Days, months, hours had passed we became that very close hanggang sa nung mag-overtime ako kasi may kailangan akong dapat tapusin, hindi ko alam na hinihintay nya pala ako. Nagulat ako nang bigla nalang syang pumasok sa office.
"Miss, sabay na tayong umuwi." Sabay ngiti.
"Naku! Baka matatagalan pa ako Sir eh! Mauna ka nalang sigurong umuwi." I insisted.
"Hindi pwede. Kasi nga ikaw nalang mag-isa dito. Alam mo bang may mga nagpapakita dito?"
"Wag ka nga! di naman totoo yan. I mean, oo naniniwala ako dyan. Pero, pag di mo naman pansinin, wala namang mangyayari. Kaya, mauna ka nang umuwi. Ok pa naman ako dito."
Tumahimik sya nang mga 5 minutes bago lumapit at nagsalita ulit.
"Tulungan nalang kita dyan. Basta! Di kita iiwan dito Miss. Hihintayin kita."
Syanga pala. Miss at Sir ang tawagan namin.
---------------
Dumaan ang mga araw at naging super close nah kami sa school. Yung tipong di sya mgbi-break time kung di pa ako ngbreak at ganun din ako sa kanya.