Kabanata VI

7 0 0
                                    

We are now enjoying the movie while eating empanada. This is so yummy than before. I like how it turns out. We're so pro.

"Ba't ka pala nalate kanina sa party?"

I suddenly asked, at napalingon sa kaniya. Tumatawa ito sa pinapanood naming horror comedy.

"Ohh yeah hahaha, inasikaso ko paperworks ko dahil tambak-tambak na kakavisit ko kay mom 'dun sa states."

Napatango na lamang ako, three days nga pala siyang wala.

"Eh ikaw? Bakit nagbago na style mo? Hindi na pang jologs."

Shuta talagang lalaki 'to oo kahit kailan. Hinampas ko braso niya at napa aray naman ito habang tumatawa.

"Alam mo, bwishit ka. Bawal na ba magmag-iba ng style ngayon ha?! Pero tol, wala na kami. Final na talaga."

Sinabi ko ulit sa kaniya baka kasi mag-assume na magbabalikan ulit kami as usual. Napatigil ito sa pagkain at napatingin ng diretso sakin.

"Tol? Sigurado kang final na ba talaga? Baka maya-maya sasabi kang kayo na pag nag message sa'yo kambal ko ah?"

Hinampas ko naman ito at napahalakhak ito ng malakas sa akin.

"Oo nga sabi tol. Nagising na ako sa katotohanang hindi kami pwede. Last time pumunta siya sakin at nagmamakaawa na bumalik ako. Tol, wala ng epekto talaga sakin as in puff!!! Nawala na talaga interest ko sa kaniya."

Ininom ko yung soju na hawak ko. At nagsalita ako ulit.

"I'm tired of finding his good sides, reasons for me to stay. It's over now, I'm telling you."

Kanina hindi ito kumbinsido pero nang makita niya akong seryoso sa mga salita ko at hindi paputol-putol gaya ng dati, tumango ito sa akin. Hudyat para sabihing naniniwala na ito.

Bigla ito pumalakpak sakin at niyakap ako.

"That's good, tol. Congratulations! Finally, nagising karin sa mahaba mong tulog. Biruin mo five years kang tulog. Five years ka ring nagpapakatanga sa kambal ko. Good job talaga tol."

Kumunot ulo ko at binatukan ko nga ito ng diretso.

"Grabe ka talaga sakin tol. Anyways, kamusta kayo ni Lara?"

Napakamot ito ng ulo habang umiiling-iling.

"Ayaw parin akong kausapin, three weeks na. Miss ko na nga eh."

I've crossed my arms and legs.

"Sira ka kasi, ba't ka naman kasi nagsinungaling? Nakipag-inuman tapos nalasing at nahuling hinalikan ng babae. Tol naman, 2023 na at nakuha mo pang gawin 'yang pang telenovela."

Niroll niya ang magazin at akmang hahampasin ako.

"Teka lang tol, kalma. Sabi ko nga tatahimik na. Hehe"

ALPHA WOMEN 1: SEALED WITH A KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon