Kailangan ba kitang iwasan?
Ang crush talaga minsan nakakapagsaya ng araw mo. Kahit nga ang mga in-relationship diyan may mga crush e. Lahat naman tayo may crush pero siyempre iba pa rin ang crush sa MAHAL mo na. Infatuation lang yan, hindi pa umaabot sa puntong MINAMAHAL mo na talaga.
Iba talaga ang feeling na may crush. Iba kasi ang feeling pag nakikita mo siya. Iyong feeling na he/she completes you kahit wala naman siyang ginagawa sayo. Iyong feeling na He/she ay perpekto sa paningin mo at kahit saang anggulo iba talaga ang paghanga mo sakanya.
Pero bakit minsan nasasaktan tayo kahit wala naman tayo sa posisyon na masaktan? Bakit din minsan nagseselos tayo kahit wala naman tayong dapat kaselosan? Diba ang hirap isipin na pati pagtulog mo siya ang nasa isip mo pero iba ang takbo niya sa buhay mo.
Okay lang naman magkacrush basta huwag lang sosobra. Mahirap kasi magbigay ng sobra, minsan kasi hindi na bumabalik.
Hey boy, crush kita. Alam mo ba?