Chapter 2: Wendigo Psychosis

2.4K 105 76
                                    

Chapter 2: Wendigo Psychosis

One week later..

''Musta bungo natin brad?'' ngising bati ni Zach. Nandito kami sa rooftop ng building habang patagong nagyoyosi. 6am pa lang kasi. Maaliwalas dito, walang gamit na nakakalat saka hindi kami kita sa ibaba. Kakapasok ko lang matapos akong ma-first blood ng Lalang bungul na yun, 'Lala' na nag-Toto shift. Kahapon ko nga lang pala na-google na 'magkapatid' ang ibig sabihin ng 'sitsiret'? Siririt? Siste--? Pota. Yun na yun.

Salamat kay Zach na biglang dumating nung time na yun at nasaksakan agad ng tranquil si Vaughn kung hindi na-killing spree plus monster kill na'ko ng kumag. Minor cuts lang ang tinamo ko at swerteng nakabalik agad. Inilipat na'ko ng head nurse ng building. Nalipat na'ko sa building na'to kung saan naka-assign din si Zach. Mabuti na'to, 1 building TRO away from kamatayan.

''Matibay 'tong bungong 'to, brad. Sana kasi noon pa'ko inilipat. Tsk, eh sino nga palang pinagpala ang naka-assign kay Vaughn?'' tanong ko sabay buga ng yosi.

''Yung bagong salta pre. Si Bogart, 25, kinis-ulo, bato-bato ang katawan. Pinapakyu nga ako ng mga maskels nya eh.'' sabi ni Zach na naka-middle finger pa yung kaliwang kamay. Gago rin 'tong isa 'to eh, stress reliever.

"Ano sabe?" tanong ko, sinakyan ko na lang kagaguhan niyang talking muscles.

"Sabi ba naman-!" putol nya. Seryoso pa talaga siya sa pagkwento.

"'Pahinog ka muna boy! Gym-gym din pag may time!' Pota!" sabi niya sabay bato ng upos. T@ngina talaga ni Zach, laughtrip magkwento.

"Gago ka eh noh! Ano bang akala mo sa kanya sa unang tingin?" tanong ko na natatawa pa rin.

"Ka-gym buddy ni Vin Diesel!"

"Ugok!"

"Akala ko nga a-apply ng bouncer eh, nurse pala! Mukang Big Show ampota! Magsama sila ni John Singa." natatawang sabi ni Zach sabay liyad pa ng tiyan. Ayos pala eh. 

"Nakahanap na siya ngayon ng katapat! Sana kasi noon pa nila naisip yun." sabi ko.

"Katapat? Kung alam mo lang, for the record.. Naka-Lala 24/7 ang gago!"

Nai-imagine ko pa lang, mababaliw na'ko. Isang mala-bouncer saka killing bading? Wow free liveshow ng UFC. Astig. Gusto kong magpamisa.

Beep! Beep!

Napasilip kami sa baba. Isang ambulance ang huminto sa tapat ng main hospital. Um-assist pa ang dalawang nurse pagkabukas ng pinto. May bago na namang pasyente na nakasuot ng nakataling puting jacket sa katawan niya.

''Yan na nga yung sinasabi nila.'' sabi ni Zach sabay mouthspray para di amoy-yosi. Babae yung pasyente sa baba, maputi, itim na buhok na hanggang balikat na may bangs at mukang 20s ang pangangatawan. 'Di ko makita muka dahil sa taas namin dito sa 5th floor.

''Brad, yan yung ia-assign sa'tin ni Doctor Zara. Tara na sa baba.''

Dumiretso agad kami sa second floor, dun kasi ang mga bakanteng kwarto. Tss, sana wala pa si Doc Zara, kahit kasi hindi siya resident psychiatrist dito at bago pa lang, ang istrikta nun. Ganda pa naman, sexy, mapulang mahabang buhok kaya lang balita ko sa Ottawa na siya magbe-base few months na lang.

''Sakto tayo pre.'' bulong ko kay Zach. Nakasalubong namin si Doc Zara. Nakita pa namin na ipinapasok na sa room 208 yung bagong pasyente at inaayos yung mga gamit. Ang ipinagtataka ko bakit walang kasamang guardian.

Interview with a Killer 2: WendigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon