AMANDA‘Nasaan ako’ habang tinitingnan ang paligid pero isa lang itong malawak na kawalan.
‘Halika’ napalingon naman ako sa aking kaliwa. ‘Dito’ napalingon ulit ako sa kanan.
‘Halika dito’ napahawak ako sa makabilang tenga ng may bumulong naman sa’kin.
‘Halika’ bulong na naman niya.
‘Saan ?’ tanong ko.
‘Sa likod mo’ agad akong napalingon sa likod at doon may nakita akong babae, mahabang buhok niyang itim at nakatalikod sa’kin. Nakaupo habang nagtatampisaw sa tubig ang kanyang mga paa.
Parang may pwersa na hinihila ako papunta sa kanya. Nang aabutin ko na ang balikat niya.
~♤♤♤~
“Huh!” “Lady Amanda!” napalingon naman ako sa kanan at nakita ko si Adele na nag-aalala habang ako ay hinihingal.
Napahawak ako sa aking ulo ko … pilit kong inaalala ang napanaginipan ko pero hindi ko na maalala.
“Anong nangyari ?” tanong ko.
“Umuungol po kayo. Kaya pilit ko po kayong ginigising” sagot naman nito sabay abot ng tubig. Kinuha ko naman at napatingin ako ulit sa paligid. “Anong nangyari dito ?” tanong ko ulit dahil ang kwarto ko ay wasak … wasak na wasak.
“Kayo po ang may gawa nito, Lady Amanda” mahinang sagot naman niya.
Huh ? Ako ?
“Tsk !” may nagtangka pala sa’kin patayin ako. G*g* kasi tanong-tanong ako kung sino ang nag-utos. Sugod naman siya ng sugod. Kaya tuloy kagabi napilitan akong hampasin siya palabas ng bintana. “Mag-umpisa na tayong malinis” nagulat naman siya sa sinabi ko.
“Hindi ! Kami po dito, Lady Amanda. Magbihis na po kayo at gawin niyo na po ang ginagawa niyo na naudlot kahapon” sagot naman nito at agad niya akong inalalayan papunta sa banyo.
Nang matapos akong maglinis ng katawan at magbihis ay dumiretso ako sa balkonahe para tapusin ang binabasa ko sa librong nakita ko.
~◇~
Imperial Calendar y. 319 m. April d. 15
Sa mga nakalap kung impormasyon tungkol sa biyaya ng buwan ay iba kaysa sa mga sinasabi sa templo. Kung sa diyos ng araw ang gamit mong sandata ay hindi ipinapasa sa iyong angkan kundi maglalaho ito kasabay ng paglaho ng orihinal na may-ari pero sa biyaya ng diyosa ng buwan kapag namatay ang orihinal na may-ari ng sandata ay kinukuha ng diyosa ng buwan lahat na binigay niya at pipili ulit siya ng karapat-dapat dito kung nagawa mo ang tungkulin mo pero kung hindi mo nagawa ang tungkulin na nakaatang sa’yo ay maipapasa ito sa iyong magiging tagapagmana.
BINABASA MO ANG
Rebirth Of The Villainess: Amanda Rosella, The Runaway Villainess
Fiction Historique"There is no way to hold something that is truly beautiful; not without consequences. There is a reason why roses have thorns" - Adam Stanley (All the pictures are not mine)