Chapter Ten

79 3 2
                                    

"Jackson, ano na naman bang trip mo sa buhay?" she asked as I was taking her to the backyard where I secretly put all the gardening tools. Naka-suot siya ng blindfold kaya hawak ko ang kamay niya at ang isang kamay ko ay nakahawak sa bewang niya.

"It's a surprise, Nessa."

"Anong surprise ka riyan? 'Di ko birthday, oy!"

I chuckled. "Alam ko, but you'll love this."

"Ni hindi ko nga alam kung ano 'yan, paano mo naman alam na gusto ko nga?"

"Because Nanay Fe told me so. Ano papalag ka pa?" mayabang na sambit ko.

Hindi na siya umimik kaya dineretso ko siya sa mini-garden niya. I slowly took her blindfold off. I don't know what I expected, but her current reaction wasn't it.

"Ano 'to?" she asked. Halatang-halata sa mukha niya na nagtataka kung ano nga ba ang pinapakita ko.

"Your mother said you love gardening. Binilhan kita ng mga pang-garden para naman may mapaglibangan ka rito."

She smiled- a fake one. "Ah, tama nga ang sinabi niya sa 'yo. Oo, gusto ko 'to!"

Halata sa boses niyang sinusubukan niyang maging masaya sa nagawa ko para sa kaniya.

"You don't look happy," I told her.

"Ha? Masaya ako, ano ka ba? Ikaw ba naman bilhan ng boss mo ng ganito, 'di ba?"

"You don't have to act happy of you're not," saad ko.

Bumuntonghininga siya. "Sinabi ba talaga ni Nanay sa 'yo na gustong-gusto kong mag-garden?" I nodded. "Hindi na talaga ako kilala ni Nanay."

"Why, ayaw mo ba?"

Umiling siya. "Hindi naman sa ayaw ko. Isa ang gardening sa mga bumuhay sa amin sa probinsiya pero kung lumaki ka sa ganoon, hindi ba't magsasawa ka rin?"

"Oh. . . I didn't think about that."

Ngumiti siya. "Okay lang. At least nag-effort ka."

"But what do you really wanna do?"

"Hayaan mo na 'yon. Gusto mo ba akong tulungan?" she asked.

"Okay lang ba sa 'yo? Hindi ba ako makakagulo?"

She had an upside down smile on her face. "Oo, at nang matuto ka naman! Ang tanda-tanda mo na pero wala ka pa pala yatang alam na gawin, eh!"

"Psh, it's my parents' fault for raising me like this!"

"Ano, gusto mo bang matuto?"

Tumango ako. "Yeah, pero huwag muna sa gardening. Gusto ko munang matuto magluto."

"Ano na ba ang alam mong lutuin?"

Ilang segundo akong nag-isip. "I know how to make scrambled eggs, fry ready-made-"

"Hindi ganiyan! Maliban sa mga prito-prito, ano pa ba ang alam mo?"

I shrugged. "I didn't really learn how to cook."

"Oh? Ano ang gusto mong matutunan kung gano'n?"

Ilang segundo pa akong nag-isip pero wala talagang pumapasok sa isip ko. "Ano ba ang gusto mong ituro sa akin?"

She made a face and sighed. "Ikaw nga ang magde-desisyon. Ang kulit ng lahi mo, Jackson."

"Okay, fine! I want to learn how to cook your favorite food."

Matagal siyang nakatitig sa akin. Parang siniguro niya kung nagbibiro ba ako o hindi. Pagkaraan siguro ng isang minuto ay nagtungo siya sa harap ng freezer at naglabas ng chicken meat.

Chasing Fate (Alejandrino Trilogy 3)[On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon