Panganim na Kadramahan

14 1 1
                                    

Mahirap nga ba maghanap ng totoong kaibigan? Yung tatanggapin ka ng buong buo kahit marami kang pagkakamali.

Noong hindi pa tayo nagkakilala, marami akong naging mga "tunay" na kaibigan.

Siguro masaya nga magkakaibigan kahit wala kang lovelife. Yung tanggap nila kung anong meroon ka, yung pagkabaliw mo natatanggap nila. Hindi naiiwasan ang pag aaway o tampuhan. Masaya talaga kung magkakaibigan ka ng taong tanggap ka sa lahat ng bagay o sa lahat ng gusto mo. Sana hindi ka alisin ng kaibigan mo sa buhay niya pagnagkalovelife ka kasi masakit.

Masakit mapagsabihan kahit wala ka naman ginagawa.

"Nagboboyfriend boyfriend pa kasi e"

Yung sana naintindihan ng kaibigan mo na binibigyan mo rin sila ng time kahit may lovelife ka na. Kung talagang ganoon ang gusto niya, sige pwede mo naman pakawalan.

Ang tanong matatawag bang lovelife ang relasyon ko sakanya?

If Not Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon