Hindi ko na lang pinansin ang kakaiba sa tono niya. She left me in the kitchen dumbfounded. Ilang minuto ang lumipas ay tumatawag na sa akin si Nanay Fe. I quickly answered the call.
"Nanay, how are you?"
"Okay naman ako, Jack. Nga pala, nandiyan naman ni si Nessa, ano? Pakisabi nga sa batang 'yon na sagutin ang tawag ko."
"Ah, she was just here, Nanay, pero nasa kuwarto na siya ngayon."
"Hindi naman ba siya masungit?"
I cleared my throat before answering. "Hindi po, Nanay, pero parang nahihiya siya sa akin."
"Naku, anak, ako na ang bahalang kumausap sa kaniya. Sigurado akong hindi 'yon nahihiya sa 'yo."
"Po? What do you mean, Nanay?"
"Nag-away kasi kami pagka-uwi ko rito, anak. Oh, siya, sige na nga!"
Hindi ko pa man naiintindihan ang sinabi niya ay pinatayan na niya ako ng tawag. Pupunta pa sana ako sa kuwarto ko, but I decided to wait for Nessa to come back down.
Tatlong oras akong nanonood ng videos at nagb-browse online bago bumalik si Nessa. I watched her closely and she did not even look at me. She started preparing the vegetables and the ox tail and vegetables.
I cleared my throat before speaking. Ayaw ko sanang makialam, but Nanay Fe implied that Nessa was avoiding me because they had a fight. Ano naman ang kinalaman ko roon?
"Hey," kuha ko sa atensiyon niya.
"Po?"
I contemplated at first but decided to just go for it. "Nanay Fe called me earlier and we had a little talk."
Tipid siyang ngumiti, halatang pilit. "Mabuti naman po. Sigurado akong miss na miss ka na ni Nanay."
There was a hint of bitterness in her tone. It took me a whole minute to have the courage to ask her again.
"Are you being sarcastic with me, Nessa?"
Mabilis siyang umiling na parang nataranta. "Hindi po! Totoo naman kasi 'yong sinasabi ko. Kahit nga noong umuwi siya sa amin, ikaw pa rin ang bukambibig niya."
"Is that why you two fought? Because of me?"
"Paano mo- Hindi! Hindi po kami nag-away ni Nanay."
"That's not what she told me. Napansin ko ring umiiwas ka."
"Hindi po-"
"Nessa, if you want to keep this job, be honest with me," I firmly said. "Sinabi na sa akin ni Nanay ang dahilan kaya wala nang silbi kung magsisinungaling ka pa. Look, I trust you because Nanay Fe is your mother, but living with someone who obviously avoids me is the last things I want."
Mukha siyang batang napagalitan. I felt a pang of guilt. Was I too harsh on her?
"Sorry po," she whispered. "Nag-away kasi kami ni Mama noong dumating sya, araw bago ako umalis."
I sighed and sat down. "May kinalaman ba ako sa naging away ninyo? If I am not involved, you can keep it all to yourself if you want, pero parang sinabi kasi ni Nanay na mayroon akong kasalanan, eh."
Nakayuko pa rin siya. "Umuwi kasi si Nanay para doon na ulit manirahan kasama ni Tatay at kinabukasan no'n ay luwas ko papunta rito. Siyempre, gusto kong sulitin 'yong kahit ilang oras man lang na magkasama kami, 'di po ba? Pero ikaw naman ang bukambibig niya sa akin."
"And you got mad because you weren't able to spend time with her?"
Tumango siya. "Gusto ko sanang magkuwento siya tungkol sa sarili niya o kaya ay makinig sa mga kuwento ko pero wala, eh. Miss na miss ko na kasi si Nanay."
BINABASA MO ANG
Chasing Fate (Alejandrino Trilogy 3)[On-Hold]
General FictionJackson Alejandrino is living his best life traveling and vlogging. He's a cheerful type of guy who treats almost everything like a joke. That is until he met the woman who made him crazy in love, Nessa Fate Rodriguez. She's a probinsiyana who works...