Agosto 01, 2023
Dear diary,
Sa mga nagdaang panahon, andaming pagbabagong nangyari. Everything feels so surreal as the clouds in the sky keeps glistening. Eme lang! Magpapasukan na ulit kasi. Hindi pa ako ready para sa journey ko sa Senior High School. Habang maaga pa, e-enjoy ko nalang muna mga natitira kong labi sa buhay! Oo nga pala, may itinayong malapit na perhayan dito. Plano ko pumunta bukas kasama mga kaibigan ko. Ayon lang, bye!
Salt air,
Jadiel (Taylor's Version)════ ⋆★⋆ ════
Pagkatapos kong magsulat ng panibagong entry sa diary ko, inilatag ko ito sa aking kama bago ako maghanda para matulog. Sa hagdan pa lang, dinig na dinig na ang balita na pinapanood ni mama. Lagi namang nakatutok si mama sa balita. Ano pa nga ba ang bago?
Sa ulo ng nagbabagang balita, natagpuan ang isang bangkay ng hindi pa nakikilalang babae sa gilid ng simbahan sa lungsod ng Maynila sa Sta. Annabel nitong Sabado ng umaga.
Alas-7:40 ng umaga nang madiskubre ang bangkay sa gilid ng St. Joseph Parish Church sa Mabini Avenue 666, 3600 Lamayan, Sta. Annabel, Manila, ayon sa ulat ng chief justice.
Sa inisyal na imbestigasyon, natuklasan na may sugat ito sa ulo na hinihinalang tinaga dahil sa laki ng biyak. Ngunit, walang mga matutulis na bagay ang natagpuan sa lugar. Posible umanong itinapon lamang sa lugar ang bangkay.
Tinatayang nasa edad 20 hanggang 25 anyos ang biktima at nakasuot ng white na t-shirt at black na pantalon.
Patuloy pa ang imbestigasyon at inaalam ang pagkakakilanlan dito.
Inyong tagapagbalita,
Samantha L. Bautista.Bago pa ako tuluyang makarating sa ibaba ng hagdan, narinig na ni mama ang bawat hakbang ko. Pagtingin niya sa akin, alam kong alam na niya ang susunod na mangyayari.
"Ikaw, dito ka lang sa bahay! Huwag na huwag kang lalabas ng bahay natin kung ayaw mong atakihin ako sa puso kapag makita kita sa balita!" Saad niya, as usual.
"Ikaw, dito ka lang sa bahay! Huwag na huwag kang lalabas ng bahay natin kung ayaw mong atakihin ako sa puso kapag makita kita sa balita!" Panggagaya ko sa mga sinabi niya sa akin.
"Aba't ginagaya mo pa talaga akong pisting yawa kang bata ka!" Panggagalaiti niya sa akin habang tinatanggal ang isang suot niyang tsinelas. Dahil dito, kumaripas na ako ng takbo papunta sa kusina.
Imamadali ko na lang ang pag-sesepilyo, baka kasi hindi talaga ako papayagan ni mama na lumabas bukas para sa peryahan. Balak ko pa naman ayain mga kaibigan ko para subukan 'yong ruweda. Sa kalagitnaan ng pagsesepilyo, biglang pumasok sa aking isipan ang di-makatuwirang takot. Hindi ko alam kung bakit pero biglang nagsitaasan ang aking balahibo sa buong katawan.
Sa aking pagmasid sa labas ng bintana, hindi ko maiwasang mapansin ang katahimikan na tila humahawak sa hangin. Ang dilim sa labas ay parang tumindi pa lalo, at ang mga kisapmata ng mga poste ay tila nagiging malinaw na pagbabanta.
N̵̬̈́a̴͉͆n̸̦͝g̸̘̾ ̵̟̀b̸̻̀i̴̟̔g̶̰͋l̵̨͗a̵͇͌n̴̯̕g̵̺̕ ̵͚̽b̵͋ͅu̴̲͋m̸̖̚å̸̠g̸̱̊s̸̹͋ā̷͇k̸͓̅ ̸̖͂a̵͋ͅn̴̦̚g̵̦͛ ̸̠͗a̵̤̎n̷̘̋ȋ̵̟n̸̝͒ơ̷͍,̷̱̉ ̷̻̓í̵̙ṣ̷̈́a̴̰̾ṅ̷͜g̶̞̈́ ̶̟̓ḅ̸̿õ̴̤s̷͓͒e̵̤̒s̶͔̀ ̵̻͂a̶̘͝ṋ̵͝ģ̵͆ ̴̠̓ḅ̵͒ị̴̾ǵ̷͖l̸̘̚ä̸̗n̷͕̑ǧ̶̭ ̴̲̕s̴̘̆u̴̯̅m̸͚͋u̵̼͗l̵̨͛p̶̤͝o̸͋ͅt̷̠͊ ̵̘̆s̴̻̈́â̵̯ ̵̥̚a̶͓͊ķ̶̕i̷̼̾n̵̻̑g̴̟͘ ̸̹́ī̸̮s̴̝̎i̴͎̓p̷̥̄a̴̟͝n̸͕̾,̵̺̿ "Ḩ̷̭͍̫͍̜̺̥͚̹̒͋̎̽̌͊̓͒͒͂͂̉͒̌͛̃̑̓͂̂̏̾̌̀̋͊̇͗͘̕̚̚̚ĭ̸̢̡̡̧̢̛̫̠̗͉̟̞̗͚̗̭͔͇̦̩̠͖͈̪͕̩͎̥͂͐͆̈́̐͋̎̋̓̄̇̒̿̅̅͌̉̈̅͌͊̊̈́̿̇̓̊̋̇̎̂̓̋̆̈͘͘̚͠͝͠ͅn̴̡̗͕̟̖̠̞̜̝͙͉̟̬̓̒͂́͂̐̿̒͌͆̊͑̔̍̀͊͊̽̑̓͛̈́͑́̃̀̚͘͠͠͝͝d̵̡̨̨̢̧̨̛̛̛̖̬͉̖̹͚̜͉̺̼̖̞̳̙̰̪̭̬͍̼͇͈̦͓͓̭̗̫͎̦̥͈̈́̍̋̔̈͑́̉̀̿̿͗̈́͆́͐͌͗́̿͋͘͠͝ͅͅͅͅi̷̧̢̟͙̬͉̳̙̖̼̰̺̬̟̭͇̮̗̦̤͔̱̗̥̫͒͌̉̿̌̽͐̔̆̆̎̂͗́̾̅̔͛̓͆̀̈́̋̀̈́̊͗̅͆̈̍̓̌̓̚͘͜͜͠ͅͅ ̷̻̈́͆̇̓̾̂̅̄̊̔́̄̅̃͌̅͗̌̂́̉̇͛͘͝͠ķ̶̨̛̤̤̼͍̠̳̖̤̲͙͎̞̳̞̳̮̳̲̭́́̊̈͊͆̆̀͆̈́̊͒̄̈́͛͊̆̉̒̀̾̈́̒͆̌͗̈́̌̍̒͐̕̕̚͠ͅȃ̷̧̡̢̗͍͓̪̻͓̯̩̥̹͎͍͇̦͚͓͎͉̺̇̌̓̀́́̃̐̍̌̑̅͋͒͆͊̀͊̍̃͐̕͘̚̕͜͝y̵̧̨̧̙͎̰̲̳͇̤͖̣̙̟̖͙̦̩͔̗̟̲̱̖̘̼̼̝̥͓̲̝̲̫͎̰͎̝̗͔̫̝̎́́̈́̕ͅơ̵̧͍̺̫͚̜̑͂̾̓̊͌̾̈́̈́́̈́̀̀́͂̂̉̇̊̀́̈́̽͊̉͋̓̂̾̂̊̂̔͐̈́̈́͠͝͝ ̶̡̨̛̰̰̜̗̖̫͉̫̺͇͙̗̯̬̱̣̄̍̊̈́̋̈́͛͋́́̏̓͋͌͊͒͂͑̀̑͒̅͑̈́̄̄̓͆̚̚̚͝ͅḻ̵͎̭̤̭͉͈̭͔̜̺̬͔̫̦̳̥̥̟͍̫͈̭̱͎́͑̂̐̀̐̋̆͌̅́͒̏̈́̾̑͐̽̉͂̾͊̈́̿̄̀̏̿̽́̀͒͆͂̅̌͘̕͜͠i̴̧̛̺̹̟͈̗̲͐̂́̓̈́̈́̆̽̎͊̀́́̀̎̅͌̆͌̀̔̑̅́̿̐̍͘͘̚͠͝͠͝ͅģ̸̧̧̛̩̲͓͍̭̳̼̯̻̗̰̥̘̝̦̜̯̫̗̙͕̤̭͎̯̤̗͉͈̥̝͕̤̽͋͌͑͗̒̒̃̃̇̇͛͛̍͌̎̾̓̍͜͝ͅt̸̡̧̺̭̟̪̠̱͈̩̱̙̮̦̣̘̫͇͓̝͕̝̠͚͍̞̹̟̤̗̥̺͖͔̦͓͈̃͑̐͜͜͠a̷̡̧̡̡̢̛̩̞̟̫̬̥̪̥̼̘̲͓̖͉̞͍̝̲̖͎͖̽̿͊̀͋͛̂͋̅̅̌̈́̈́̑̂́͂͐̓̉̿͛̏̌͗̽̀̑̆̅̑̌̊́̾̏́̏͜͠͠͝ͅş̵̛̛͍̗̣͚͕͎̘̗͓̹͈̘͐̀͂̅̆̊̇͐͒̈́́̋͐͂̎̀̆͒̀̐̐̈̎̄̿͌̃͜͠ͅ."
BINABASA MO ANG
Kahayag sa Kangitngit
Mistero / ThrillerPaano kung ang iyong mga panaginip ay maaaring magdulot ng panganib? Sa Kamaynilaan, ang mga residente ay nakararanas ng malinaw na panaginip; ngunit sa likod ng kasiyahan, may isang parasitikong nilalang na sumisipsip sa kanilang lakas at kaisipan...