(4) In Denial

4K 122 155
                                    

💖💖💖

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💖💖💖

Anak ng pating! Hindi ko na tuloy matawag na babe ang asawa ko. Naalala ko 'yong biik ni Mical!

-Anton

💖💖💖

MICAL

"Oh, bakit ganyan ang hitsura mo? Are you worried?"

Napatingin ako sa pinto ng kuwarto dapat namin ni Gela pero ni hindi ko pa nakikita ang kaibigan ko at mukhang aalis na agad ako. Pinag-empake ako ni ma'am. "Hindi po, nag-iisip lang po ako."

"Ano ang iniisip mo?" Tumabi siya sa akin at hinarap ako.

"Iniisip ko po kung may milk tea sa bahay ni Sir Xian."

Parang pinigil niyang matawa. Bakit kaya tuwang tuwa sila kapag binabanggit ko ang milk tea? "Hmm, akala ko naman kung ano na ang iniisip mo. Itatanong ko kay Xian kung may milk tea siya, at kung wala ay bilhan ka niya."

"May pearl po ba?"

Tumango si ma'am. "Palalagyan natin ng pearl." Tiningnan niya ang iniempake ko. "Bakit 'yan lang ang damit mo?"

"Ito po 'yong dala ko no'ng pumunta ako dito."

"I know, pero pinabinilhan kita ng mga damit. You should be able to see it inside your closet."

Inisip ko kung ano ang mga nakita ko doon kanina. "Puro po sira."

"Anong sira?" She walked inside the closet. At saka ako tinawag. "Mical, halika dito."

Pumunta naman ako at iniwan ang duffle bag sa ibabaw ng malaking kama. Ang sarap sigurong matulog dito. Kaya lang hindi ko mararanasan.

Nakatingin pa rin ako sa kama nang pumasok sa closet. Kinalabit ako ni ma'am at ibinibigay sa akin ang isang punit na jeans at kulang sa tela na blouse. "Sira po 'yan." Itinuro ko sa kanya ang mga punit.

She chuckled. "Ang tawag diyan ay ripped jeans. Hindi 'yan sira. Uso 'yan."

Huh? Tiningnan ko ang blouse. "Ayan po, hindi pa tapos tahiin."

Tumawa na talaga siya. "Ang tawag diyan ay haltered neck. Si Chloe ang bumili ng mga damit na ito. I'm sure she had you in mind. Mukhang magkasing tangkad kayo." Iniabot niya sa akin ang mga damit. "Go ahead, isukat mo."

Kinuha ko ang mga damit at dinala sa banyo.

Pawis na pawis ako nang matapos. Masikip ang pants at nasusuot ang paa ko sa mga butas. Kailangan ko pang umupo sa gilid ng bathtub para maisuot nang maayos.

At dahil hindi ko maintindihan kung paano isuot ang blouse ay tinawag ko si ma'am.

Pumunta naman agad siya sa banyo. "Oh my God! What did you do? Sa kabila ang ulo, braso dapat diyan."

THE BILLIONAIRE'S MAID (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon