Adrian's POVKung saan saang website na ako nakarating pero wala akong mahanap na kasagutan sa tanong ng aking isipan.
Takte. Hindi ko nga alam kung posible bang mangyari ang ganun? Paano nangyari yun? Wala akong maintindihan.
Girlfriend ko na si Allison. Pero hindi pa din mawala sa isip ko ang bestfriend niyang si Aubrey.
Si Aubrey na kamukhang kamukha ni Allison nung multo...
Parang isang malaking joke time ang nangyayari sakin ngayon.
Simula talaga na makilala ko ang multong yun madami ng kung anong kababalaghan ang mga nangyayari sakin.
"Adrian...babe.. okay ka lang ba?" tanong ni Allison ng mapansin niya sigurong hindi na ako nakikinig sa mga sinasabi niya.
Nakaupo kami sa may garden ng bahay nila. Gamit ko ang laptop habang kinukwentuhan ako ni Allison. Habang hindi pa pasukan ay dinadalaw ko siya araw araw sa kanila.
Tiningnan ko siya. Pinagmasdan ang hugis ng mukha niya. Ang kulay ng mga mata niya. Ang tangos ng ilong niya at pula ng labi niya.
Hindi siya si Allison ko...
Ngumiti siya sakin na may pag aalala.
"Adrian? Naririndi ka na ba sakin?" muling tanong niya.
Natauhan ako bigla. Nakaramdam ako ng guilt. Araw araw kong pinagkukumpara si Allison na multo sa girlfriend ko na si Allison. Tang*na ang sama ko.
Dahan dahan ko siyang niyakap. Pinatong niya ang ulo niya sa may balikat ko. Hinaplos ko ng dahan dahan ang likod ng ulo niya. Amoy na amoy ko ang bulaklak na amoy ng buhok niya.
"Sorry..."
Ang tanging salitang nasabi ko sa kanya.
Hindi ko alam kung ano nga bang dapat sabihin ko sa kanya. Wala pang isang linggong nagiging kami. Pero nakita ko yung sinseridad na saya niya kapag kasama niya ko. Tang*na talaga napaka unfair ko sa kanya.
Hindi niya deserve ang isang katulad kong gago na lagi siyang pinagkukumpara sa non existing na multo.
Bakit ko pa ba igugugol ang oras ko sa pag iisip ng mga bagay bagay kung nakuha ko na ang gusto kong babae.
Ang gusto kong babae.... siya nga ba?
Pagbalibaliktarin ko man ito. Alam ko sa sarili ko na parang may mali. Parang hindi dapat ako nandito. Hindi siya dapat ang kasama ko.
Tumaas ang ulo niya para tingnan ako. Ngumiti siya.
"No worries. Gusto ko lang maramdaman na kasama kita. Minsan kasi para kang nagwa-wander kung saan." saad niya.
Ngumiti ako ng bahagya tska ko siya hinalikan sa noo.
Siguro dapat tumigil na ko sa pag iisip. Iwanan na ang dapat iwanan sa nakaraan. Nangyari na hindi na dapat balikan. Sabi nga nila hindi mawawala ang misteryo ng buhay.
"I love you Adrian." rinig kong saad ni Allison.
Napahigpit ako ng yakap sa kanya.
Ilang beses ko ng narinig mula sa kanya ang mga salitang yun pero ni minsan hindi ko nasabi pabalik sa kanya.
At ang gago ko dahil alam kong umaasa siyang isang araw masasabi ko din sa kanya ang mga salitang yun.
**********
Aubrey's POV
"Psst!"
Napalingon ako sa likod ng may marinig akong sutsot kung saan. Naglalakad ako papunta sa main building ng Highmore Academy para ipasa ang mga papers na kailangan ko for transferring.
BINABASA MO ANG
She was a Ghost-on hold
خيال (فانتازيا)Note: The author is wandering in the ghost land. It would take a long time to come back for an update. Need a long patience and understanding. Book 2/Sequel of THAT GIRL IS A GHOST :) The real story is just about to begin....