Meet Benjamin Lancaster
Chapter Three
AMARA MARTINEZ
“LANCASTER? Lancaster ng kaharian ng Lumina ?” kinakabahan ako sa mga tanong ko. Nagpakalayolayo ka na nga para lang maka-iwas pero ito ngayon parang pinalalaruan yata ako ng tadhana.
“Oo, mula ako sa nag-iisang angkan ng mga Lancaster sa kaharian ng Lumina” sagot naman niya. Ngumiti nalang ako para maka-iwas na para bang ipinapahiwatig ko na wala talaga akong alam. “Matanong ko lang. Taga-Lumina ka ba ? Kasi parang kilala mo ang angkan namin” tanong naman niya.
Bwesit! Bakit ba ako nagtanong.. “Sikat ang angkan niyo sa bayan ito” sagot ko naman tsaka ngumiti… ba malay ko kung sikat sila dito.
Tumango naman siya. “Ikaw? Ano ang pangalan mo?” tanong naman niya.
“Amara. Amara Martinez ang pangalan ko” ngumiti lang ako sa kanya. Hindi ko talaga mabasa ang mga iniisip niya parang hindi siya naniniwala. “Aalis na ako. Dito ka muna at magpagaling ka darating na ang doktor dito titingnan ka niya. Ikaw ang bahala kung susundin mo ang mga bilin ko kung gusto mong umalis, isarado mo lang ang pinto ng bahay ko” malamig na bilin ko sa kanya. Bahala na siya kung gusto niyang manatili o hindi. Napalingon naman ako ng may kumatok. Binuksan ko ito at napangiti nalang ako…
“Magandang umaga, Ate Amara” bati naman nila Tony at Amy.
“Magandang umaga rin. Anong sadya niyo ?” nakangiting tanong ko sa kanila.
“Para po sa iyo” saad nila sabay bigay nila ng bulaklak.
“Salamat pero ang binigay niyo noong nakaraan hindi pa na tuyo” saad ko sa kanila sabay kuha ng bulaklak.
“Ako na ate” saad naman ni Tony habang kinuha ang vase sa’kin.
“Kasi ate ang binigay namin nakaraan hindi na maganda gusto namin dapat umaga hanggang pag-uwi mo galing sa trabaho maganda parin ang iyong makikita” paliwanag naman niya. Napangisi nalang ako. “Sige alis na ako. Kayo muna ang bahala dito at sa bisita ko” bilin ko sa kanila sabay turo sa lalaking ito. Napatingin naman silang dalawa.
“Sige po, ate” mahinang saad nilang nang hindi nakatingin sa’kin. Tsaka umalis hindi na ako nag-abala na lingon pa iyon.
BENJAMIN LANCASTER
“SIGE aalis na ako. Kayo na muna ang bahala dito at sa bisita ko” bilin naman niya na para bang hindi kayang alagaan ang sarili ko.
Dalawang taon na rin ng huli ko siyang nakita. Ang laki ng pinagbago niya. Kung dati kapag may mga pagtitipon akong dinadaluhan at nakikita ko siya parang ang tapang ng dating iba ang mga tingin ng kanyang pulang mata ngayon ang bagsik ng tingin na kumbaga sa isang mabangis na hayop titingnan ka muna niya gamit ang mapagmasid na tingin saka ka lalapain.
Pero sa harap ng mga batang ito na ngayon ay nag-aayos ng bulaklak na bigay nila. Ang kalmado niyang tingnan. Lumabas naman ako at nakita ko si Parak na lumabas.
“Kamahalan walang siya paggalang sa inyo. Gusto niyo bang tapusin ko na siya” saad naman ni Parak. “Ahh !” napatingin naman ako sa kanya ng sumigaw siya.
Napabuntong hininga nalang ako sinapak lang pala siya ni Luis. “Wag kang padalos-dalos. Wala ka bang nararamdaman sa binibining iyon” seryosong saad naman nito.
“Anong ibig mong sabihin, Luis?” tanong ko sa kanya.
“Ako lang ba o kapangyarihan ko para kasing may mali basta kamahalan. Hindi naman sa hindi ko gusto ang presensya niya… hindi lang talaga ako mapakali kapag nandyan siya” isang first rank fire wielder si Luis kaya kahit hindi niya gamitin ang kapangyarihan niya may nararamdaman parin siya.
“Hindi parin makatarungan !” nagulat naman kaming dalawa ni Luis
“Tang*na ka talaga!” at ayon nagbugbugan na silang dalawa.
Napaisip ako sa mga sinabi ni Luis. Ano nga ba ang sinasabi ni Luis na hindi siya komportable kapag nasa paligid lang si Amanda. Ano nga ba ang meron sa kanya ? Tapos sa inasta niya kanina na parang bang hindi niya ako kilala. Iba pang pangalan ang gamit niya. Amanda, ano nga ba ang nangyari sa’yo sa loob ng dalawang taon ?
“Luis. Parak” tawag ko sa kanila.
“Kamahalan”
“Ihanda mo ang karwahe. Babalik na tayo sa capitolyo. Dediretso tayo sa mga Pembroke” utos ko sa kanila.
“Masusunod, kamahalan”
AMARA MARTINEZ
NATAPOS na ang boung araw at gaya parin ng dati napakarami parin ang dumating na biyaya buti nalang kanina ay may nagdeliver na ng mga bulaklak para sa mga bagong kong suki.
Habang naglilinis ako ay tumingin muna ako sa paligid para kasing may nakamasid pero isinawalang bahala ko nalang. Natapos ko na ang dapat kung tapusin ay isinarado ko na ang tindahan.Bumili muna ako na sangkap na lulutoin ko mamaya dahil may bisita nga pala ako baka hindi kumain doon pa mamatay sa lugar ko mahirap.
Nang makabili ay umuwi narin. Nadatnan ko siya sa labas ng bahay habang kausap ang mga bata.
“Ate Amara!” tumakbo ang dalawa patungo sa’kin. “Buti nalang na nakauwi kana” saad naman nila. “May sasabihin po daw sa inyo si Kuya Pogi” masigla nilang saad sa’kin.
Humarap naman ako sa kanya. “May sasabihin ka ?” tanong ko.
“Hindi ko gustong umalis na hindi ako nagpapaalam at nagpapasalamat sa’yo, Aman- Amara” napakunot-noo ako pero napa-iling nalang ako. “Maraming salamat sa lahat ng tulong na ibinigay mo sa’kin” saad niya.
“Walang anuman at buti maayos kana” napabaling nalang ako ng tingin. Buti nalang uuwi na siya ayaw ko talaga na makatagpo ako ng mga taong dahilang nang pagkamatay nitong may-ari ng katawan na’to.
“Maraming salamat ulit” doon ko lang napansin na nasa harap na pala ng bahay ko ang karwahe niya. Bumaling siya sa’kin bago siya pumasok sa loob ng karwahe. “Sana magkita tayo ulit, Amara” saad niya sa ka siya pumasok sa loob.
Hindi. Sana hindi na tayo magkita ulit.
BINABASA MO ANG
Rebirth Of The Villainess: Amanda Rosella, The Runaway Villainess
Fiksi Sejarah"There is no way to hold something that is truly beautiful; not without consequences. There is a reason why roses have thorns" - Adam Stanley (All the pictures are not mine)