Is it Official?

7 0 0
                                    

Dumaan ang nga araw at naging madalas na ang paglabas namin (halos araw-araw).

Hanggang sa isang beses, nagyaya siyang lumabas kami.
Pinagpaalam nya ako kay papa at pumayag naman si papa.

Naka-angkas ako sa motor nya at para basagin ang katahimikan, ako na unang nagsalita.

"San ba tayo pupunta?" tanong ko.

"Sa park lang naman." Sagot nya naman.

Hanggang sa nakarating na kami sa park.

Sabi nya, "Miss, i love you."

Ewan ko ba kung bakit ako napayakap sa kanya sabay sabi ng "i love you too" at ewan ko din kung bakit ko natagpuan ang sarili kong napapikit habang hinahalikan nya. Pero sandali lng yun. Kasi hindi naman ako sanay kahit hindi ko first time na may ka'kiss.

At sa pagtataka nya, bigla nyang naitanong sa kin ang isang bagay na bigla naman akong natahimik.
"Bakit di ka nakakatagal sa halik?"

Di ako sumagot. Instead, i just lean my head down his chest and hug him very tight.

Bigla naman akong napaisip, Kami na kaya? Bakit ganito nararamdaman ko. Feeling ko secure ako sa kanya. Yung tipong walang sinuman ang pwedeng manakit sa'kin dahil kasama ko sya. Na walang pwedeng mangyaring masama dahil kasama ko sya. Ewan! Ano ba tong nararamdaman ko?

Oo. kami na nga sa mga oras na yon. Masaya ako. Masayang masaya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Last GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon