[NICOLE]
Hindi ko alam kung bakit ako sumama kay Jake.
But here I am now, kasabay siyang kumakain ng mga hinanda niya dito sa hapag-kainan nila.
Tahimik lang kami pareho.
Ayaw ko namang mag-initiate ng usapan.
Tama na siguro 'yong sumama ako sa kanya dito at kumain ng mga hinanda niya.
"Kamusta ka na, Nicole?" basag niya sa katahimikan.
Sasagot ba 'ko?
Kung sasagot ako, hahaba lang ang usapan.
Pero ayoko namang magmukhang bastos kung aakto ako na parang hindi ko siya naririnig.
"I'm... I'm fine. Of course."
"Mabuti naman."
Ayaw kong tanungin kung kamusta na rin ba siya.
Pero aaminin ko, gustong-gusto kong itanong sa kanya 'yon habang pinapanood ko siyang kumain.
Kamusta na kaya siya?
Ano kayang ganap sa buhay niya ngayon?
Okay lang ba siya?
Maraming mga tanong na naglalaro sa isip ko ngayon pero ayaw ko namang itanong sa kanya ang salitang 'kamusta ka na?'
"Wala ka bang trabaho ngayon? Bakit nakaporma ka?" I asked instead.
"Meron. Sana. Pero nagpahinga muna ako ngayong araw. At tungkol naman dito sa suot ko... wala lang, gusto ko lang magsuot ng maayos ngayon."
Para din ba sa birthday ko kaya hindi muna siya pumasok sa trabaho at kung bakit nakaporma siya ngayon?
Hay...
It should have been a random question.
Pero parang mali yata ang naitanong ko.
Napaisip pa tuloy ako.
"Nag-iipon na 'ko ngayon," tuloy ni Jake sa usapan.
"Para saan?"
"Small business lang."
"Na?"
"Bakery sana. Magtutulungan kami ng tito ko. Sana maging successful."
Gusto niya pa rin pala talagang i-push ang pagbe-bake.
Ever since, bukambibig niya na 'yan.
Nag-side line din kasi siya sa isang bakery before.
"Well, good luck."
Ngumiti siya. "Thank you."
Lumipas ang mga minuto.
Ang inaasahan ko na saglit lang, napatagal.
Marami kaming napagkwentuhan ni Jake.
Pero syempre pinaparamdam ko pa rin sa kanya na mukha akong hindi interesado sa mga sinasabi niya.
Kahit ang totoo ay nag-e-enjoy ako ng sobra sa makwelang pagke-kwento niya.
Na-miss ko 'yong bonding namin na ganito.
'Yong mahabang kwentuhan na sa sobrang saya ay hindi niyo na namamalayan ang oras.
Ito 'yong hindi ko nararanasan sa ibang tao, eh.
Only Jake has this kind of humor.
"I have to go," I said finally.
"Sige," nakangiti niyang sabi. "Thank you talaga, Nicole. Ng maraming-marami. Hindi pa rin ako makapaniwala na sumama ka sa 'kin dito. Masayang-masaya ako."
"Okay..." sabi ko na lang.
Naglakad na 'ko papunta sa pinto.
"Ihatid na kita."
"No. Kaya ko na."
"Maraming aso sa labas."
"I can manage."
"Pero..."
"Jake, I said, kaya ko na. Listen to me, please," may diin kong sabi.
Natigilan siya.
Heto na naman ako, nagsusungit ulit.
I have to do this para ito ang huling maaalala niya sa 'kin.
Ngumiti na lang siya. "Sige. Mag-iingat ka, Nicole. Maraming tambay sa labas. Ayokong may mangyaring hindi maganda sa 'yo, please. At saka, happy birthday ulit."
"Thanks," simpleng sagot ko.
Tuluyan na 'kong lumabas ng bahay nila.
Bukas pa naman ang ilaw ng mga bahay-bahay kaya medyo maliwanag pa ang paligid.
Naglakad na 'ko.
Pero mayamaya,
"Nicole! Sandali!" rinig kong tawag ni Jake.
"Why?" sagot ko nang hindi lumilingon.
"Baka kasi... baka kasi hindi ko na masabi sa 'yo ang gusto kong sabihin. Kaya sasabihin ko na ngayon..."
Ano naman kaya 'yon?
Nilingon ko na siya. "Ano ba kasi 'yon?"
"Ano kasi..."
Hindi niya maituloy ang sasabihin niya.
Halata ang pag-aalangan sa mukha niya.
Napuno ng katahimikan ang paligid.
"Uuwi na 'ko," sabi ko na lang.
Gabi na at inaantok na rin ako.
Maaga pa 'kong babalik ng Manila.
Tumalikod na 'ko at naglakad na ulit.
Malapit na sana akong makaliko sa isang kanto nang biglang,
"Mahal pa rin kita!" parang humihikbi niyang sigaw. "Mahal na mahal pa rin kita. Na parang katulad pa rin ng dati. Hindi nabawasan... kahit kaunti... ikaw pa rin talaga, Nicole..."
![](https://img.wattpad.com/cover/343213828-288-k264294.jpg)
BINABASA MO ANG
Sidechick 1: "Yes, I'm His Bitch!" [SPG]
RomanceSidechick Series #1: "Yes, I'm His Bitch!" (SPG) (Completed) (Nicole Policarpio's story)