Chapter 4: Whispering Corridors

1.5K 70 48
                                    

Chapter 4: Whispering Corridors

Iminulat ko ang aking mga mata. Puting kisame. Nakaratay ako sa maliit na kama ng clinic ng pinapasukan kong mental hospital.

Napalingon ako sa digital wallclock sa kanang pader. Mag-a-alas singko na ng umaga. Medyo ramdam ko pa rin ang kirot sa tagiliran at balakang ko. Mabuti't wala naman akong galos sa mga braso ka nang angatin ko 'to. Malamang nawalan lang ako ng malay matapos kong magkalabog pababa ng hagdan. Ang nilalang na yun! Unang beses ko'ng makakita ng ganun sa buong buhay ko! Napapikit ako ng madiin at napailing ng ilang beses. Imahinasyon lang yun! Guni-guni ko lang yun! Hindi totoo yung babaeng yun! Hinde! Hinde!

'Hey Mary, pull my jeans, my friend will see you..blessed---'

Ugh. Nakalimutan ko na. Nahawa na'ko kay Zach, lumuluhod pero hindi naman para magdasal. Inaalala ko palang, pinagpawisan na naman ako ng malamig.

Sa kaliwang side ng kama ko ay nakadukdok si Klai, co-nurse ko din. Inunan niya ang makikinis niyang mga braso. Nakatulog na siya marahil dahil sa pagod kakabantay. Nightshift din siya kagaya ko pero bakit pa siya nagprisintang magbantay dito? Akala ko ba wala na siyang pake sa'kin? Mahimbing siyang natutulog. Sarap lang niyang pagmasdan. Sarap hawakan ng mahahaba niyang pilik-mata, matangos niyang ilong at mala-Megan Fox niyang labi. Pilit ko mang alisin paningin ko sa kanya, di ko maiwasan.

Bumangon ako at marahang umayos ng upo. Tatapikin ko na ng kaliwang kamay ko sana ang balikat ni Klai pero nabaling yun sa paghawi ko ng hibla ng buhok sa maamo niyang mukha. Paanong nagagawang saktan ang babaeng ito eh halos handa akong ibigay sa kanya ang lahat? Bakit kasi ang manhid nito? Kung kinakailangang maaksidente ako mahawakan lang ang mukha mo, ayos lang.

Paanong nagtiya-tiyaga ka Klai sa kupal na bankteller na yun. Palibhasa, hindi ako kasing gwapings gaya ng mga tipo mo. Sabi nga ni Zach, wala daw sa papogian yan, nasa performance daw. Ulol talaga. Pero ni minsan hindi ko napag-isipan ng ganyan si Klai. Lagi ko nga siyang dinadamitan sa isip ko eh.

"Stryde.." wika ni Klai. Pupungas-pungas pa siyang gumising at iniangat yung ulo. Nagulat ako kaya biglang alis ng kamay ko sabay stretching at unat-unat. Muntikan na.

"Oh bakit nandito ka?" sabi ko ng pagmamasungit sa kanya. Sa kanya kasi akala niya biro lang ang palipad hangin ko pero totoo yun.

"Muka ngang okay ka na. Suplado lang? Binantayan na nga." sabi ni Klai sabay irap.

"Wala na. Ayos na'ko Klai. Gusto mo bang sa'yo naman ang may sumakit?" biro ko sa kanya.

"Sira. Ang dumi mo talaga." wika niya sabay tayo at pinag-ekis ang mga braso. Kahit naka-white uniform siya na full covered, kita pa rin kaseksihan sa tindig niya. Gets niya agad kasi laging green ang banat ko sa kanya.

"Anong madumi dun?"

"Magmumog ka ng holywater Mr.Navarro!"

"Nagpapatawa ka ba? Nga pala, hindi ko expected na sasamahan mo'ko dito sa clinic hanggang sa magkamalay ako. Wag ka na magpa-impress saken? Hindi mo na kailangang sumagot. Maliit na bagay." sabi ko.

"Puro ka kalokohan."

Nagkatinginan kami ni Klai pero kahit anong pigil niya sa pagngiti ay kitang-kita ko na namula siya. May kumatok sa pinto pumasok si Zach. "Ano, SOGO na ba'to? May suki card ako you like?"

"Isa ka pa!"

******

"Ano ba kasing gingawa mo kagabi dun sa 4th floor? Akala ng mga janitor napa'no ka na p're." tanong ni Zach. Nandito ulit kami sa rooftop habang nagko-coffee break ngayong hapon. Maaliwalas na dito sa taas. Wala ng kagamit-gamit. Plain ground na lang saka isang berdeng pinto paakyat dito.

Interview with a Killer 2: WendigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon