Chapter 1: Handsome Best Friend

44 15 0
                                    


YUMIRAH

AYON SA pag-aaral, the percentage of men around the world is lower than women. Hindi ko kailangang magkaroon ng pambihirang katalinuhan upang malaman ang information na 'yan dahil halos lahat ay informed. And thanks to the LGBT community, mas nauubos na ang mga kalalakihan.

Para sa mga babaeng naghahangad na makahanap ng kanilang "the one", that is a bad news. Siyempre, as the number of men decreases, the possibility of them finding their the-one also decreases.

Maybe that's why most of girls will kill just for a boy.

Ang good news? I am not one of them. I am not one of the girls who are interested in boys. I do not care bumaba man ang bilang nila. AND I will never hurt anyone for a boy.

There was a time that I was scrolling on TikTok when a video caught my attention. Kuwento ng babae, she was mean to a guy. But that guy seemed to like it. He remained nice to her. The man she was talking to then asked if they had already slept together. She said "no."

'Tapos, pumunta sa "exciting part" ang video.

The man said something along these lines: a man is willing to do and go through everything it takes just to get what he wants. The guy surely did not like the mean treatment he was getting. Ginagawa lang daw ng lalaki ang ginagawa niya dahil hindi niya pa napasasakamay ang nais niya. But once na nakuha niya ito, he will change.

I don't have an excellent memory, but that had been stuck in my head. Sa palagay ko, isa 'yong babala sa 'kin na mas dapat akong mag-ingat mula sa mga lalaki. Kung hindi, laging nasa huli ang pagsisisi.

"Good morning, Yumirah!"

I stared at Adonis' beautiful face. A big smile was plastered on it, his white teeth flashing. Mukhang natutuwa talaga siyang makita ako. Napahigpit ang kapit ng aking mga kamay sa parehong strap ng aking bag.

"Good morning!" he repeated when I did not reply.

I faked a smile and cleared my throat. "Hello, Adonis!"

Kasing-bilis ng pagputok ng bula ang pagbura ng kanyang ngiti, kumunot pa nang kaunti ang kanyang noo. "Are you okay, Yumirah? Parang namumutla ka, ah?"

Humakbang siya papalapit sa akin kaya agad akong napaatras. I then shook my head. "I'm fine, Adonis. Um, may sasabihin ka pa ba? Kasi kung wala na, magpapaalam na sana ako sa 'yo."

"Ah, oo! May ibibigay nga pala ako sa 'yo." Nagtataka ko siyang pinanood na buksan ang bag niyang buhat ng kanan niyang braso. Three seconds flew bago niya iniabot sa 'kin ang kinuha niya mula roon. "Para sa 'yo. Sana'y magustuhan mo."

My eyes shifted their gaze from his face to the rose and chocolate bar in his hand. Sinubukan kong pigilan ang pagkunot ng aking noo, but to no avail.

"Hindi man 'to masyadong mahal, walang makakapantay sa pagmamahal ko sa 'yo. I hope ma-appreciate mo kasi galing 'to sa kaibuturan ng puso ko." Sa halip na kilig, kilabot ang naramdaman ko pagkarinig ng kanyang speech. If he was trying to make me fall for him through those words, it wasn't working. "Masanay ka na ring makatanggap ng mga regalo dahil seryoso ako. Talagang gusto kitang ligawan, Yumirah."

Gusto niya akong ligawan. But the million-dollar question is: gusto ko bang magpaligaw?

Last week, he said to me the same thing right after he confessed that he liked me. I was speechless. Hindi dahil feeling ko nasa isa akong Wattpad love story at nagliparan ang sparks. I never saw it coming. He approached me countless times, but I never felt that he had a thing for me.

I Can See Your True Colors Where stories live. Discover now