01

14 1 0
                                    

"Khai, Laro pa!"


"Ge, Sunod ako!" Umupo ako sa bakanteng upuan para magpahinga. Nang mapansin kong tingin ng tingin itong katabi ko sa'kin. May hawak siyang libro. Napaiwas siya ng tingin nung mapagtanto niyang napansin kong nakatingin siya sa'kin, kinabahan yata. 

"Anong tinitingin-tingin mo? Bago ka ba rito?" Tumango siya bago bumalik sa binabasa niya. "Baliktad yung hawak mo sa libro." tumawa ako pero napahinto din ng makita si Ava.



"Nakita mo 'yon?"


"Oo..Gagi!" 


"Ava,"

"Oh, Khai!"


Inabot ko sa kanya yung hawak ko. "Salamat, nag-abala ka pa."


"Pwede ba tayong lumabas mamaya?" Tinignan niya muna yung kasama niya bago binalik yung tingin sakin. 




"Sorry, Khai. May gagawin pa kasi kami sa org eh. Next time na lang. Thank you ulit dito." sabi niya bago umalis. 


Mukhang nagmamadali talaga sila, nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa makalagpas sila. "Grabe makatitig ah! baka sa sobrang pagkalalaki mo iyan sa lalaki kana mahulog."


"Sus, Migo. Ang labo!" sabi ko bago siya sikuhin. "Halika na nga magbasketball na lang tayo."

Agad akong bumangon sa higaan ng mapansin ko ang oras. Fuck late na ko.  Naririnig ko na ang boses ni Mama sa baba rumaratrat na namn. 

"Khai! Kanina pa tunog ng tunog iyang alarm mo. Hindi ka pa ba gigising?" sigaw niya. "Ano hindi ka ba muna mag aagahan?" 

"Hindi na. Sa school na lang ako kakain"  

Tumakbo ako papasok ng school. Patay na naman ako nito sa Adviser namin baka ipatanggal na talaga niya ko sa basketball team. Hingal akong pumasok sa room namin. 

"You're late Mr. Alvarez!" 


Nakatayo ako ngayon sa harapan ng buong klase. Napapakamot na lang ako ng batok sa sinasabi ni Ma'am. "Kahit kailan ka talagang bata ka. Hindi kana natuto. Hala siya, ma upo kana roon sa bakanteng upuan." Tinignan ko iyong upuan na tinuro niya. Sa tabi non nakaupo yung lalaki kahapon sa court.



Napakamot ulit ako sa batok ko bago naglakad papunta roon. "This is your last chance, Mr Alvarez. Remember what i told you last time? kapag na late ka pa ulit sa klase ko ng dahil sa basketball na yan. I'll talk to Coach James at alam mo na kung anong susunod na mangyayare."



Padabog kung binagsak yung bag ko sa upuan. "Ano ba naman yan? Late na nga nagdadabog pa." dinig kong sabi nitong katabi ko. Tinignan ko siya, umiwas naman agad siya ng tingin.



Todo recite ang iba lalo na itong katabi ko, at ako? ito as usual lumilipad na naman yung isip, hindi ko alam kung ano ba yung tinuturo ng mga teacher namin. "Yes, Mr Alvarez.." gulat akong napatingin sa teacher namin sa history.



"What's your thoughts about reincarnation?" 



Ano raw?! Reincarnation?! Ano yon?! Ano bang alam ko riyan?!

"Sorry ma'am, pero wala po akong alam sa reincarnation na yan." uupo na sana ako ng magsalita siya.



"See, hindi ka nakikinig, kanina pa lumilipad iyang isip mo. Remain standing." inis niyang sabi. Nakatayo lang ako rito hanggang sa matapos siya magturo.



Huling SandaliWhere stories live. Discover now