Aubrey’s POV
That whole month... i tried to forget it but I couldn’t. Sabi nila Mom and Dad kalimutan na namin yun kasi ang mahalaga nakabalik ako ng ligtas. They also tried to get me to a psychiatrist. Which is ridiculous, hindi naman kasi ako baliw. Hindi ko lang maalala kung saan at ano ba talagang ginawa ko nung ‘nawawala’ daw ako.
Sinabi ko din sa kanila yung about sa babaeng medyo nasa 40’s na din siguro na una kong nakita pag gising ko sa kwarto ko. Of course my mom went hysterical about it. She told my Dad that I really needed ‘help from a professional’ for short doktor sa pag-iisip kaya after a week hindi ko na masyado pinag iisip yun at kung may maisip man ako hindi ko na sinasabi kanila Mom.
Basta ang sigurado ko lang.. nag-travel ako. I don’t know where but I’m so sure about it. Minsan kasi dinadalaw ako ng panaginip ko.
There’s this guy with blurry image in my dreams and he keeps visiting me in my dreams. Hindi ko alam. Hindi ko siya kilala. Pero I’m always with him in my dreams.
At hindi ko yun binabanggit to anyone not even to my bestfriend Ali hindi ko din kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanya.
Anyway. Sobrang saya ko ng mabalitaan kong nagising na si Ali. Lagi ko siyang dinadalaw sa ospital para makabawi sa kanya. I still feel obligated sa nangyari sa kanya pero sabi niya wag na ko mag-alalaaa dahil hindi ko naman kasalanan ang mga nangyari and dahil din daw sa pangyayaring yun she met a guy. And i think nagugustuhan na niya yung guy na yun kasi she always talked about him. Sabi niya yun daw yung guy na nagligtas sa kanya.
Napaisip nga ako ‘coz I know that guy she was talking about, yun yung kinausap ko para mailigtas si Ali. Kayalang hindi ko na matandaan yung mukha niya kasi gabi nun and my mind was so occupied by the fact na kailangan kong mailigtas si Ali sa loob ng nasusunog na bar.
After ng isang buwan nakalabas din si Ali sa ospital at sa palagian kong pagdalaw sa kanya hindi ko man lang naabutan yung sinasabi niyang lalaki which is really weird. Minsan nga iniisip ko baka gawa-gawa lang ni Ali yun. Na baka gumawa lang siya ng isang lalaki para maka-cope siya sa heartbreak na pinaramdam sa kanya ng walang hiyang Aaron na yun!
Pero according to Aaliyah na ate ni Ali, may lalaki ngang laging dumadalaw kay Ali. So it tells, hindi gawa-gawa yun ni Ali.
I promised Ali na pupuntahan ko siya once na makalabas siya ng ospital. Busy din kasi ako sa pag aasikaso ng papers ko for enrollment sa gustong pasukan na school ni Ali. Nung una ayoko pang pumayag kasi naman of all the school bakit dun pa sa Highmore Academy. Malaking pag-a-adjust ang gagawin namin kung dun kami papasok. Dahil unang una galing kami sa ALL GIRLS SCHOOL tapos bigla kaming lilipat sa halo-halo.
Highmore Academy. Private school pa din naman at kapantay lang din naman ng school namin but hindi ko ata kakayanin makasama ang loko-loko, conceited jerks, spoiled boys who only knows how to bully girls and who think they rule the world.
Pangalawa, senior year na namin tska pa kami lilipat. Ang hassle talaga. Pero dahil nga gustong gusto ni Ali eh wala na kong nagawa kung hindi pumayag.
Pano dun kasi nag-aaral yung lalaki. Hays. Sana lang matino yung lalaki kasi kung parehas lang din ng Aaron na yun! Ay nakuuuuu humanda siya sakin! Si Aaron kasi nag-aaral naman sa isang all boys school na nakilala namin ni Ali nung magkaron ng dance party ang school namin at invited sila. 2 years din naging sila but it has to end dahil matagal na palang niloloko ng lalaking yun ang best friend ko!
Nagpahatid na ko sa bahay nila Ali dahil nagtext na siya na nasa bahay na siya.
Malapit na kami ni Kuya Fred ng mag-ring ang phone ko. Sinagot ko ang tawag ni Ali at bumaba na sa kotse ng umistop si Kuya Fred sa tapat ng bahay nila Ali. Pinagbuksan ako ng gate ng guard nila kaya pumasok na ko habang nakikipag usap sa kanya.
Pinapamadali niya pa kasi ako kaya sinabi kong nasa bahay na nila ako at papasok na. Hindi naman excited si Ali na makita ako noh? Napatawa ako sa kanya at binaba ko na ang phone.
Pumasok na ko sa loob at dumiretso sa sala nila. Sakto namang papasok si Ali galing sa may garden nila. Napatingin ako sa lalaking nakaupo sa sofa.
Napatingin din siya sakin at sabay tumayo na akala mo nakakita ng multo.
Teka mukha ba kong multo?
Tiningnan ko siyang mabuti kasi parang nakita ko na siya. Pero naalala kong dinescribe na siya sakin ni Ali at accurate lahat ng sinabi niya kaya siguro mukhang pamilyar na ang mukha niya sakin.
“Brie!” masayang tawag sakin ni Ali at tumakbo siya papalapit sakin. Hinila niya ko papalapit sa lalaking nakatitig pa din sakin na parang hindi siya makapaniwala sa nakikita niya.
Weird guy.
“Brie.. siya nga pala si Adrian. Boyfriend ko.” Kinikilig na sabi ni Ali. Alam na alam ko talaga pag kinikilig si Ali kahit hindi niya masyadong ipahalata. Masaya siya at ayokong ipagdamot sa kanya ang nararamdaman niya kaya sa ngayon hahayaan ko muna sila.
“Adrian...” binanggit ko ang pangalan niya at literal akong napahinto sa kinatatayuan ko.
Adrian?
Adrian?
Saan ko nga ba narinig ang pangalan na yun? Hindi naman kay Allison dahil ayaw niya namang sabihin sakin ang pangalan ng lalaking kinukwento niya at baka daw i-search ko na sa Facebook at wala na daw excitement.
Para ding pamilyar sakin ang pangalan niya. Parang lagi kong sinasabi?
"Aubrey?" hindi makapaniwalang tanong niya sa pangalan ko habang tinititigan niya kong mabuti.
Ilang minuto din siguro ang lumipas bago niya ko ginulat ng yakapin niya ko sa harap ni Allison.
Napatingin ako kay Allison ng gulat na gulat at maging siya halatang gulat din sa ginawa ng boyfriend niya.
Agad kong inalis ang pagkakayakap sakin ni Adrian at tiningnan siya ng nagtataka.
Hindi pa din niya inaalis ang pagtitig sakin pero nakangiti siya sakin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
“Adrian?” singit ni Ali para makuha ang atensyon niya.
Para namang nahimasmasan siya at narealize na kasama namin ang best friend ko.
“Anong problema?” nag-aalalang tanong ni Ali sa boyfriend niya.
Tiningnan lang siya nito at bumalik ang tingin sakin. “Uhh. W-wala. Masaya lang akong makita siya.” Sagot niya at ewan ko pero ang weird... nakaramdam din ako ng saya ng makita siya.
BINABASA MO ANG
She was a Ghost-on hold
FantasíaNote: The author is wandering in the ghost land. It would take a long time to come back for an update. Need a long patience and understanding. Book 2/Sequel of THAT GIRL IS A GHOST :) The real story is just about to begin....