KABANATA DOS: HULI

0 0 0
                                    

Hindi ito pwede...

Hindi dapat ganito!

nahuli na nga ako bagsak pa ako sa tatlong kategorya.

anong gagawin ko mali ba ang napili ko?

Pero bakit parang nararamdaman ko naman na magaling talaga ako magpinta, sumayaw, at magburda?

bakit ganoon 'yong pinakamadali na nga kinuha ko bakit hindi madali sa kanilang ipasa ako!

nakakainis

“Maraming salamat sa inyong pakikilahok ngayon ay maaari na kayong pumunta kung saan kayo itinalaga o nararapat na gawain”

bigla naman naghihiwalay ang mga tao

Napatakip ako ng mukha at hindi malaman kung saan pupunta.

Humanay ako sa pagluluto. Nang makita ko na hinahanap ang mga pangalan ay pumunta ako sa kabilang hanay.

Ano ito? Mga mangggagamot? Nako mas lalong hindi pwede.

Doon na lang ako kung saan ako sumali.

Lumipat ulit ako doon sa kasunod na hanay sa may  musika.

Pero nagulat ako sa babaeng umiiyak dahil nagpupumilit ito na bigyan siya ng pangalawang pagkakataon.

“Ayoko maging alipin patayin niyo na lang ako!”
Nakatingin sa akniya ang mga tao habang ito ay nagwawala.

Lumabas ako sa pinto habang walang nakatingin at nasa iba ang atensiyon nilang lahat.

Saan na ako nito ilalagay

nasa kapalaran ko nga talaga ang paglilinis.

Iisipin ko pa lang tinatamad na ako ahhh

Habang naglalakad ay may nakita akong isang nakabukas na pinto. Nang silipin ko ito ay namangha ako ng sobra sobra

Gusto ko 'yon!

Try ko kaya? wala naman masama

“magandang araw! gustong kong sumali pwede pa ba ako?” nakangiti naman akong sinalubong ng lalaking nasa mahabang lamesa na nasa harap ng papel.

Tumawa ako ng malademonyo nang tahimik.

Hindi ba nila ako napansin na naka tatlong kategorya na ako. Teka wala naman ito sa pamilian ni Ate paw paw ah

Galing mayroon pa doon naglalaro ng grupo grupo.
Kaso nag iisa lang ako wala akong kagrupo.

“Ikaw na susunod mamili ka na ng gusto mo kung anong gusto mo ipakita”

“Sige sige, got it girl”
.
.
.
.
Hindi ko alam pero napagod ako kakasigaw sa ibang mga kasali rin.

“Hi mukhang bago ka nangangailangan kasi kami ng isang magandang babae doon sa tagisan ng talino”

Tagisan lang ng talino bakit kailangan kasing gaganda niyo.

“Okayyy go go go” nanlaki ang mata ko nang hinigit nila ako. Ang lakas naman nila paanong kasing taas at kasinpayat ko may ganoong puwersa.

“Magsisimula na tayo sa unang katanungan isusulat niyo lamang ang sagot sa inyong itim na sulatan. Ang unang makatatlong puntos ay siyang tatanghaling nagwagi sa kategoryang ito. Ang unang katanungan sino ang nagtayo ng El Sora?”

Nagtinginan kami ng mga kasama ko.

Tinaasan naman nila ako ng kilay na isulat ko ang sinasabi nila. Kaya naman sinulat ko agad agad at itinaas bago pa maubusan ng oras.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Doppelganger In El SoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon