"I love you. I really do. Will you mar----"
Aghhhhhhhhh! Ang lamig. Ano ba naman 'to. Magyeyes na sana ako e. Bakit ba parating may panira sa moment ko.
"Kanina pa kita sinisigawan jan Almira ha! Ni hindi mo magawang gumising. Ayan at nabuhusan na naman kita. Nakakawrinkles kang bata ka!"
Bunganga na yata ng nanay ko ang almusal ko. Aba, palagian na yata to e. Edi palagian na din iyong pagkawasak ng magaganda kong panaginip. Kainis. Nakakabadtrip. Sa panaginip na nga lang kase nagkakatotoo yung mga pangarap ko, mabibitin pa.
Bago pa man ako sumalang sa pagligo, nais ko munang ipakilala sa inyo ang aking napakagandang pangalan. Ako nga pala si Almira Vane Santos. 2nd year college sa kursong Bs Tourism Major in Travel and Tour. Scholar ako. Yes, hindi kami yung sobrang yaman, hindi naman yung sobrang hirap. An average citizen na sapat ang pangangailangan sa pang araw araw. Not like the students who study here. Ewan ko ba kung bakit dito ako pinag-aral ng mga magulang ko.
- -
"Vane!"
Sa dinami dami ng mga babaeng normal na makikilala ko, si Kelyn pa ang binigay saken ng tadhana. Hindi kase siya yung ordinaryong babae lang na nag-aaral. Isa siya sa mga tinitingalang teen actress sa ngayon. Nasa kanya na lahat. She is more than a goddess. Hindi ko nga alam kung bakit ako pa iyong natipuan niyang kaibiganin.
"Hoy Vane. Kanina pa ako nagkwekwento sa iyo a. Nakikinig ka ba?" pagdadabog na sabi nito.
Everybody knows Kelyn. Sikat nga e. Pero no doubt kung sasabihin nilang spoiled brat tsaka shy type. That's the typical attitude na makikita natin kuno sa mga artista. Pero no, hindi siya spoiled at hindi rin siya shy type. Normal lang. Madaldal. Fashionista. Ibang iba siya.
"Hoy. Vane. Ano ba? Pakinggan mo naman kase ako." Sabay yugyug sa balikat ko. Va-ne kase ang pagkapronounce niya nito. Even my friends tsaka classmates calls me like that. Family ko lang kase nakakatawag saken ng Almira. Duh. Ang arte kayang pakinggan.
"Oh? Si Xander na naman iyan panigurado. Naku. Kelyn. Tigil tigilan mo na nga iyan." sambit ko sabay lakad palayo sa kanya.
Sinunod niya ako at nakisabay na ring lumakad. Hindi naman sa ayaw ko kay Xander. Naiinis lang kase ako kase parati nalang siyang Xander ng Xander.
"Eh, pinansin niya kase ako sa studio kahapon. Naku. Nakakakilig. Vane, first time yun. First time." kilig na kilig nitong sabi.
Si Xander o Alexander Olivares ay isang artista rin. Yes, gwapo siya tsaka mukha palang ang bait bait na. One more thing, vocalist din siya ng The Wanted, ang pinakasikat na banda sa university namin.
"Ano bang sabi?" matamlay kong tanong.
"Ah. Uhm. Nag hi lang naman. Kasama ko kase si Noun."
Natigilan tuloy ako pagkasabi niya sa huling salita. Hayy.
"E andun pala si Noun e. Nahihiya lang sa kasama mo kaya ka pinansin."
"Ouch ha. Vane naman. Ang sungit mo. May dalaw ka ba?"
"Tch. Wala. Halika na nga. Baka maabutan ka pa dito ng mga fans mo." Hinila ko na siya tsaka na kami pumunta sa klase namin.
Magkaklase kami sa lahat ni Kelyn pero thrice a week lang kase sila nagsstudy. Syempre mga artista, maraming ginagawa.
Upon hearing his name, naging matamlay na naman ako. E ano pa nga ba. I've been liking Noun since first year. Ewan ko ba kung bakit. Oo, ang lakas lakas ng appeal ng pagkabadboy niya pero ewan ko ba kung bakit patay na patay ako sa kaniya. Ni hindi pa nga niya ako napapansin, nakikita oo pero bukod na dun e wala na. Kung hindi lang dahil sa bestfriend ko, hindi ko siya makakasama.
The saddest part is that he likes Kelyn. Oo, nararamdaman ko. Nakakainis nga e. Nakakainis dahil hindi talaga niya nararamdamang hindi siya gusto ng bestfriend ko.
Parehong silang manhid.
Nagpapakatanga. Umaasa sa wala.
Katulad ko.
BINABASA MO ANG
My SML
RomansaDid you even try the word assuming? Its really hard to assume lalo na't wala naman talagang katotohanan at kasiguraduhan ang nangyayari. She believes. She assume. She tried. She hopes. She will never give up. Ang tanging nasa isip niya, "What if...