Chapter 23: Problems, Problems, Problems

4 0 0
                                    


YUMIRAH

SA KABILA ng kaguluhan sa aking isip, naging handa pa rin ako sa aming third quarter examination. Yeah, I was happy with the results, but it didn't make the troubling emotions inside me fade away.

Katulad ng bagsak kong mga balikat ang pagbaba ng pag-asang mag-ayos pa kami ni Rafe. Ni isang sulyap o tingin at ni katiting na atensiyon, hindi niya kailanman ibinigay sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin. Wala akong sapat na tulog. Pakiramdam ko'y parati akong pagod. I have so miserable.

Since he started acting different toward me, hindi ko na siya maintindihan. Mas nagulo ang isip ko sa mga sinabi niya sa akin. I don't know where he's coming from. Hindi ko tuloy makuha ang ibig niyang sabihin. Para siyang nagbibigay ng hints na hindi ko matukoy kung para saan. Pakiramdam ko'y nasa isa kaming karera at siya lang ang tumatakbo. Ano mang sandali, para bang . . . iiwanan na niya ako dahil sa pagod kahihintay at katitiis sa 'kin.

Slow kasi ako.

Eh, 'di ako na ang slow! Tutal sa mabibilis niya gusto, sa mabilis mag-isip at kumilos, eh, 'di doon na siya kay Yunnah! Mukha namang bagay sila. Wait. But . . . he's gay. Nawala sa isip ko. Pero . . . bakla ba talaga siya?

Halos batukan ko ang aking sarili. Siyempre, bakla 'yon! At proud akong ako lang ang nakaaalam no'n. It makes our friendship deeper because it's like we've got the biggest secret to hide from the whole world. Parang it's us against the world. And actually . . . that's how our friendship was built.

I can still vividly remember how he approached me. He was very friendly and had that warn energy around him. With just one smile, he could make anyone's heart melt for him. But for someone who had gone through so bad, that wouldn't be the case.

Sumasama ang loob kong isipin na ipinagtabuyan siya at hindi pinapansin noong una. After Yunnah left, I couldn't possibly make friends again. I couldn't begin again. Mas lalong mahirap sa 'king papasukin sa buhay ko ang lalaking kagaya niya.

Not until I found out that he wasn't a boy.

Bakla siya . . . 'Yon ang nagbukas ng puso't isipan ko para sa kanya. Naisip kong baka . . . baka pwedeng magtiwala ako ulit at magsimula nang bagong kabanata. I had doubts and worries, but with him, it always seemed easy to shrug them off me. Akala ko'y malabong mangyari, pero nagawa niyang paglapitin ang mga daan naming magkaiba ang patutunguhan. Tinanggap niya ako sa kung sino ako hanggang sa natutunan kong yakapin ang buo niyang pagkatao.

Ngayo'y mas nakakakirot ng dibdib isiping ganito ang sitwasyon namin sa kasalukuyang sandali. How I hoped I could get things back the way they were before. Hindi ko pa rin matigilang sisihin ang sarili dahil wala akong kaalam-alam kung ano ba talaga ang problemang mayroon kami. If I don't know the problem, then how could I search for some kind of solution? It's like finding a needle in a haystack.

"Oh, Yumi, anak? How's your exams?" tanong ni mama nang humahakbang ako papunta sa living room.

"Okay naman po, 'ma." I showed her a small smile. "Hindi man ganoon kataas ang scores ko, hindi naman mababa. For sure, I'm going to pass, 'ma. Just trust in me."

Half-day kami dahil sa exam, at pang-umaga kami. After lunch, I stayed in my room and took a long nap. Lagpas alas-tres na yata ngayong hapon. Kung hindi nga nanakit ang likod ko, hindi ako lalabas at magmumukmok na lang sana.

Hinaplos niya ang aking buhok nang maupo ako sa kanyang tabi. Nang mapunta sa TV ang aking paningin, patalastas ang nandoon. "I always trust in you, Yumi. You can do anything, that's what I've always believed. Gano'n din ang paniwalaan mo nang maabot mo ang lahat ng iyong pinapangarap."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 30 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Can See Your True Colors Where stories live. Discover now