CHAPTER 1

32 1 0
                                    

Someone's Pov.

 "Marie... Gising na! Marie!" agad na napabalikwas ako nang bangon nang makaramdam nang pagyugyog sa aking balikat. Hinahapo man ay niligon ko ang may kagagawan nang aking paggising at doon ko nakita ang isang babae na pamilyar para sa akin. Nakasuot sya nang blusang itim at kulay grey na jogging pants habang nakalugay naman ang kanyang mahabang buhok na kulay brown. Argh! Ang sakit-sakit nang ulo ko! Nasaan ba ulit ako? Ano itong mga ala-ala na biglaang pumapasok sa utak ko? Ang babaeng ito... 

"Elaine...?" sa pagsambit ko nang kanyang pangalan ay pinangunutan nya ako nang kanyang noo at lumapit sa akin nang may halong pagaalala. Hinawakan nya ang aking noo at pinakiramdaman ang aking temperatura. Dahil dito ay hinawakan ko ang aking dibdib at pinilit na pakalmahin ang aking paghapo. Bakit ba feeling ko nanggaling ako sa isang mahabang bangungot? Dito ko ba mahahanap ang katotohanan na sinasabi nang misteryosong babae?

"May sakit ka ba? Bakit parang nakakita ka nang multo? Kakalaro mo iyan ng mga visual novels na yan. Ito oh! Ano ba ito? Bago na naman?" umiiling na dinampot nya ang lagayan nang visual novel na nasa ibabaw nang hinihigaan ko at ipinakita ito sa akin. Ang picture na nakalagay doon ay... "Ano ito? Bakit wala namang picture? Siguro binili mo ito sa may kanto. Tignan mo oh ni wala man lang descriptions tungkol sa laro or anything! Magkano ba ito?" agad kumunot ang noo ko at dali-daling hinablot sa kanya ang hawak-hawak nya.

"Eh? May picture kaya... Ayan oh lalaking kulay puti yung buhok tapos pula ang―" napatigil ang pagsasalita ko nang biglaang lumandas sa mga pisnge ko ang mga luha na hindi ko alam kung saan nanggaling. Bakit parang pamilyar sa akin yung lalaking ito? Bakit ang sakit-sakit ng puso ko sa tuwing nakikita ko ang itsura nya? Saan ko sya nakilala? Dahil ba sa laro? Or may iba pang dahilan? Nagulat ako nang isang bisig ang biglang yumakap sa akin. Si Elaine... Niyakap nya ako nang mahigpit at hinimas nang marahan ang aking buhok bago ako tiningnan nang may lungkot sa mga mata.  

"Marie! Ano bang nangyayari sayo?! Bakit ka naiyak?!" Sinubukan kong ibuka ang aking mga bibig upang sabihin na ayos lang ako, na wala akong problema pero hindi ko magawa. Hindi ko magawa dahil feeling ko hindi totoo ang lahat nang iyon. Na feeling ko kapag sinabi ko ang mga salitang iyon ay mayroong mga tao na malulungkot, mga taong masasaktan kung sasabihin ko na wala lang lahat nang mga nararamdaman ko. "Siguradong magagalit si Daniel kapag nakita ka nyang nagkakaganyan." kumunot ang noo ko at tumawa nang mahina nang dahil sa sinabi nya at bumangon nang may sama nang loob sa kanya. Sino namang Daniel yang pinagsasabi nya eh di ko naman kilala ang lalaking iyon. Wala na nga akong maalala, di ko pa sya makilala.

"Sino naman yang si Daniel na iyan? Bakit naman sya magagalit kung maiyak ako? Ano sya jowa ko?! Seriously Elaine di nakakatuwa..." tumayo na ako mula sa aking hinihigaan at agad na pinulot ang mga gamit na nagkalat sa sahig. Bakit ba ang kalat nang paligid na ito? Kung kwarto ko ito, bakit parang sobra ang kalat naman? Daig ko pa ang natulog nang mahigit 34 years sa kalat na ito... 

"Nasa puso mo pa rin ang totoo..." Nilingon ko sya nang may pagtataka at itinuro ang sarili ko gamit ang aking kanang hintuturo. Elaine smiled and shrugged at me. "Marie... Malalate ka na sa school sigurado ka ba na gusto mong maglinis kaysa pumasok? And Daniel? He is your boyfriend for more than 3 years. Huwag mong sabihin na pati sya kinalimutan mo na dahil sa kalalaro mo nyang games na iyan." huh? Boyfriend ko for more than 3 years? Ang alam ko wala akong boyfriend fi―. Natigil na naman ang pagiisip ko nang biglaang sumakit ang ulo ko na parang tinutusok ang ang aking utak. Pinikit ko ang aking mga mata at umisip nang pampagood vibes. Sabi nga nila, kapag masakit ang ulo mo sa isang bagay; it just means na ayaw mong isipin ang gusto mong isipin. Para bang defensive mechanism nang utak mo. So I think, kung ano man ang balak kong isipin ay hindi mahalaga. So without thinking back again, kinuha ko ang twalya na nakasabit sa may upuan at naglakad papasok sa aking cr. 

"Elaine... Chat mo nga si Daniel. Sabihin mo sunduin nya ako pretty please.. Thanks!" masiglang saad ko nago ko isara ang pintuan. Eventhough hindi ko maalala si Daniel, hindi naman ugali ni Elaine magsinungaling sa akin. So kung hindi ko sya kilala, eh di kilalanin ko na lang ulit sya. Wala naman sigurong masama or makakahalata na hindi ko sya kilala right? Pinagmasdan ko ang cr at napansin na pamilyar ito sa akin ngunit parang nakukulangan ako sa designs at gamit sa loob. Simple lang naman ang cr na ito dahil may shower ito at bathtub na sakto lang para sa aking size. May cabinet rin ako na pinaglalagyan nang mga shampoo, conditioner, sabon, at mga toothpaste at mga tuwalya na malinis sa kabilang side ng cabinet. Meroon ring ako sink at salamin sa ibabaw nito. But bakit parang feeling ko may mga kulang parin dito sa loob? Pinagsawalang bahala ko na lang ang lahat at agad na binuksan ang shower upang maligo. The water's temperature is cold. Hindi naman dahil sa paborito ko maligo sa malamig na tubig or whatever reasons. Sabihin na lang natin na trip ko lang maligo sa malamig na tubig lalo na at mainit ang panahon ngayon. Sinabon ko na ang lahat na pwedeng sabunan at kinuskos ko na rin ang lahat nang pwedeng kuskusin at pagkatapos nang ilang mga oras ay agad na akong nagtapis nang twalya sa aking katawan at tiningnan ang aking sarili sa salamin. Isang babae na maputi, may kulay brown na buhok na hanggang balikat ang haba at mga mata na bilog ngunit kulay itim. Teka ako lang ba o parang nagmumukhang green yung mata ko? Lumapit ako nang husto sa salamin para sana tignan nang maigi pero nagulat ako nang may kumatok nang malakas sa pinto at isang di pamilyar na boses nang lalaki ang aking narinig. 

"Marie! It's me, Daniel.. Gusto ko lang sana icheck if oki ka lang? Elaine told me na medyo di ka oriented ngayon so, let's talk after okey; love?" Love... Tinawag nya akong love so ibig sabihin, may boyfriend nga ako at mukhang sobrang intimate namin pero bakit parang naiilang ako sa sinabi nya? Bakit parang sumisikip ang puso ko at feeling ko hindi tama ang ginawa nya? "Love? Are you okey? Gusto mo ba magusap tayo ngayon through this closed door? You know i'm always here for you right? I love you." I closed my eyes for a minute at kinagat nang marahan ang aking labi. Why am I frustrated? Eh sasagutin ko lang naman sya ng yes or no right? Sasagutin ko lang naman sya nang 'I love you too' pero bakit mahirap? 

"Yes.... Love... I love you too." Through closed doors narinig ko ang mahina nyang pagtawa at mga hakbang paalis sa tapat nang pintuan. Marie... Sabi ni Elaine, si Daniel ang iyong jowa for more than 3 years so normal lang na magilove you kami sa isat-isa. Pero kung malalaman nya na hindi ko sya maalala, ano kaya ang magiging reaksyon nya? If malaman nya ang nararamdaman ko, would he still say 'I love you'? Would he still have patience to take care of me? Would he understand me? Pero lahat nang mga tanong na ito ay mananatiling tanong kung hindi ako lalabas sa cr na ito at harapin sya. Kaya huminga ako nang malalim at binuksan ang pintuan nang cr upang lumabas and there I saw an unknown man sitting on my chair reading a book. He has a short brown ombre hair na hanggang tenga, at mga mata na kulay black ang kulay. Nakasuot sya nang simpleng puti na longsleeve polo shirt at brown slacks partnered with black shoes. Sinulyapan ko ang title at nagulat ako nang makitang tungkol ito sa mystery-love story: 'The Phantom's Opressed lover' "D-daniel?... Ano yang binabasa mo?" 

"Oh! I just saw it on your mini library... Btw Love, umalis  na si Elaine. May gagawin ata syang importante sa kanila... I prepared your uniform on the top of your bed." sagot nya sa akin habang hindi ako tinitignan sa mata or sa dereksyon ko. Tanging nasa libro lamang ang kanyang tingin na tila mas enjoy sya kaysa sa nangyayari sa paligid nya. "Love... I know what you are thinking pero I won't peek at you. Even if you are my lover, I still respect your boundaries and privacy... You know I respect my princess right?" agad akong namula nang dahil sa sinabi nya at dali-daling kinuha ang damit na nakakapatong sa kama at tumakbo ulit papasok nang cr. 

"Che! Makapagbihis na nga!" sigaw ko bago padabog na isinara ang pintuan nang cr pero hindi nakalagpas sa aking mga tenga ang malakas nyang paghagalpak nang tawa. Grrr... Nakakainis sya! Alam ko na kung bakit ayaw ko sa kanya! Hmmmmm... Boyfriend ko ba talaga sya? Anyways, bahala na nga at makapagbihis.. Baka malate pa ako kakaisip dahil sa kanya eh... Hmp! 

_______________________________________________________________________________

A/n: Another Chapter done!! Whooh! Alam ko late na ako magud pero ewan ko ba feeling ko nararanasan ko rin yung feelings ni Marie.. Naguguluhan ako HAHAHHHAHAHA Maybe it's because matagal ko na nga nagawa yung book 1 at di ko na tanda ang mga contents... Yung ako yung Author pero ako yung clueless HAHAHHHAHA anyways, Feel free to enjoy this update!! Toodles!!! luv yah Guys..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In The Arms of Time (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon