CHAPTER TWO

126 2 0
                                    


NAPANGITI si Suzanne nang makitang bumukas ang pinto sa silid ni Ranzelle. Kasunod niyon ay lumabas na ang binata.

"Goddamnit, Suzy! Gusto mo bang giyerahin ako ng mga kapitbahay ko? Patayin mo 'yan!" galit na sabi nito.

Natawa si Suzanne. Alam niya na magagalit si Ranzelle dahil sa ginawa niyang pagbukas sa stereo nito at itinodo pa niya ang volume. Nainis kasi siya nang malamang ini-lock ng binata ang pinto ng silid nito para hindi siya makapasok upang gisingin ito. Napatawad na niya ang kaibigan sa nasabi nito kahapon. Marahil ay nasabi lang nito iyon sa sobrang depresyon. Nauunawaan naman niya ito. Pero binigyan na naman siya ng rason para magalit sa binata. Halatang nahulaan ng kaibigan niya na babalik siya sa bahay nito kaya gumawa na ito ng paraan para hindi niya maistorbo sa pagkukulong sa sariling silid. Naisip tuloy niya na mag-ingay para mapilitan itong bumangon at sitahin siya. Gumana naman dahil lumabas ito ng silid nito.

Lumapit siya sa binata at hinila ito. "Sayaw tayo, bilis!"

Pero hindi ito nagpahila sa kanya. Tiningnan lang siya nang masama. "I'm serious, Suzy. Hindi na ako natutuwa sa 'yo. Isauli mo na nga ang susi ko!"

Umatras nang kaunti si Suzanne kay Ranzelle. "Ayoko nga! Sasayaw ako. Bahala ka kung ayaw mo!" aniya, saka nagsimulang sumayaw. Ginaya niya ang sayaw ng Korean song na kasalukuyang tumutugtog sa stereo nito. Kung hindi siya nagkakamali ay "Oppa Gangnam Style" ang tittle ng kanta. Nakakatuwa ang step ng sayaw niyon at nagustuhan niya.

Mayamaya ay natigilan siya nang matawa ang binata. Napatingin siya rito. Bahagyang umaliwalas ang mukha nito habang tumatawa.

"What the heck is that? You looked like a half monkey and a half horse. You're hilarious!"

Napangiti si Suzanne. "Kaya mo naman pala, eh."

Kumunot ang noo nito. "What?"

"Tumawa ka. Kaya mo naman palang tumawa, eh. Ano'ng pakiramdam?" Ngumisi siya.

Natigilan si Ranzelle. Mayamaya pa ay napabuntong-hininga. Lumapit ito sa stereo at pinatay iyon.

"Ranzelle-"

"Oo na. Kakain na ako," deklara nito.

Napangiti siya. Pinigilan ang sarili na mapatalon at mapapalakpak sa tuwa. "Wala nang bawian 'yan, ha? Hindi ako nagluto ngayon. Sa labas tayo kakain."

"What?"

Lumapit si Suzanne kay Ranzelle at hinila ang binata pabalik sa silid nito. "Bilis, bilis, maligo at magbihis ka na. Magpabango at mag-ahit ka rin. Ayokong makita ako ng mga tao na may kasamang caveman. Masisira ang reputasyon ko," pagbibiro niya na may bahid ng katotohanan.

Napaungol ito. "You are so annoying!"

Tumawa lang siya.

"AYOKO niyan."

Napataas ang kilay ni Suzanne sa pagtanggi ni Ranzelle sa pagkaing inilagay niya sa plato nito. "Hindi puwede. Gulay 'yan. Kailangan mo 'yan para maging malusog ka."

He sighed. "Wala na bang katapusan ang pang-iinis mo sa akin?" anito at napilitang kainin ang gulay.

Napangiti siya. "Mayroon. Kapag natauhan ka na."

He rolled his eyes. "Minsan naiisip ko, paano ko ba naging kaibigan ang isang napakakulit at nakakainis na babaeng katulad mo."

Natawa siya. "Alam mo kung bakit? Kasi ako 'yong tipo ng tao na nakakatiis sa 'yo at sa pagsusungit mo."

Naalala pa ni Suzanne noong una silang magkakilala ni Ranzelle. Naging kaklase niya ito sa tatlong minor subjects niya. Umpisa pa lang ay napansin na niyang masungit ang lalaki. Pero hindi umubra sa kanya ang kasungitan nito noong maging leader siya ng group nila at isa ito sa mga member niya. Inutos-utusan niya ang lalaki kahit nakabusangot ito sa kanya. Wala itong nagawa kundi sumunod sa kanya. Nakasalalay kasi sa kanya ang grade nito sa group reports nila noon dahil siya ang leader. Mula noon ay kinukulit na niya palagi ang binata. Noong una ay terible ang kasungitan nito. Pero unti-unti ay lumambot din sa kanya at naging magkaibigan sila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HOW TO BE YOURS FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon