(6) Mahal Ko O Mahal Ako

3.8K 118 212
                                    

💖💖💖

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💖💖💖

Ang ganda ng bahay ni Sir Xian! Nasa pinakamataas na floor ng building. Naiuusog sa gilid ang buong kisame kaya kitang kita namin ang mga stars sa itaas namin.

Sabi ni sir, glass house daw ang bahay niya. At kahit kita namin ang labas at buong paligid. Hindi nila kami nakikita. Ang tawag daw doon ay one way mirror!

Hindi ko naman tinatanong!

Nasa living room ako at nasa kusina siya ngayon.

Tahimik siya sa car kanina. Hindi ako masyadong nagsalita kasi baka i-evict niya ako sa bahay niya. Narinig ko 'yong sinasabi niya sa video kanina na hindi daw ako natatapos magkuwento.

Bakit ko naman tatapusin ang kuwento kung mayroon pa? Sino-short cut ko na nga! Siya pa ang reklamador!

Kung ayaw niya akong magsalita. Eh 'di hindi ako magsasalita!

Pero totoo! Parang salamin ang buong bahay. Kita ang buong paligid. Nakahawi lang ang mga kurtina. Hinawi lahat ni sir kanina pagdating namin. Lahat ng dingding ay kita ang labas. Puwera lang 'yong mga dividers at dingding sa loob.

Sabi ni sir kanina, tatlo daw ang kuwarto dito. May gym, may study room at library, mayroon ding indoor pool. Nakita ko nga sa labas ng sliding door.

Malaki at mahaba ang pool. Parang Olympic size. Masaya kung magagamit ko. Papayag kaya si sir?

Kung hindi okay lang naman. Hindi naman ako bisita dito. Sana matulungan ko si sir. Ayaw ko naman tumayo-tayo lang.

Itatanong ko sa kanya kung puwede na akong magsalita. Ang hirap nang hindi nakakapagsalita. Paano kaya natatagalan iyon ni sir?

Hindi kaya napapanis ang laway niya?

"Mical, ano'ng gusto mong kainin?"

Tiningnan ko siya. Magkatabi lang ang kusina at sala. May island sa gitna at nasa gilid ang eight seater na mesa. Nasa loob siya nang confinement ng malaking kusina pero may space kaya natatanaw ko siya.

Para kaming sina Romeo at Juliet, pero siya 'yong nasa balkonahe.

Lahat ng gamit ni sir ay may glass at redwood na makintab. Parang allergic pa naman ako sa mga babasagin.

"Mical, I am asking you." Ang guwapo ng boses. Boses pa lang ulam na.

"Puwede po ba akong magsalita?"

Kumunot ang noo niya. 'What do you mean?"

"Kasi po sabi ninyo kay Sir Anton huwag akong pagkuwentuhin."

Nang parang magde-deny siya ay inunahan ko.

"Aminin n'yo na po, sir. Atin atin lang."

Umiwas siya ng tingin. Nakakatuwa ito. Ayaw pahuli, bigay na bigay naman. "Just answer my question."

THE BILLIONAIRE'S MAID (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon