Ang Jeepney

1.6K 5 2
                                    

Tatlong bagay ang nagpapaikot sa mundo ng tinataguri nating hari ng kalsada - ang mga pasahero, ang driver, at ang jeepney. Bihira naman ang konduktor sa jeep kaya di ko na yun sinama sa listahan. Ang mga barker naman ay ibang usapan na, pero may parte pa rin sila sa istoryang ilalahad ko sa inyo. Kung ano yun? Magbasa ka muna at dadaan din tayo sa kanila.

I-focus muna natin ang spotlight sa jeepney. Nagtanong-tanong ako sa mga tao sa paligid kung paano nila ide-describe ang jeep in one word, at ito ang mga sagot nila....

Mainit (Kaya pala pinauso ang airconditioned na mga jeep... Pero di gaya ng ibang uso sa ngayon, ang pinausong airconditioned jeep na mapapakinabangan ng marami ay hindi ata pumatok sa sobrang mahal.)

Maingay (Either sa loob or labas ng jeep, maingay naman talaga eh... Plus yung mga driver na bigla-biglang sumisigaw dahil lang gusto kang sumakay at maluwag pa daw... )

Masikip (Sa kanan man o kaliwa, kahit ilang tao pa ang pwedeng sumakay, at kahit anong luwag ang tawag mo diyan manong barker at manong driver, masikip talagang tingnan. Pati kasi mga size XXXL eh isa pa rin ang bilang.)

Mahaba (Minsan na lang ako nakakakita nito... Yung mga tipong siyaman talaga kung siyaman, walang lokohan.)

Pinoy (Totoo naman na Pilipinas lamang meron nito na ginagawang public transportation ng 80% ng mga Pinoy. Correct my statistics, rough estimation lang po yun ng author.)

Ito ang karaniwang tingin ng mga tao sa jeep. Dinagdagan ko na rin ng mga side-comments ko, kaya pasyensya na po if you find my side-comments rather... uhmm... disturbing. Pero let's be honest, ilan lamang sa mga nabanggit ko kanina sa katakot-takot pang mga bagay na masasabi at maco-comment niyo sa jeep na minsan nang sumagi sa isip natin kapag tayo ay nakakasakay o di kaya'y nakakakita nito.

Pero saan nga ba nagsimula ang trend ng pampasaherong jeep na ito? Eto at magku-Kuya Kim mode muna ako. Alam niyo po ba na ang jeepney po ay nagmula pa ng mga panahon pagkatapos ng World War II ? Pag-alis kasi ng mga Amerikano, maraming surplus na mga military jeepney ang naiwan sa Pilipinas. Siyempre, dahil sa ingenuity ng mga Pinoy, hindi natin ito hinayaan na lang sa tabi at mabulok nang hindi man lang napapakinabangan. So, ano ang ginawa dito sa sasakyang dating ginagamit sa digmaan? Edi ni-recycle!

Ang kasya lang doon ay mga anim na tao - dalawa sa harap, apat sa likod (Maliban na lang kung may mga emergency evac at kailangang mag-overload yung jeep.) Siyempre para sulit, pina-extend yung likod para magkaroon ng passenger-type seat. Kaya ang dating animan, ngayon, siyaman ang kaliwa't kanan, maliban pa sa dalawang pasahero sa harap - bale bente na ang kasya. Walang hood ang jeep na yun, kaya ayun, nilagyan para naman hindi mainitan mga pasahero. Pero di pa diyan natatapos ang pagiging malikhain ng Pinoy. Ang dating plain at malatang kulay ng jeep na yun, pininturahan ng mga makukulay na mga larawan sa bawat sulok. Habang nagtagal, lalong naging makulay ang larawan ng jeepney sa mata ng Pilipino.

Ang tanong, alam niyo po ba na sa Pilipinas mo lang maririnig ang term na jeepney at hindi mo yun maririnig sa ibang bansa? Kahit na i-google niyo pa, ang word na jeepney ay primarily nang ia-associate sa Pilipinas. Bakit? Kasi ang word na jeepney po pala ay may meaning! Jeepney was derived from two words. Una ay ang pinaka-obvious - jeep, dahil ito ang pangalan ng sasakyang pinag-uusapan natin. Kailangan ko pa bang i-elaborate?

Eh ano naman ang ibig sabihin ng -ney? Ganito kasi yan, yung suffix po na -ney ay galing po sa word na "knee" or tuhod. Ano konek? Anu ba experience mo nung nasa jeep ka? Diba dikit ang bawat tuhod ng mga pasahero, tuhod-sa-tuhod, in English, knee-to-knee - yun kasi ang style ng upuan ng jeep. At dahil doon mga kapatid, nasilang ang jeepney na naging trademark na ng Pilipinas.

Bukod sa pagiging isang pampasaherong sasakyan, kapaki-pakinabang rin ang jeep for private use. Family outing sa Pangasinan? Aba, pwedeng-pwedeng gamitin ang jeep para diyan! Marami ring mga food exporters ang nagdedeliver ng mga pagkain galing ng probinsiya papunta sa mga pamilihan ng Balintawak, at sino ang ipagpapasalamat mo diyan? Siyempre ang jeepney na matiyagang naglakbay ng kilu-kilometro, malubak man o hindi, sa kalagitnaan ng madaling araw. (Huwag po kayong mag-alala manong driver, nasa inyo rin po ang credit.)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nasa Jeep Na Ang LahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon