Chapter 4

2 0 0
                                    

"Manunuod kayo ng basketball?" I asked my friends dahil naka-ready silang lahat at may dala pa silang banner. Napangiti ako doon.

"Maghahanap kami ng basketball player, Gina. Hindi pwedeng ikaw lang ang may basketball player na jowa sa barkada, 'no!" Yesha said.

"Grabe kana Yesha akala ko ba loyal ka sa idol mo?" Niko said.

"Ay pakialam ko d'yan! Paasa naman iyon!" Napailing nalang ako sa topic nila. Manhid lang talaga yata si Yesha o sadyang paasa lang talaga si Del?

Ginamit namin ang kotse ni Niko at siya ang nag-drive. Ang yaman talaga ni Niko, wala akong masabi sakanya, ang perfect na yata ng buhay nito.

Nakarating naman kami agad at hindi alam ni Alex na pupunta ako kasi sinabi ko sakanya na busy kami sa school. I just want to surprise him, Hindi rin alam ni Jas na makakapunta ako, I don't know kung bakit hindi ko sinabi sakanya.

"Late na yata tayo!" Crissa said at nagmadali na pumasok aa court at maghanap ng magandang spot para makanuod ng laro. Nakahanap naman siya ng magandang spot at agad ko naman hinanap si Alex. Nakita ko naman siya, nakaupo habang nanunuod ng laro. Siya yata ang ipapalit kapag napagod na yung team niya.

I saw how he pressured nang tumingin siya sa scores, mas mataas ang kalaban at 10 points ang scores gap ng dalawang team. Wala akong alam pagdating sa basketball rules and regulations. Tamang nuod lang talaga ako at taga-cheer.

Napa-face palm si Alex nang maka-score ulit ang kalaban. Tumayo siya para pumalit doon sa ka-team niya.

"Gina yung jowa mo titira na." Sigaw ni Yesha kasi magkalayo kaming dalawa kaya need niyang isigaw iyon at saka maingay din sa paligid, puro sigaw at cheer ang naririnig ko.

Malayo ang pwesto namin kala Alex pero sapat na para mapanuod ko sila, siya. Nang nakarating na si Alex sa gitna ay nakita ko si Jasmine na kakarating lang at may dalang tubig at towel. Bakit siya nandoon nakapwesto sa bench ng mga players?

"Si Jas iyon diba?" Bulong sa akin ni Ara, siya kasi ang katabi ko. Tinignan ko ang barkada at busy sila sa panunuod at pag-ti-cheer. I stared at her and smiled, ayoko naman ipahalata na nag-o-overthink ako.

Malay mo doon siya pinaupo dahil wala ng ibang space. Huwag ko nalang lagyan ng malisya iyon.

"Go, Alex!!" Cheer ko nang siya na ang titira at boom! Pasok!

"Gagi! Ang gwapo talaga ni Alex!" Rinig kong sabi ng katabi ko. Sabagay gwapo naman talaga ang boyfriend ko kaya normal lang na may magka-crush sakanya.

"True kung wala lang jowa 'yan, lalandiin ko na sana." Sabi ng kaibigan niya. Masama naman aking tumingin sakanila at naramdaman nilang nakatingin ako kaya umiwas nalang ako ng tingin. Baka mapaaway pa ako dito.

Bago mag-break ay nagpaalam ako sa barkada na pupunta sa pwesto nila Alex at ng coach niya para bigyan siya ng tubig at punasan ang pawis niya. Nag-break na nga kaya nagmadali na ako maglakad, kaso ang dami talagang tao kaya mahirap makasingit.

Malapit na ako sa kanila nang mapatigil ako sa aking nakita, si Jasmine may hawak na towel habang pinupunasan ng pawis si Alex. They also give each other sweet smiles. Alex held Jasmine's hand and kisses it. I almost lost my balance buti may taong nakasalo sa akin. I looked at the guy na hawak ang braso ko, he's tall and handsome pero mas gwapo si Alex.

"Are you okay miss?" He asked kaya tumango ako at umayos ng tayo. Nag-thank you ako sakanya saka ako tumingin kina Alex at Jasmine, and now they're fucking kissing each other. Like how the fuck they did do this to me?! She's my best friend and bakit niya ako sinasaktan ng ganito?!

I want to slap her here pero ayoko siyang ipahiya, she's still my best friend kahit na ginagago niya ako.

My tears suddenly fell, and I immediately wiped them pero panay pa rin ang bagsak. Imbes na pumunta pa ako doon ay umalis nalang ako dahil hindi ko kaya na makita silang dalawa at baka hindi ko ma-control ang sarili ko. Ayoko gumawa ng scandals dito dahil first of all, hindi naman ako dito nag-aaral, second ayoko ipahiya si Alex at Jasmine, Hindi kaya ng sikmura ko na ipahiya silang dalawa.

Nang makalabas na ako sa gym ay umupo ako sa isang bench. Wala naman masyadong tao dahil nandoon sila sa loob, busy sa panunuod ng laro. Bahala na kung magmukha akong tanga na iyak nang iyak dito, wala akong pakialam eh hindi naman nila ako kilala at hindi nila alam ang pinagdadaanan ko.

Ang sakit eh! Best friend kita, Jasmine! You're like my sister but why the hell did you do this to me?! Why?!

"Are you okay? Here." Someone asked me and sit beside me. I couldn't see his face dahil nakayuko pa rin ako. Inabot niya ang panyo niya sa akin. Kukunin ko ba o hindi? "Malinis ito, don't worry." He's pertaining to the handkerchief na hawak pa rin niya. Kinuha ko nalang iyon at pinunas ko sa mga mata ko.

"You saw them too?" He asked. Agad naman akong napatingin sakanya. What is he talking about?

Why?Where stories live. Discover now