? Sino nga ba ako? Papaano ko mahahanap ang sinasabi nyang totoo? Sari-saring tanong ang sumasagi sa isip ko. Mga tanong na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung papaano masasagot sa pamamagitan ng pagbagsak ko rito sa kadiliman. Pero wala man ako makita, wala man akong maalala, at natatakot man ako ngayon; hinding-hindi ako magpapatalo. Hahanapin ko ang totoo at aalamin kung sino ako. Nanginginig na pinahid ko ang mga luha sa aking mga mata at binanggit ang salitang sinabi sa aking tandaan ng misteryosong babae. "Remember who you are, not who you were and the truth will be revealed." pagkabanggit ko sa mga salitang iyon ay agad lumiwanag ang aking paligid. Liwanag na akala ko ay hindi ko na masisilayan pang muli... Napangiti ako at ipinikit ko ang aking mga mata upang ihanda ang sarili sa kasalukuyang mangyayari ngayon...
________________________________________________________________________________
A/n: HAHHAHAHHAHA oh my ghad napagod ang utak ko 808 words Whoo! Sana mag tuloy-tuloy na mga anes!!! Anyways, hanggang dyan muna kita kits tayo baka ops.. Di ako magtatalk ayoko magpromise...
BINABASA MO ANG
In The Arms of Time (Book 2)
FantasyWhen a pure heart is betrayed, the universe is dwelling in pain. But fate is not yet determined; the time is still ticking. Everything is still in the beginning. The story is not yet done... Time can still be rewind and so who are you? Who will you...