Chapter Fourteen

49 1 0
                                    

Naramdaman ko ang isang kamay na umaalog sa balikat ko. When I opened my eyes, Nessa's face came into view. Nakangiti siya at may hawak na mga gulay. Bumangon ako at napansing iba na ang kulay ng langit.

I remember sleeping here earlier. Dapat talaga ay short nap lang ang gagawin ko. I was too shy to sleep in their house although they showed me nothing but hospitality. Pagdating namin kanina, pagkatapos sumalubong ni Nessa, tinawag kaagad ako ni Nanay at kinumusta.

Of course, we had our time catching up. Ipinakilala na rin niya sa akin ang asawa niyang matagal na niyang pinagmamayabang. I finally met Nessa's father together with her siblings.

After some catching up, I got tired and eventually got sleepy. Gusto ko sanang matulog sa bakanteng kamang nasa living area nila pero naunahan ako ng hiya. Baka may masabi pa sila sa akin dahil nakikituloy lang naman ako.

"What time is it?" tanong ko kay Nessa.

"Alas singko na po. Bakit naman diyan ka natulog? Mayroon pang bakante sa loob ng bahay."

"I didn't know at saka nahihiya akong makitulog."

She waved her hand at me. "Halika na, pasok na tayo. Magluluto ako ng ulam. Turuan kita?"

"Ano'ng ulam?"

She smiled. "Isa sa mga paborito ni Tatay. Pinakbet."

I frowned. "What's that?"

"Ah, basta masarap 'yon!"

She held my wrist and pulled me. Parang kinaladkad pa niya ako. Nakahiwalay ang kitchen nila. Their dining area is in their house, but they cook outside. Naroon na rin lahat ang gamit nila sa pagluluto.

Kumuha si Nessa ng cutting board na gawa sa makapal na piraso ng kahoy. Habang inaayos niya ang mga ilalagay sa iluluto, naghugas na rin ako ng kamay. Saktong dumaan naman si 'Nay Fe at tinawag ako.

"Jackson, ano'ng ginagawa mo riyan?" tanong niyang may ngiti sa labi.

"I wanted to help Nessa po, Nay."

"Marunong ka nang magluto?"

I looked at Nessa. Nakatingin siya sa akin nang nakangiti rin. "Unti-unti na siyang natututo, Nanay. Kinukulit ba naman ako."

Lumapit sa amin si Nanay. "Asus, kumusta naman kayong dalawa? Nagkakasundo ba kayo?"

I immediately nodded. "Kilala mo ako, Nay. Madali lang naman akong pakisamahan."

She looked at Nessa. "Si Nessa ba ganoon din?"

Bago pa man ako makasagot ay nauna na siya. "Oo naman, Nay. Sa totoo lang, hindi ko rin mawari kung madali ba o mahirapn talagang pakisamahan itong si Jackson. Wala sa hulog minsan ang biro, eh."

Nanay Fe looked happy with the both of us. "Ano naman ang tingin mo sa anak ko, Jackson? Ang sabi niya ay pag-aaralin mo raw siya?"

"Opo, Nanay. Si Nessa po, nagmana siya sa inyo. She has the same nurturing care you have and maganda rin po siya."

I looked at Nessa and she was already glaring at me. "Itigil mo 'yan!"

"Why? Totoo naman ang sinasabi ko."

Tumawa si Nanay Fe. "Hayaan mo na, Jackson. Hindi sanay na nasasabihan 'yan."

I looked fondly at Nessa. "Kaya nga araw-araw ko nang sasabihin para masanay siya, Nay."

Tumawa si Nay Fe at saka tinapik ang likod ko. "Maloko ka pa rin talaga, anak. Pero huwag mong ginaganiyan ang Nessa ko."

"Why?"

"Anak, mahirap na, baka mahulog sa 'yo 'yan. Hindi pa naman nagkakanobyo 'yan. Naku, hindi kayo puwede."

"Nanay naman!" suway ni Nessa sa kaniya. "Huwag ka namang ganiyan sa bisita natin. Boss ko pa rin 'yan kahit parang anak na ang turing ninyo sa kaniya."

I looked at Nanay Fe. "Nanay, bakit hindi kami puwede?"

"Ay, naku, Jackson, tingnan mo naman ang buhay namin kumpara sa buhay mo. Ang layo ninyo sa isa't isa, mga anak."

I tried to fake a smile. My eyes shifted towards Nessa. Natahimik siya at ngayon ay nag-huhugas na ng mga lulutuin. I saw her get a glimpse of me before turning away.

Hindi na ako nakasagot kay Nay Fe dahil umalis na rin siya. Nang tingnan ko si Nessa ay nakatalikod siya sa akin. She's trying to light up the concrete furnace.
Lumapit ako hanggang sa nasa likod na niya ako.

"Kung ano-anong sinasabi ni Nanay, 'no?" I faked a laugh.

Humarap naman siya sa direksyon ko pero parang ayaw niyang tumingin mismo sa akin. "Oo nga, eh."

Nilampasan niya ako at kinuha ang isang mangkok na may lamang bawang at sibuyas. I watched her closely. Sumandal ako sa poste at pinag-krus ang mga braso ko.

"Manood ka muna diyan? O may gusto kang puntahan?"

Umiling ako. "I'll stay here and watch you."

Hindi siya nagsalita. I wanted to say something, pero walang kahit na anong pumapasok sa isip ko. I wanted to say something to break the silence, but nothing came to my mind. As if my body had a mind of it's own, I found myself hugging her from the back ack.

Natigilan siya ng ilang segundo pero kaagad na nabawi ang postura. She subtly pushed me away and distanced herself a few meters from me.

"Ano ba 'yang ginagawa mo, Jack?" she asked. "Bakit ganiyan ang mga pinapakita mo sa akin?"

"What do you mean, Nessa?"

"Naguguluhan ako sa 'yo," she confessed. "Ganiyan ka ba sa lahat ng babaeng nakikilala mo?"

"No," I gently said. "Wala akong kilalang ibang babae maliban sa 'yo."

"Bakit ganiyan ka umasta?"

"Why? Don't you like it? Nessa, am I making you uncomfortable?"

Umiling siya. "Hindi, kaya hangga't maaari ay linawin mo ang mga ginagawa mo. Nalilito kasi ako, Jack."

"What's so confusing about my actions?"

Natulala siya ng ilang segundo, hindi nakapagsalita. "Lahat," she managed to say. It was barely a whisper, but I heard it clearly.

"Naguguluhan ako dahil ang bait-bait mo sa akin. Nalilito ako dahil sa mga napapansin ko sa 'yo, Jackson."

I shook my head in pure confusion. "Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi mo."

"Hindi ako pinanganak kahapon. Nakikita ko ang mga galaw mo. Nakikita ko na iba ka tumingin sa akin. Napapansin ko na naaalala mo lahat ang mga sinasabi ko kahit hindi naman importante. Nakikita kong iba. . . Iba ang mga kislap ng mata mo, Jackson."

"And what is wrong with that? Ayaw mo ba? Gusto mo bang tumigil ako?"

“Please say no,” I whispered in my head.

Umiling naman siya. "Hindi ganon ang ibi kong sabihin, Jackson."

"Then, what is it?"

"Natatakot ako dahil nasasanay na rin ako. Napapansin kong napapalapit na ako sa 'yo pero alam ko sa kaloob-looban ko na tama si Nanay. Kahit ano'ng gawin mo, kahit ano'ng sabihin mo, hindi ako puwedeng mahulog sa 'yo."

"Why are you so scared?"

"Hindi mo ako maintindihan!"

"Then help me under you better, Ness."

Umiling siya. I slowly pulled her in for a hug. I noticed that her heavy breathing calmed a bit when our bodies came in contact.

With a faint voice, Nessa whispered while her face was leaning on my chest. "Ano ba talaga tayo, Jack?"

Chasing Fate (Alejandrino Trilogy 3)[On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon