Chapter 1: Same Old Patient

6.5K 135 69
                                    

Chapter 1: Same Old Patient

Lunes ngayon ng umaga, tahimik ang buong puting hallway habang maaliwalas na liwanag ng araw ang pumapasok sa bintana ng nilalakaran kong building dito sa fourth floor papunta sa asylum ng mga naka-assign sa aking patient. Tulad nga ng naiisip niyong uniform ko as psychiatric nurse sa mental hospital, light blue uniform, slacks at white sneakers. Two years na ako sa trabahong 'to, I'm Stryde, 24.

Ang tahimik ng buong paligid, tanging ang yabag ko at pag-ingit ng gulong ng tulak-tulak kong aluminum cart ang maririnig. Laman ito ng medicine, maintenance, vitamins, tranquilizer, cotton at ilang towels. Nasanay na akong maglakad dito kahit itong floor na ito ang may pinakamaraming case ng mga baliw na nagpakamatay o nakapatay; tumalon sa building, iniuntog ng iniuntog ang ulo sa pader, may bad experience na nakapatay ng tao at kung anu-ano pa. Swerte ko na lang, wala pa naman akong paranormal experience dito.

Room 202 ang room niya. Inihinto ko ang cart at sinilip ko muna ang lalakeng pasyenteng 'to sa transparent part ng pinto, kaedad ko siya at sa itsura nya at katawan halatang rich kid, shoulder-length na ang buhok nya at papatubo na naman ang bigote niya. As usual pasyente naka-white shirt at PJs. Prenteng-prente siyang nakaupo sa monobloc habang nakataas ang dalawang paa sa mesa at hinihimas ang baba. Dinuduyan niya ang katawan niya ng pa-back and forth. Heto na nga ang go-signal para ma-identify kung sinong character itong makakaharap ko ngayong umaga. Ang case naman niya suffering from Dissociative Identity Disorder or Multiple Disorder, swerte ko pa kung 4 na personality lang niya ang ma-eencounter ko sa isang araw. Pinakamaximum na kasi yung umabot ng 8 personalities in a day. Hindi pa counted dun yung mga personality na na-eencounter ng mga naka-night shift.

Ang character na kaharap ko ngayon ay remarkable kapag nakataas ang paa at naghihimas ng baba. Lumitaw na ang personality na yan last week lang, buti na lang matalas memory ko. Ang signature 'himas-baba pose' ng isang emperor na Mongolia na pauso nya, in short naka-Genghis Khan-mode ang loko.

Sa lahat ng naka-encounter kong pasyenteng baliw sa loob ng two years, kay Vaughn lang ako nakarinig ng pinaka-worst case ng murder na nagawa. Sa bagay, nagawa lang naman niya yun dahil nabaliw na siya pero so far sa one year treatment niya dito nakikita na unti-unting improvement, less harmful na siya at hindi na tulad noong Toto-era pa noon. Actually, nakakabiruan na nga namin ni Zach na katrabaho ko ring gagu-gago. Laughtrip lang kung laughtrip.

Personality #1, si Toto na tropa daw ni Vaughn since elementary, ang palatandaan ko naman doon, harmful, naglalaway at namimilog ang mga mata. Yun yung personality na nakapatay ng 2 buwang buntis niyang girlfriend ayon sa kwento niya. Hindi ko na idedetalye dahil babaliktad talaga ang sikmura mo sa kabaliwan niya. Na-encounter ko yung 'Toto' last year at kung ano ang epekto niya sa akin? Walang-walang pinagkaiba sa totoong character and gesture ng isang psycho-killer, mala-Texas Chainsaw o eksena lang sa Saw. Mabuti na lang hindi na lumitaw pa yung 'Toto', nang minsang tanungin ko naman si Vaughn kung nasaan na yung tropa niyang yun, sagot naman niya nasa TESDA raw. Natawa na lang ako sa kanya, hindi sa sagot niya kundi paano niya sinabi ng sobrang seryoso with matching kunot pa ng noo. Wow lang, pagkatapos makapatay ng 'Toto' may gana pang mag-vocational course? Gusto ko ng mabaliw! Sabi pa niya, nagfofocus daw si Toto sa course niyang pag-eembalsamador. T@ng-ina lang talaga! Nawala ngiti ko nun. Kinilabutan ako dun! Umoo na lang ako para tapos ang kwento at umuwi! Nang dahil sa kanya, nagka-phobia na ako sa blender. Mula noon, isinumpa ko na ang pagbili sa sa Zagu .

Personality #2. Noong una hindi ko mahulaan kung sino siya hanggang sa tumungtong siya sa ibabaw ng mesa at binanggit niya "You can't see me! Your time is up! ". Tawang-tawa si Zach nang magpakilala si Vaughn sa kanya, WWE all-star legend daw ang gago, 'John Singa'. Bruskong-brusko naman ang personality na yun at ingliserong mura ng mura. Nang minsang lumitaw yung personality na yun, nasa garden siya kasama ng ibang patient. Bigla na lang siyang nanigaw ng pasyente "Fcvkin men! You can't see me! Fcvk yah! Fck yah!" with hand gesture pa yun ng 'You can't see me!' saka naghahamon ng streetdance battle. Baliw lang talaga. Ang kaso, nang huling gawin nya yun, kalahati sa mga pasyente ay itinutumba niya. Halos kinulang kami ng stretcher sa mga kawawang napuruhan nya. Mula noon, banned na siyang lumabas.

Interview with a Killer 2: WendigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon