Yung mahal ka nga niya pero hindi ka niya kayang ipaglaban. Ang sakit noon, yung feeling na mahal niyo na nga ang isa't isa pero hindi ka niya kayang ipaglaban. (Inulit lang e nuh)
Parang sinasabi lang na hindi ka niya kayang ipagmalaki. May pinagkaiba nga kaso para sa akin parang ganoon na rin. Gusto ko yung tipong kaya ka niyang ipaglaban kung anong meroon kayo kaso wala pala. Nag aasumera lang ako. Kaya sa huli, nasasaktan ako. Sa simula lang pala masarap pero ng tumagal naisip kong nakakasuka na pala. Yung nagsawa ka na dahil sa paulit ulit kang nasasaktan.
Ano nga ba talaga ikaw para sakanya?
Maipaglalaban mo pa kaya ako?