Heto na naman kami. The typical snack session with the populars. Oo, mainggit kayo kase nakakasama ko iyong mga artistang kinagigiliwan ng lahat. Nagbago na nga ang buhay ko dahil dito e. Sino ba kaseng hindi maiinis? Ang isang Almira Vane na wala namang record sa pagiging sikat e nakakasama ang mga pinakasikat sa university.
"Vane! Imissyou." Patakbong yakap sakin ni Dale, pinakabunso sa banda, drummer. O kita niyo na. Nayayakap pa nila ako. Naku. Tadtad na naman siguro ako sa mga pagmumura ng mga fans nito.
"Dale. Bitiw. Gusto mo ba akong mapatay?!" sambit ko. Ang higpit kaya ng yakap niya.
"Ayaw. Pasensya ka na Vane. Namiss lang kita." Kamot sa ulo. Ang cute cute niya talaga. Ang sarap ngang iuwi e. I smiled at him. Tsaka nagpunta na ako sa pwesto ko.
"Vane. Kamusta?" ani Xander. Tinignan ko agad si Kelyn. Ngiting ngiti. Katabi niya kase si Xander.
"Okay lang naman. Kayo?" iniisa isa ko sila. Si Kuya Kerwin yung pinakakuya sa kanilang lahat. Bass guitarist din siya sa banda. Tinignan ko siya. Tumango lang naman. Tsaka ngumiti. May kinakalukot kase sa cellphone niya.
"Heto, medyo busy. May new project na naman."pagsang ayon ni Xander.Tumango ako bilang pag-sangayon. Inikot ikot ko yung paningin ko. Wala siya. First day palang a.
Blag!
Sumalampak ang bag sa harapan ko. Noun's bag. Mukhang badtrip.
"Noun! Mag-ingat ka nga. Natatamaan mo si Vane e." ani Dale.
"Tch."
Seriously, si Noun lang ang hindi ko pinakaclose sa kanila. I mean hindi nakakausap or what. Nakakausap minsan pero hindi naman nakikitungo.
"Pwede ba Noun. Kung badtrip ka. Hwag mong pagbuntunan si Vane. Wala namang ginagawa yung tao." nagsalita na si Kelyn.
Nagtaas lang siya ng kilay saka uminom. Kung alam mo lang Kelyn kung anong dahilan kung bakit pumuputok ang butsi netong lalaking to. I want to be close to him. I know hindi ako kasing ganda ni Kelyn pero kahit naman sana minsan mapansin din niya ako.
I saw Noun's eyes jolted to Xander and Kelyn. I know, naiinis siya. Nagseselos kumbaga. It's obvious. She never look back like that kapag hindi si Kelyn. He saw me staring at her at napaiwas naman ako bigla. Alam kong sa pagiwas kong yun, nakatuon parin yung mga nanlilisik nitong mga mata sa akin.
Aawayin o sisigawan na naman siguro niya ako. I get my softdrink ng biglangsplash!
Tinabig bigla ni Noun yung inumin ko. Napasigaw naman si Kelyn. Natapunan kase ako. And suddenly all eyes are on us. Naku.
"Noun! What have you done?!" sigaw ni Kelyn.
Tinignan ko siya. Ngumingisi ng bigla na lamang siyang tumayo saka ako hinila. Sht!
"Hoy Noun. Ano na naman bang gagawin mo sa kaniya ha?!" tumayo si Xander saka pati na rin si Kelyn.
Tinignan ko siya. Patuloy parin siya sa pagngisi. Tch. Ano ba tong pinasok ko. Ngayon ko lang nakitang nagkaganito siya. I mean, he doesn't talked and hold me like this. Pabigla bigla.
Hinigpitan niya bigla ang pagkakahawak saken. Not literally na buong hands namin ang magkahawak pero parang ganun na rin iyon.
"Hihiramin ko lang muna si Almira ha? We have to do something really important." pagdidiin niya sa huling salita.
Pagkasabi niya nun, hinila na niya ako and all I knew, nakangiti akong sumusunod sa kaniya habang lahat ng mga mata ay handa na akong patayin dahil sa pagkabigla.

BINABASA MO ANG
My SML
RomanceDid you even try the word assuming? Its really hard to assume lalo na't wala naman talagang katotohanan at kasiguraduhan ang nangyayari. She believes. She assume. She tried. She hopes. She will never give up. Ang tanging nasa isip niya, "What if...