Chapter 9: A Friendship that Never Ends

3 0 0
                                    


YUMIRAH

I UNLOCKED the door as Rafe looked around the place. Wala siyang mapapansing pagbabago sa paligid ng bahay dahil hindi pa nananalo sa lotto si papa para maipaayos namin ito. Siguro'y parang ang tagal na sa kanya nang huli siyang tumapak dito kaya hindi maiwasang magsuri ng kanyang mga mata.

Akala ko, huling problema nang darating sa amin ang nangyari dulot ng paghalik niya sa 'kin. But it turned out that I was wrong. Matapos kong masaksihan ang "planadong" paghalik sa kanya ng YES-O president, nagkaiwasan na naman kami. I spent days thinking about why I reacted the way I did.

Walang araw na hindi niya ako sinubukang suyuin at kausapin, at ngayon ako nagkalakas ng loob na harapin siya at ang problema. After days of avoiding him and being alone, finally! I thought I was now ready to talk about it. Kaya nang gusto niya akong ihatid, pumayag ako dahil balak kong kunin ang pagkakataon para magkausap kami nang masinsinan.

"Feel at home," I said as I put the key on the table.

Wala kaming nadatnang tao dahil bukod sa nasa trabaho pa si papa, may pinuntahan si mama. Nagpaalam sa akin si mama. Kaya nga inihanda ko ang susi dahil alam kong ila-lock niya ang bahay.

Naupo siya sa upuan naming gawa sa kahoy. It's not as soft as their couch, but I hope it somehow makes him feel comfortable. His eyes looked around before focusing on me. "Where's tita? I was expecting to see her smiling at me."

"Lumabas siya para bumili. Matatagalan bago siya makauwi dahil nag-text siyang nagkita sila ng friends niya," sagot ko, na tinanguan niya. Hinawakan ko ang strap ng aking bag. "Stay here, hintayin mo ako."

He stood up quickly. "Wait! Where are you going? Sasama ako."

I almost rolled my eyes. Kung umakto siya, parang nagkaayos na kami. Ang matalino, mabilis makalimot ng mga maliiit na bagay - So, maliit na bagay sa kanya ang nangyari? Ah! "To my room, magpapalit. Hindi puwedeng samahan mo ako, kaya mag-stay ka lang sa upuan."

"Ito naman!" maarteng sabi niya sabay balik sa pag-upo. "You have nothing to hide, so you don't have to be shy. At saka para namang hindi ko pa 'yan nakita, ah."

I felt my cheeks burning. Bigla yatang uminit dito. "Hoy! Ano'ng sinasabi mo? Kapag may nakarinig sa 'yo, iba ang iisipin nila."

Ipinatong niya ang kanyang hita sa isa at ipinagkrus ang mga braso. Talagang tinaasan niya pa ako ng kilay. Mukha siyang babaeng masungit. "And who cares? You think I do? Ang chakang 'to, masyadong nag-aalala sa iisipin ng iba."

My eyes slightly widened. Bakit ko na siya hinayaang pumunta rito? Ang baklang 'to! "Hoy, bakla! Kung tatawagin mo lang akong chaka, mas mabuting sa ibang araw na lang tayo mag-usap. And FYI, wala kang kahit anong nakita sa katawan ko!"

I even covered my body with my arms. Kung sobra ang kamangmangan ko, naniwala na ako sa pangga-gaslight niya. Kahit imposible, nakumbinsi niya sana akong may nakita na siya sa akin noon.

He laughed, and that made me want to punch him in the face. Kung may lakas ako ng loob, bugbog-sarado na siya. "I was just joking! Look at your face, girl! Huwag ka nang maasar, beshy ko."

Nagbuga ako ng hangin upang pakalmahin ang sarili. Sa halip na batukan o saktan siya sa pang-aasar sa akin, pinili ko na lang na umirap. He's here to talk with you, Yumirah. Not to make the situation worse. Try to understand, Yumirah.

I Can See Your True Colors Where stories live. Discover now