Side Story (Drew and Krystal)

35 0 0
                                    

Eto ung scene kung san tawag ng tawag si Krystal kay Drew tas di nasasagot ni Drew hanggang sa makapasok ng kwarto so enjoy reading Kamsa.

( Krystal pov )

Hayy nako !

Nakakainis ka talaga Drew I've been calling you for 42 times and your not answering !

I hate you !

But instead of hating him ! I have that thought of worried. Kase kagabi sa party di kami sabay umuwi gawa ng nagpatulong daw si Blacke at Warren mag-ayos nung program kase wala nga namang katulong.

Kaya eto ako ngayon kanina pa dial ng dial wondering if nakauwi ba sya ng maayos ? Eh baka nakainom pa yon kagabi malala pa naman tamaan ng saltik yon.

Pagdating ko sa baba nakita ko sila Zack dun na nakain ni Shinia ng almusal kanina kase kami ni Leera nagbukas ng pinto para papasukin mga yan.

I start calling Drew.

But again for how many times I've failed kase walang nasagot.

" Oy Krystal tumigil ka nga kakapabalik-balik nakakahilo eh " sita sakin ni Lil pero sinamaan ko lang sya ng tingin

" Zack asan ba si Drew ? Di kase nasagot sa tawag ko eh " tanong ko kay Zack

" Ah ayon ? Tulog pa . Tulo laway nga eh HAHA " saka sila tumawa nila Shinia

Tumaas naman ako sa kwarto saka sinuot ung jacket ko at lumabas para puntahan sya sa dorm nila lahat kase andito tapos sya lang at si Justine yung wala ano bang nangyari dun ?

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Nung makarating ako pipindutin ko na bale ung doorbell kaso biglang may nagbukas nito

Si Justine -__-

" Oy Pareng Krystal ? Napapunta ka ? " bati nya saken saka ginulo ung buhok ko

" Take off your hands on me . Si Drew ?" saka ko inalis ung kamay nya

" Sunget ! Asa loob. Aalis na ko !! Panget mo " saka na sya nagtatakbo palabas ng dorm nila.

Sobrang childish talaga non !

Pumasok na ko sa loob dahil iniwan lang naman ni Justine na bukas yon. At nakita ko nga dun si Drew na kababangon lang sa sofa sa sala at nahikab at naguunat pa.

Napatingin sya saken napansin nya sigurong nakatingin ako sa kanya

" Oh Krystal my loves ! Ang aga mo ata " saka sya lumapit saken at yayakapin bale ako at saka ako tumalikod at lumakad palabas ng dorm nila.

Sumunod naman sya saken

" Krystal ? Oy ? Galit ka ba ? " saka nya hinila ang braso ko at hinarap sa kanya

" Wala " matipid na sagot ko saka uli lumakad palayo

" Di ka pupunta dito ng walang dahilan. Galit kaba ?" tanong nya uli sakin

Tanong sya ng tanong habang nasunod sakin kase naglalakad pa rin ako palayo

Napatingin ako saglit sa kanya at ang muka na nakasimangot kanina ay napalitan ng ngiti pagharap ko sa kanya saka sya kumamot sa ulo nya

" Bati na tayo ?" saka sya nagpeace sign habang hawak-hawak ung phone nya

" Tsss " saka uli ako lumakad

" Sorry na. Ngayon ko lang nakita eh. Tapos nakatulog pa ko kaya di ko nasagot sorry na " saka nya pinakita ung phone nya saken

Binalewala ko nalang sya. Napansin ko pa na nakapantulog pa sya na damit. Bumaling ako ng ibang direksyon saka tumawa ng palihim.

" Tsk nakalabas pa ng dorm ng nakapantulog " narinig kong bumulong sya

Nakarating kami ng dorm namin saka ako pumasok at naunang pumunta sa kwarto ko. Bahala sya sa buhay nya, naririnig ko pang kinakausap nila Zack sa baba .

Hayy nako ! Kulang pa ko sa tulog simula 2am palang nagsimula na kong tumawag sa kanya kase nga sabi ni Blacke ay nalaglag daw na wires at kung ano-ano kaya nag alala ako.

At eto nga matutulog muna ako ! Just let me rest for a while.

Ipipikit ko palang yung mga mata ko naramdaman kong may nagbukas ng pinto.

" Leera naman patulugin mo muna ako ! Alam mo namang 2am palang tawag na ko ng tawag kay Drew kaya please patulugin nyo muna ako " reklamo ko habang nakasubsob yung muka ko sa unan ko

Naramdama kong sumara naman ung pinto pero walang sumagot.

Ng biglang may yumakap sakin mula sa likod.

Napabangon ako at nakita si Drew na sobrang lapit ng muka namin sa isa't-isa.

" Sorry na. Napuyat ka pa tuloy dahil saken . Promise di ko na uulitin " sabi nya habang yakap-yakap ako

" Sana kase nagtxt ka manlang para di ako nag aalala ng ganito " sabi ko sa kanya

" Sorry na "

" Apology accept " sabi ko saka ako ngumiti sa kanya

" Sobrang protective talaga ng GIRLFRIEND ko " sabi nya saka ako hinalkan sa noo

Oo tama kayo ng rinig. Kami na . Siguro mga 3 days ago na . Pero legal naman kami sa parents namin saka na namin sasabihin kayla Leera para di naman sila mabigla.

" Drew puyat ako. Tutulog muna ako please " sabi ko saka ako ng lean sa balikat nya nakaupo kase sya sa tabi ko.

" Puyat din ako eh. Sasamahan nalang kita " sabi nya saka tumabi sakin

Bakit sobrang bilis ko magpatawad sa kanya. Ganon lang siguro talaga pag mahal mo na ang isang tao. Kahit gaano ka kainis sa kanya noom darating ung time na magkakaroon ng espasyo sa puso mo para lagyan sya ng posisyon don.

(a/n: Thanks po sa pagsuporta kahit medyo boring ang story na to Kasma :) Anyways, magkakaroon naman pong story si Krystal at Drew as in Own Story ipipublish ko nalang sya pagtapos na para walang hassle kaya di na ko magsaSide Story dito. Enjoy reading Kamsa)

A Game Called Love !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon