1

6 0 2
                                    

"Rave!!!" pasigaw na tawag sa aking pangalan kaya ito'y nilingon ko.Nakita ko ang Kaibigan kong si Shana na tumatakbo papunta sa akin.

"Oh? Di ka pa nauwi?" Tanong ko sa kaniya dahik uwian na namin. "Eh ikaw lang inaantay ko, si Elaine naman nauna na" Sagot sa akin.

"Ahh okay, halika ka na" Hihilain ko na sana ang pulsuhan nya ng bigla nya ako pigilan. "Ang sungit mo ngayon ah!" sungit? Nagtaka ako sa sinabi nya dahil hindi naman ako nagsusungit, sa iba oo but sa kaniya hindi.

"Anong sungit?" Tanong ko sa kanya.
"Hala siya! Ang sungit mo kaya tignan! Di ko nga alam kung nagsusungit ka lang or talagang ganyan lang ang titig mo sa amin" Sagot nito sa aking tanong.

"Huy! Never ako magausungit sayo! Sa iba lang but sayo hindi" Sabi ko sa kaniya. "Ganon ba? Halika na! Uwi na tayo" Siya naman ngayon ang biglang nanghila, isip bata talaga..

_____________________________________

Hello,hi! ako si Raven Joy Torres

maybe common na sa inyo yung enemies from lovers ba yun?
Basta ayun ang naging daan para magkakilala kami,magmahalan kami at.. Basta! Enjoy it!

______________________________________

Skip Forward
3:29 p.m. At House

  Shocks! Ang init sa bahay!!! Parang ako niluluto sa sobrang init!!

"Ma, Pahiram pamaypay" Hiram ko sa mama ko na nagpapaypay at nakatutok sa kaniyang cellphone.
"Naku! Mainit! Dun ka nalang sa labas, maghanap ka ng hangin dun!" Panimulang sigaw sa akin ni mama, As always! "Naman ma eh"
Reklamo kay mama. "Nako! Torres! Di lang ikaw ang naiinitan dito sa bahay! Kami rin!" Sermon sa akin ni mama.

Wala akong Choice kaya napalabas ako ng bahay, ilang araw rin ako nakastay sa bahay namin eh kaya siguro ang puti ko. Paglabas ko naman ng bahay ay nakita ko ang mga bunso kong kapatid na naglalaro ng Badminton.

Na miss ko tuloy maglaro ng badminton, yung tipong kalaro mo lagi yung nagse-serve ng shuttlecock, tas makakatama ka pa. I miss it..

Sa kabila ng aking mga iniisio na napakalalim ay muli ko ule narinig ang aking pangalan ngunit hindi ito ang mama ko...

SI SHANA!!

"Raven!" Sigaw na tawag sa akin kaya pinuntahan ko agad yung gate para pagbuksan sya.

"Hoy Ginagawa mo dito?" Masaya kong tanong sa kaniya. "Ipapaalam kita that's why im here" mataray na sagot sa aking katanungan. Wow katanungan.

Agad ko syang pinapasok sa bahay namin para ipaalam ako sa galaan, Hays sana payagan ako!!

Narinig ko na pinayagan ako sa galaan dahil nasa tabi lang ako ng pinto, nakikinig sa kanila.

"Oh sige, basta ibalik mo 'tong anak ko ng buo" pambibiro ni mama kay Shana. "Yes naman Tita! Gusto mo po ay ipa-take out ko pa po kayo!" Mukhang natuwa si mama sa sinabi ni Shana kaya pinayagan ako!!

Lumabas si Shana galing sa bahay namin at sinabing pinayagan ako.
"Pinayagan ka ni mader mo" Natutuwang banggit ni Shana at saka akong hinila palabas.Nakita ko naman si mama na nasa labas ng pinto at nag-wave lang sakin. I waved back para magpaalam sa kanya.

Ng makapasok na ako sa kotse ni Shana ay nakita ko rin si Elaine na nakaupo sa Back seat. "Ang tagal mo Antih!!" Reklamo ni Elaine sa akin.Sumakay muna ako bago ako magsalita."Pinaalam pa kaya ako ni Shana, buti nalang pinayagan ako"

"Ha!Baka si Shana yan!" pampupuri ni Elaine kay Shana. Napangiti na lamang si Shana nakaupo sa harapan ng kotse.

Nagbibiruan lamang kami hanggang sa makarating sa mall.

Ang sarap talaga magkaroon ng kaibigan na maaasahan mo sa lahat,masasabayan mo sa trip. Sa oras naman na malungkot ka, nandyan sila para patawanin ka. I love having a friend...

Tama na nga! Masyado nang emotional!

To be continued.....

______________________

Hellloooo!! Lavis!!!!!
I hope y'all like the chapter 1 ng story na 'to!!
Actually,  this is my first time publishing my story here in wattpad kasi idk ..
See ya sa Chapter Twoooo

-Yanyan


Strangers AgainWhere stories live. Discover now