Chapter 6: Patuloy na Pambubully

3 0 0
                                    

Kinabukasan, kinalimutan ni Rachel ang lahat ng nangyari, nagsimula siya ulit at masayang pumasok ng paaralan.

( Sa Paaralan )

Pagpasok niya sa Hallway, narinig na naman niya ang usapan ng mga estudyante tungkol sa kanya, at ang iba naman ay tingin ng tingin sa kanya at pinagbulong bulongan tungkol sa nangyari. Pero hinayaan ni Rachel ang lahat kanyang nadaanan, kahit na may nagsasabing Siya ang babae na nagsuot ng Halloween Costume.

Pagpunta ni Rachel sa Kanyang Locker upang kunin ang gamit, Pagbukas niya. Lumantad ang sing dami ng sulat at pambubully tungkol sa kanya. Ito ay kagagawan lahat ni Chloe at ng kanyang mga Kaibigan. Pero hinayaan niya parin ang mga sulat at itinapon sa basurahan.

Sa Hallway naman papasok sa kanyang Classroom. Mga Pambubully na naman na nakadikit sa wall ng paaralan ang mga nakita niya. Hindi niya nakayanan ang lahat ng ito at umiyak. Tumakbo siya sa CR, ngunit sinadya ng lalaki na iharang ang kanyang paa sa daan. At dun natumba si Rachel sa sahig.

Kasama pa doon, ang mga kaklase niya, Binuhusan siya ng kung ano-ano, at pinaliguan ng kung ano-ano. Pero si Chloe Kahit basa na, iyak lang siya, dahil wala siyang laban sa mga ito, kaya ang magagawa lamang niya ay tumayo at Tumakbo

" Yan ang dapat sayo", tumawa ang estudyante. At tumawa rin ang lahat

"Ina mong mang-aagaw ng investor", sabi ng isa pang estudyante

Samut-saring pambubully ang kanilang ginawa kay Rachel.

Tumayo si Rachel, dinala ang bag, Hinampas niya ang mga ito, at Tumakbo palabas ng Paaralan.

Tumawid habang nakatakbo siya, pero muntikan siyang mabundol ng sasakyan , mabuti na lamang at nakapreno ito.

"Ano bang nangyayari sayo?, Miss", sigaw ng driver ng multicab

Tumayo ulit siya at tumakbo papalayo, naglakad siya patungog bahay, naabutan siya ng ulan, naglakad siyang parang nanghihina at uugod-ugod , basang basa siya sa ulit. Siya rin ay umiiyak ng umiiyak.

Sigaw niya "Bakit ba ito nangyayari sa akin?", habang may kulog at kidlat.

Dagdag pa niya "Hindi kona kaya", at umiyak na naman muli.

Napaluhod siya sobrang pag-iiyak at sakit na nararamdaman niya. Hindi niya alam ang gagawin, parang wala na siyang pag-asa pa , sabi na sa kanyang sarili. Ngunit bigla siyang natumba at nawalan ng malay.

May Kotse naman na huminto upang dalhin siya sa bahay nito.



( Sa bahay ni Aieron )

"Ma, tulong dito, nawalan siya ng malay, habang nasa daan at umuulan", pagdating na sabi ni Aieron

"Anak bakit anong nangyari", tugon Naman ng kanyang ina na si May
" Sige ipasok mo dito sa kwarto, kumuha ka ng mainit na tubig at basahan anak"

" Sige , Ma", sagot ni Aieron

Ginamot nila si Rachel at linagyan ng kumot, binihisan rin ni May ito.

Paggising ni Rachel..

"Nasa...... Nasaannn, Akkk....Akooo?", nanghihinang sabi ni Rachel

"Andito ka sa bahay namin", sabi ni May
"Nawalan ka kasi ng malay kanina sa daan habang umuulan, baka magkasakit ka niyan"

Napalingon si Rachel sa Bintana at umiiyak

"Bakit ka umiiyak?", tanong ni May

Pero hindi parin sumasagot si Rachel patuloy lang siyang umiiyak habang nakahiga siya sa kama

Sabi ni Rachel.....

"Parang gusto ko nang Mamatay"
"Di kona kaya", umiiyak at bahing(sneezing)

"Huwag kang magsalita ng ganyan", sabi ni May

Pero hindi sumagot si Rachel.

Bully BluesWhere stories live. Discover now