"So anong nangyari sa iyo kagabi at bakit hindi ka umuwi?" Tanong ng mga kaibigan ko. Yes, hindi ako umuwi dahil sa condo unit ni Miles ako nakitulog, huwag kayong malisyosa d'yan walang nangyari sa amin. Sa guest room niya ako natulog.Oo broken-hearted and my boyfriend cheated on me pero hindi ko gagayahin ang ginawa niyang pananakit sa akin. Oo martyr na ako, pero hindi naman paghihiganti ang magiging solution para maka-recover ka, and worst gagamit ka ng isang tao para maka-move on? No, that's not my thing!
Why would I use someone, haist! Gawain lang ng ibang tao 'yan pero ako, No! Never!
"Basta!" Sagot ko sakanila at sinuot na yung earphone ko at natulog sa room habang may two hours vacant kami. Ganito ang maganda sa college maraming oras ang vacant.
Mabilis lang naman ako nakatulog dahil na rin siguro sa pagod at puyat kagabi. Ano nga ba ang nangyari kagabi?
-Flashback-
"Hindi pa ba tayo uuwi?" He asked me nang medyo tumila na ang ulan. Saka lang namin naisipan umuwi nang kaunti nalang ang patak ng ulan.
"Ayokong umuwi sa condo namin ni Alex. I'm sure he is not there. Magmumukmok lang ako sa gilid doon." Hindi nga nga umuuwi si Alex doon at lagi nalang akong mag-isa. Siguro tumutuloy siya kay Jasmine, okay lang.
"Hindi na ba umuuwi sa iyo ang boyfriend mo?" He smirked as he asked that to me. I stared at him, pinanliitan ko siya ng mata. It sounds like he's teasing me, huh? "Why are you looking at me like that? I'm not teasing you, Miss." He can read my mind talaga. Paano ba isarado ang isip ko para hindi na niya mabasa. "I said, I don't know how to read someone's mind. I just read your facial reactions. That's all!"
"'Yan ba ang hindi nakakabasa ng isip nang isang tao? Eh halos lahat nga na nasa isip ko, alam mo eh!"
"Bumabase nga lang ako sa reaction mo." Napabuntong-hininga nalang ako sa sagot niya. "So the answer is no, am I right?" Oo tama ka naman palagi. I heard him laughed. Ayan na naman siya sa pagbabasa sa isip ko. Nakakainis ha!
"Yeah," I heaved a sigh. "But it's okay, I'll let him do what he want. I'll confront him maybe next time kapag nagkaroon na ako nang lakas ng loob." Then he tapped my shoulder at tumayo siya, he offered me his hand kaya hinawakan ko ito para makatayo rin ako.
Inayos ko ang sarili ko saka kami sabay na naglakad. May mga bukas pang coffee shop dito, sabagay malamig ang panahon at umaambon pa kaya masarap magkape ngayon.
"Malapit lang ang condo unit ko dito, gusto mo ba na makitulog muna sa unit ko?" He asked habang naglalakad kami. Napansin ko din na he knows the side walk rules, pasimple na lang akong ngumingiti habang gumagawa siya ng galawang gentleman. Kakaiba, huh? Hindi ko alam kay Jasmine, bakit niya hiniwalayan si Miles.
"Yeah okay lang. Ayoko lang talaga umuwi sa unit na iyon." Sagot ko.
Nakarating naman kami agad sa unit niya at ang masasabi ko, WOW! Kasi sobrang linis ng condo niya, ni wala nga yatang bahid ng dumi sa bawat sulok. The color of the wall is white and black, halos lahat din ng mga furniture niya and cabinets, white and black. So he love those color, huh. Sabagay kahit sino naman yata gusto ang white and black, maski ako naman.
Ang bango pa ng unit niya, akalain mo na lalaki pala ang nakatira dito. Kasi bihira sa lalaki ang malinis sa gamit at sa bahay ah, si Alex makalat 'yan. Ako lagi ang tagaligpit ng gamit niya.
"Sa guest room ka muna magpahinga, magpalit ka na doon." Paano ako magpapalit eh wala akong dalang damit. "You can use mine." He said, binasa na naman niya ang nasa isip ko. Natawa nalang siya sa naging reaction ko. Iniwan niya ako dito sa sala at pumasok siya sa kwarto niya, lumabas din naman siya agad at may dalang pants and shirt. "Ahm, if you don't have an extra ano... you know girls things, uhm undergarments," Pinagbuksan niya ako ng pinto sa guest room.. Pumasok siya doon kaya sinundan ko siya. "You can use those, nasa cabinet siya. Malinis iyon at alam ko ang nasa isip mo, wala akong babae dito, ikaw palang unang nakakapunta dito. Bumili lang ako ng mga extra na ganiyan just in case."
YOU ARE READING
Why?
RomanceBakit? Bakit nga ba kailangan natin malaman lahat ng rason kung bakit tayo nasasaktan? Bakit ang daming katanungan na nabubuo sa isip natin? Bakit nga ba tayo niloloko? Bakit tayo nabuhay, para lang ba maranasanan lahat ng mapapait na pagsubok sa bu...