/01/

2 0 0
                                    


ZARA

"Good morning ma'am Zara,"magandang bati ng mga bata.

"Good morning children,"masayang tugon ko.Ngumiti na lamang ako habang papasok sila sa kanilang mga silid.

Isa akong teacher sa elementary,at Grade 2 pupils ang tinuturuan ko.Limang taon na ako sa serbisyo,at so far,so good ,alam ko sa sarili ko na mga ako ng mga bata rito.Dumiretso ako sa room ko at bumungad sakin ang mga cute kong istudyante.

"GOOD MORNING MA'AM ZARA MATEO,GOOD MORNING CLASSMATES."

O diba,ang energitic nila.

"Good morning too."Nagbahave na sila sa kanilang upuan,kinuha ako ang laptop at pinatong sa mesa.Nag attendance muna ako,dalawa ang absent.Tinawag ko si Mika,"Mika,bakit absent si Jona,mag best friend kayo diba?"

Nalungkot naman ang bata sa tanong ko."Ma'am ,wala na po si Jona...Patay na po siya."Alangan na paliwanag niya.

Ano?
Paano?

Hindi ako makapaniwala,nanlamig ang buong katawan ko dahil,halos maiiyak na ako,pero hindi,baka lalong malungkot si Mika kaya agad ko siyang pinabalik sa upuan niya.

Tinanong ko naman si Christian kong bakit hindi pumasok si Kiro,magkapitbahay kasi sila at magkaibigan din,ang sabi niya ay may sakit ito.

Nagsimula na akong turo sa kanila,pero sa totoo lang kahit ako ay nakangiti,tumatawa,ako'y sobrang nalulungkot,hindi ko lang pinapahalata sa mga bata.Ang sakit isipin na hindi ko na siya makikita sa klase ko,mabait na bata si Jona,malambing at matalino sa klase.Sa katunayan close nga kami,minsan kasi dinadalhan niya ako ng mga prutas,bigay daw tatay niya,mabait daw kasi ako na teacher.Nalulungkot ako para kay Mang Dan,dalawa na nga lang sila,nawala pa ang nag iisang anak niya.

Sa sobrang lungkot ko at dahil si Jona lang ang nasa isip ko hindi ko namalayan ang mga oras.Umuwi na ang mga bata,at dahil malapit na rin mag alas sinko y medya ng hapon ,niligpit ko ang gamit ko.

"Zara."

Napatingin ako sa pintuan at nakita ko si Julia,malungkot ko siyang sinulyapan.

"Zara,pupunta ako sa bahay ni Mang Dan,gusto mong sumama?"mahinahong tanong niya.

Parang tinusok na naman ng kutsilyo ang puso ko,alam na ng buong school ang nangyari kay Jona.Kahit na hindi ako sigurado sa desisyon ko,tumango na lamang ako sa kaibigan ko.

May sasakyan si Julia kaya sumabay na ako sa kanya.Nasa daan pa lamang kami,papunta sa bahay ni Mang Dan parang sasabog na ang dibdib ko,hindi ko akalain na mangyayari ito sa isang batang walang kamuwang muwang sa mundo.Mga walang puso ang pumatay kay Jona.

"Zara,nandito na tayo."pukaw ni Julia.

Tumango ako at tinanggal ko at seatbelt.Sabay kami na bumababa sa sasakyan.Nanginginig ang mga tuhod ko habang papasok sa bahay ni Mang Dan.Maraming tao sa labas ng bahay,at gaya ko nalulungkot din sila sa sinapit ng bata.

Nakita ko si Mang Dan na nakaupo sa silya,katabi sa kabaong ng anak niya.Nakatulala lang ito sa anak niya,namumugto rin ang mga mata,at lupaypay ang mga balikat nito.

Sinong hindi malulungkot kong mawala ang taong mahal m? Sino ang hindi mag dadalamhati?

Humakbang ako palapit kay Jona,hindi ko na mapigilan ang mga tubig sa aking mata,napahagulgul na lamang ako.Kahit pa siguro umiyak ako hanggang umaga,hindi ko na maibabalik ang buhay niya,kaya Jona kahit nasaan ka man ngayon,paalam na anak ko.

Marahang hinagod ni Mang Dan ang likod ko,at kahit paano tumahan ako.
Walang salita na lumabas sa bibig namin ni Mang Dan,nakaupo lang kami at nakatulala sa kawalan.Isa lang ang nararamdaman namin,'kalungkutan'.

Alas Dose na ako naka uwi sa bahay,hinatid ako ni Julia.Agad akong sinalubong ni Nanay Elena,"anak,ayos ka lang ba?"

Yumakap ako sa kanya,"Inay,nalulungkot ako para kay Jona,isa lang siyang bata,bakit siya pa ang naging biktima.Bakit siya pa?"

"Anak,hindi natin hawak ang buhay natin,walang nakakaalam kong kailan tayo mawawala,pero may rason si Lord kong bakit nangyayari ang lahat ng ito,makikita mo balang araw,kaya magpakatatag ka.Wag mong hayaan na lamunin ka ng kalungkutan.Andito lang ako para sayo."

"Pero Inay,isa lang siyang bata,marami pa siyang pangarap sa buhay."

"Anak,alam ko hindi mo pa matatanggap ngayon,pero balang araw maiintindihan mo rin,magpahingi ka na,magiging maayos din ang lahat."

Sinamahan ako ni Nanay hanggang sa kwarto ko,binantayan pa niya ako hanggang makatulog.



****






Hindi ako pumasok sa school ngayon,dahil halos isang gabi ako umiyak,wala akong mukha na maihaharap sa mga bata,dagdag mo pa ang eyebags ko.Nagfile ako kahapon ng one week leave,ewan ko ba,hindi ko kayang pumasok sa school at mag pretend na okey lang ako.I should die too.Joke lang.

Nanood ako ng t.v sa sala,juskoo naman puro na lang patayan ang nangyayari sa bansa,marami pa rin ang addict sa drugs,hay naku araw-araw ito ang papanood ko.

Naghanda si Nanay ng almusal,at si Tatay naman ay na sa labas.

"Kumain na tayo,tawagin mo na si Tatay mo Eric."Sabi ni Nanay Elena.

Lumabas ako ng bahay,"Tatay,kakain na tayo,"naabotan ko siyang naglilinis ng tricycle niya,humahanda para sa pasada.

"Sige susunod ako."Sagot niya.

Si Tatay Eric,hindi ko naman siya totoong Ama,magkapatid sila ni Nanay Elena,Tatay na rin ang tawag ko sa kanya, syempre silang dalawa ang nagpalaki sakin,hindi na daw mag aasawa si Tatay dahil,masaya na siya at kuntento na sa buhay niya.Siya rin ang kumayod para makapag -aral ako,at hanggang makapagtapos ako sa koleheyo.

Namatay ang totoong Ama ko,pagkatapos akong isilang ni Inay,May sakit sa puso ang Ama,kaya Maaga siyang pumanaw.Gustohin ko man na makita siya,hindi na maaari pa.

Sabay kaming kumain,kahit papaano nabawasan ang lungkot ko dahil sa sitwasyon ngayon,minsan na lamang kasi kami kumain ng sabay.

Isang linggo ang burol ni Jona,at ngayon ang araw na ihahatid siya sa huling hantungan.Nakakalungkot isipin na hanggang ito na lang ang araw na makakapiling namin siya.Walang humpay ang iyakan ng mga tao,simula ng lisanin namin ang bahay ni Mang Dan,kahit ako hindi ko mapigilang umiyak,kasama ko si Nanay Elena at si Juliet.Sumabay ang buhos ng malakas na ulan sa pag dadalamhati ng mga mahal niya.

Natabunan na ng lupa ang kabaong,lalo akong nanghina,ang puso ko ay labis na nasasaktan...hanggang dito na lamang anak ko.Hinagis ko ang puting rosas,paalam na.



****

Hello.Thank you sa nagbabasa ng kwentong ito,pagbubutihan ko pa sa susunod na mga kabanata.

N.N

What Is Love?Where stories live. Discover now