"Nasan ako?" "Sino ako?" "Sino kayo" "Anong ginagawa ko dito" "Kaano-ano ko kayo?"
"Lahat 'yan paulit ulit na namin narinig at kung 'yan din nasa utak mo ngayon at nag aatubli lang itanong parang awa mo na 'wag na"
Sambit ng isang babaeng masusing nakatingin din sa akin. Hindi ko sila maintindihan. Naguguluhan ako sa aking mga nakikita.
May mga babaeng nagkukumpol kumpol sa iba't ibang bahagi ng malaking silid na ito. Kahit madilim ay nakikita ko pa rin ang mga mukha nila.
"Gusto ko ng umuwi!!" malakas na sigaw ng isang babae kaya nabaling sa kaniya ang lahat ng leeg. Nagwawala at pinipigilan naman ito ng mga kapwa babae na nakaputi. Halos lahat sila nakaputi at ang kasuotan ay sayad din sa sahig tulad sa akin.
"Bitaw-" malakas na sinampal ng isang dalagang babae ang medyo mas batang babae sa kaniya na nagwawala kanina pa.
"Makinig! Lahat tayo dito hindi magkakakilala. Hindi natin alam kung sino ang nagdala. Lahat tayo ay walang magagawa. Kung ayaw niyong mamatay nang maaga, pwede ba manahimik at sumunod na lang kayo! Gusto niyo ng umuwi? Saan? Saan kayo uuwi? May pamilya kayo sino? Sino sila? Kung gusto niyo sinusunod ang gusto niyo kailangan sundin niyo muna ang gusto nila. 'Yan ang kauna-unahang utos dito sa paraiso. Tayo tayo lang ang magkakapamilya dito. Wala kayong pamilya sa labas at kaya kayo ay nandito hindi para tumakas sa tunay na mundo. Nandito kayo dahil kayo ay niligtas sa totoong mundo isipin niyo na ito na ang mundo niyo at hindi na magbabago iyon. Ito ang inyong pinakagugusto na simula nang pagbabago ng buhay. Saan pa kayo tutungo gayon wala kayong maalala kahit isa? Bumalik na kayo sa inyo mga tulugan!" sabi ng isang babaeng kumausap sa akin kanina. Napakalakas at napakamakapangyarihan ng boses niya.
Shet ang angas.
Nakita ko na may humiga na at umupo ang mga ibang babae sa maliliit na kama dito sa malaking silid kaya ganoon na rin ang ginawa ko.
"Ate Pawpaw, natatakot na ako" rinig ko sa kabilang higaan ang pag iyak at panginginig ng kaniyang mga salita na binabato.
"Shhh, 'wag ka matakot andito lang si ate paw paw hangga't sumusunod tayo sa kanila hindi raw nila tayo papaslangin" pagpapalakas loob ng ate na tinatawag nito.
"Paano kung ayaw ko dito paano kung hindi ako taga dito talaga? Paano kung may naghihintay sa akin sa labas o hinahanap ako?" rinig kong sabi ng isa namang bata na nakatayo.
Napaupo ako at tiningnan ang mga mukha nila.
Ano ba ang nangyayari? Bakit ba sila nagpapanic? Sobrang komportable naman ng higaan bakit sila natatakot?
"Tumahimik at magsitulog na kayo ano pang pinagkakaabalahan niyo diyan!" rinig kong sigaw ng babaeng mukhang pinuno na umimik kanina sa unahan.
Nagtagpo ang aming mga mata habang palapit siya ng papalapit.
"Ikaw bagong salta, bakit nakaupo ka pa?" may diin na pagtatanong niya sa akin. Kusang ngumiti ang aking mga labi na kinablangko ng kaniyang galit na hitsura kanina.
"Nagugutom ako eh hindi ako makatulog may dunkin' donut ba kayo diyan? kahit greenwich na pizza na lang o kaya jobillee na lang" napahimas ako sa tiyan ko na kanina pa nag iingay. Nagmamaktol na ang mga bulate ko sa tiyan.
"Sumunod ka sa akin" banat na banat ang labi kong tumayo at sumunod. Habang naglalakad kami sa madilim at mahabang pasilyo ay sobrang tataas ng pader halos hindi ko maabot ang bintana sa pinakamataas.
Tanging buwan lang ang liwanag na nagdadala sa aming dinadaanan pero ngayon
Gulat ako nang bumungad sa akin ang sobrang liwanag na mga ilaw na nakasabit. Mga nagkikinangan na mga ilaw at bubog.
BINABASA MO ANG
Doppelganger In El Sora
RandomOne decades ago, after the former senator in the city of Alabat build their own castle in a separated island. But no one's dare to go in the abandoned island. Many people get missing and they believe that they were kidnapped by the left family of f...