I couldn't help but start to contemplate how others perceived me. Did they see me as a pitiful sight, a broken soul? Did I come across as a walking cloud of negativity, a big loser in human form? Were they seeing me as a total downer?
Feeling a mix of frustration and offense, I found myself walking alongside a stranger who dared to pass such judgment upon me. Hindi ko rin alam kung bakit ako sumama sa kanya. Siguro kasi bigla akong nakaramdam ng awa sa sarili ko pagkatapos niya akong sabihan ng ganun. Para bang napaisip ako na siguro nga I needed some company.
"What do you wanna have for dinner?"
Nabalik ako sa huwisyo nang marinig ko ang tanong niya. Niya... Hindi ko pa rin kasi alam ang pangalan niya at wala rin naman akong balak alamin pa.
"Kahit ano," tinatamad na sagot ko sabay kibit-balikat. Kanina pa kami naglalakad sa sidewalk. Actually, mahaba-haba na rin ang nalakad namin mula sa hotel. Marami naman kaming nadaanang pwedeng makainan pero ewan ko ba kung saan ba ako dadalhin ng lalaking 'to.
"Do you want pasta?" tanong niya habang naglalakad.
"Okay lang naman. Saan mo ba ako dadalhin? Baka maligaw tayo," pagsusungit ko.
Pinakita niya sa akin ang phone niya. Dun ko lang napansin na sinusundan niya yung Google map. "I wanna go to this food park. We're almost there."
Napairap nalang ako sabay kamot sa ulo ko. Nagtitimpi lang talaga ako. Pinapagod lang yata ako nito e. Kanina pa kami lakad nang lakad dito. Baka makarating na kami ng Ilocos!
A few minutes later, nakarating din naman kami sa food park na tinutukoy niya. Mula sa labas ay natatanaw ko nang medyo crowded yung lugar which I just took positively kasi ibig sabihin the food there is nice.
"Let's go," yaya niya sa akin at agad na naghanap ng bakanteng table. Sa dinami-dami ng tao, hindi ko alam kung swerte lang ba siya o ano pero wala pang isang minuto ay nakahanap agad siya ng pwesto. Iba talaga ang nagagawa ng face value. Ang daming advantage!
"So, what are you in the mood for grub?"
As I sat down, I scanned the food park with my eyes. I went through each stall that caught my attention. However, I felt a bit overwhelmed by the crowd. "Just anything. Ikaw nalang ang pumili. Hindi naman ako choosy," I casually answered, brushing it off.
"I'll tag along wherever you decide to order, that way we can split a single serving."
Lumingon ako sa likod ko. Sakto, walang masyadong pila sa stall nasa likuran ko. It was obvious na puro rice meal ang siniserve nila base sa menu na nakadisplay. "Dito nalang siguro," sabi ko habang nakaturo sa likod ko.
"Okay."
"Wait," pigil ko sa kanya kasi papunta na siya roon para mag-order. Naglabas ako agad ng 500 pesos at inabot ko sa kanya. "Ito yung bayad ko."
"No, it's on me."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ayoko nga. Utang na loob ko pa sayo. Oh, heto na..." pilit kong nilalagay sa kamay niya yung 500 peso bill pero umiiwas lang siya.
"Alright, alright! How about you foot the bill this time, and I'll owe you a favor?"
Tinaasan ko siya ng kilay at bahagyang natawa nang sarcastic sa hirit niya. "Huh? Close tayo? Kapal, ha. Kaya pala gusto mo akong sumama sayo para magpalibre." Natawa din naman siya isinagot ko. "KKB na kasi!"
"Chill. Look, your frown lines are starting to show!"
Binawi ko ang pera ko dahil sa sinabi niya. Aba, kung kanina e tinawag niya akong broken soul, ngayon naman pinansin niya ang frown lines ko!
BINABASA MO ANG
The Journey of a Broken Soul [Ongoing]
RomanceFollowing a break-up, Phoebe made the decision to embark on a journey of soul searching by traveling alone. She was looking for solitude, but instead, she wound up meeting someone who would help her on her path to self-realization and recovery.