Chapter 4: Ang Hindi Inaasahan ni Rachel

2 1 0
                                    

Sa may Paaralan .....

Nakaupo si Rachel sa isang Kahoy na upuan mag-isa. Linapitan siya nina Chloe dahil may sasabihin raw itong importanteng pangyayari na Kailangan niyang umattend dito.

"Hi Rachel", na may Hand Gesture

"Hello Chloe, May sasabihin kaba?", hindi alam na sinabi ni Rachel

Sumagot si Chloe "Gusto ka sana naming imbitahan sa isang Ballroom Event ngayong Linggo, Papayagan kaba?"

"Whattt??", Napatayo si Rachel
"Para saang event ba yan Chloe?"

"Para sa mga Bisita nila Mama sa Kumpanya namin", tugon ni Chloe

Sumagot si Rachel "Ahh, Okk", pag-iisipan kopa

Pilit na iniimbitahan nila si Rachel

"Sige na Rachel , Pagbigyan mona kami, Ngayon lang naman tu eh , Saka diba kaibigan na tayo?"

"Sige na nga, Sasama na ako" , excited na aabi ni Rachel

"Yehheeeeyyyyy, Thanks Beeshiee " traydor na sabi ni Chloe
"Sige , antayin na nalang namin bukas dun ha?"

"Saan nga pala address, Chloe?", Patanong na sabi ni Rachel

Sumagot si Chloe" Philippines, Fictional City, 4567 Starlight Avenue "

"Ah Ok, Thanks" , sabi ni Rachel

At umalis sila, samantalang si Rachel walang kaalam-alam sa balak nina Chloe, Jane, Emma at Liza

( Linggo ng March )
" SMITHFIELD COMPANY ALLIANCES BALLROOM EVENT "

Paggising ng umaga ni Rachel, Excited siyang magsuot ng kanyang Halloween Costume lalo't
tinulungan siya ng kanyang mga magulang at kapatid sa paggawa nito.

"Good Morning, Tay... Nay", nakangisi na sabi ni Rachel

"Morning rin, Rachel" sagot ng kanyang Ina na si Elaiza
"Kumain kana anak, Alas 7:00 na, malapit ma mag alas 8:00 para sa Halloween Event Niyo"

"Cge nay, Teka lang magmugmog muna ako mag hilamos" , sabi ni Rachel

"Cge anak, Dalian mo ha, baka matulala ka na naman diyan", tawang sabi ni Elaiza

"Nanay naman eh", sabi ni Rachel

"Joke lang anak, Bilisan mona diyan", habang naghahanda ng pagkain ang kanyang ina

Pagkalabas ni Rachel galing sa C.R diretso siyang kumain, lalo na at pinaghandaan ng kanyang ina siya dahil aattend ito sa mismong event ng SMITHFIELD COMPANY. Pagkatapos niyang kumain , diretso siya sa loob upang magpalit na ng Halloween Costume Attire.

Sabi ni Rachel "Nay, bihis muna ako"

Tugon ng ina "Sige, Anak"

Masayang nagbibihis ng Halloween Costume si Rachel at excited na pupunta ng event.

Pagkatapos niyang Magbihis, lumabas siya kaagad.

"Wow, ang ganda naman ng suot ng anak ko", sabi ng kanyang ina

"Salamat Nay", tugon naman ni Rachel

At Umalis na nga si Rachel sa kanilang bahay ar excited na makadalo sa nasabing event.



( Philippines, Fictional City, 4567 Starlight Avenue )

Ng makarating sila sa Lugar kung ginanap ang Ballroom Event, nakita ni Rachel na Halos Lahat at nakasuot ng Ballroom Attire habang siya ay nakasuot ng Halloween Costume, pero itinuloy niya parin ito ng kusa ng hindi alam kung anong mangyayari sa kanya

Sabi niya pa sa kanyang sarili pagtingin sa mga tao "Bakit Lahat Ballroom Attire suot nila", padudang sabi sa kanyang sarili

Bigla niyang Sinapak ang kanyang sarili at sinabing "Ano kaba Rachel, Halloween na ngayon noh"

Pero dahil sa tagal ng kanyang paglabas , nagsabi ang driver ng taxi na....

"Miss, bababa po ba kayo dito?"

Sagot naman ni Rachel "Oo, Kuya , Sorry" at tumawa

Lumapit Siya sa maraming tao, pero dahil nga iba ang kanyang suot, maraming nakatingin sa kanya at pinag-uusapan siya. Kaya lumapit muna siya sa gwardiya at nagtanong

"Kuya Guard, Dito po ba ang, Philippines, Fictional City, 4567 Starlight Avenue ?"

Sabi Naman ng Guwardiya "Oo miss, dito nga"

"Ahmm, dito poba gaganapin ang Ballroom Event ng SMITHFIELD COMPANY?"

"Oo miss, dito sa loob, Ano ba pangalan mo miss" , sabi ng gwardiya

"Rachel Po Kuya". Tugon niya

Niyaya siya ng gwardiya na papasukin sa loob ng hall, at sumunod siya ng hindi alam na kasabwat pala nina Chloe ang gwardiya para utusan na papasukin si Rachel para gawin ang kanilang plano.

"Halika miss, sumunod ka sa akin", ang sinabi sa kanya ng gwardiya

Sumunod Naman si Rachel.

"Dito ka miss muna maghintay", sabi ng gwardiya

"Sige, Salamat Kuya Guard", sagot ni Rachel

Hindi alam ni Rachel na dun na pala ang gitna ng Entablado, natatakpan lang ng mga tao na dumalo sa event at mga partners na sumasayaw muna ng ballroom dance.

Napansin ni Rachel na siya lang mag-isa ang may ganoong Costume

Sabi niya sa kanyang sarili "Bakit ako lang mag-isa may halloween costume?", Dudang sabi niya, ngunit sinabi niya rin na "Kalma kalang Rachel", napahawak sa dibdib sa sobrang kaba.

Maya-maya, Dumating na ang Host sa Entablado at nag-announce. Hindi inaasahan ng Lahat na kasama pala si Rachel sa programme na nakasulat.

Announce ng Host "Good Morning Ladies and Gentlemen, let's welcome our new guest..... RACHEL EMERALD......

At humarap sa kanya lahat ng Stage Lights. Habang nakatingin Naman sa itaas na hindi nahahalata sa silid sina Chloe at mga kaibigan Niya na nakatingin kay Rachel sa likod.

Pagharap ng lights, natahimik ang lahat, Pinagtitinginan nila si Rachel sa kanyang suot.

"Bakit ganyan ang suot niya?", bulong ng mga tao at usap-usapan nila

Bully BluesWhere stories live. Discover now