(7) Certainties

3.6K 109 133
                                    

💖💖💖

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💖💖💖

Sobra namang rupok ng mga chinaware ni sir. Parang ako.

-Mical

💖💖💖

XIAN

"Hoy! Nagpapakamatay ka ba?"

I didn't pay attention to the calling. This was not what I was here for. I need to be away from Mical. Baka kung ano ang magawa ko kapag lagi kong nakikita ang batang iyon.

I kept on running.

"Tone it down!" sigaw ni Anton.

I just rolled my eyes when he started lessening the speed of the treadmill.

"Naloloko ka na ba? Limang oras ka na diyan at that speed. Buti na lang nandito ka! I don't want to imagine what could have happen kung nasa bahay mo ikaw. Baka patay ka na bago ka huminto."

Nah, nandoon si Mical. Kukulitin ako no'n hanggang sa tumigil ako sa ginagawa ko at ibigay ang buong atensiyon ko sa kanya.

"Nasaan si Mical?"

"Nasa bahay."

He looked shock! "Iniwan mo sa bahay mo si Mical?"

"Yeah."

"Good luck sa glass house! You know Mical and glasses do not go together. You are inviting a disaster."

"Don't talk about her like that!"

He mouthed, wow!

I hit the stop button with my palm, and jumped out of the machine.

"Anong oras ka dumating?"

"I really don't know. Around two am maybe."

"Two am?"

Nilingon ko siya habang nagpupunas ako ng pawis.

Anton's mansion was open for me anytime. Ang kotse ko ang may direktang access dito.

Anton got me from Liam, six months after Liam accepted his real identity as a Castiglione. Maraming ipinalit sa akin.

And then, Anton gave me securities as well. A command from Marco.

"Natulog ka ba?" tanong niya. "Ibig sabihin tulog pa si Mical nang umalis ka sa bahay?"

"I don't know, I hope so." I lied. I was gawking the girl the whole time.

I wore my white cotton shirt again. I ran with my jeans on. Umalis lang ako ng bahay nang hindi nagbibihis. Now I need a shower. I crossed the few meters hallway papunta sa kuwarto ko sa bahay ni Anton.

Nakasunod siya sa akin. "Hindi mo dapat iniiwan mag-isa si Mical. Baka kung ano ang gawin no'n."

"Matalino si Mical, clumsy lang. I left a note that I will be back. Dadalhin ko siya sa ERU mamaya para mag-enroll."

THE BILLIONAIRE'S MAID (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon