SIMULA
━━━━━━。゜✿ฺ✿ฺ゜。━━━━━━"May naisip ako, Stellah," ani ni Stelle. Hawak-hawak niya ang kanyang baba. Lumingon naman sa kanya si Stellah. May hawak itong guitara, tumigil ito sa pag-play ng guitar.
"Tao ba yan?"
"Hayop?"
"Bagay?"
"Bansa?"
"Pagkain?"
"Laruan?"
Sunod-sunod na tanong ni Stellah. Habang nakangisi. Sumimangot naman si Stelle.
"Pinoy henyo yern?" Natatawang sabi naman ni Lala. Tumawa naman si Lola. Muntik ng mahulog ang eyeglasses niya kaya inayos niya iyon.
"Mommy, oh! Parang tanga si Stellah!"
Napailing na lang ako nang marinig ang inis na sigaw ni Stelle. Mainitin talaga ang ulo niya mapang-inis naman si Stellah. Si Lala naman tagagatong at si Lola ang tagatawa.
"Ikaw na nga tinulongan para mabilis mong maalala ang iniisip mo diyan." pag-ingos naman ni Stellah. "Bahala ka na nga diyan pikon, ang pangit mo." anito tumayo ito at umalis sa tabi ni Stelle.
"Mas pangit ka!" Hiyaw naman ni Stelle.
Napailing na lang ako.
"Pareho lang tayo ng mga mukha mga tanga!" natatawang ani ni Lala.
"Lala!" saway ko sa kanya, napatakip siya sa kanyang bibig nag-peace sign bago tumayo at tumakbo paakyat. Napabuntong hininga ako. Pasaway talaga. Si Lola ay panay lang ang tawa. Naluluha na nga ito kakatawa.
Humikbi naman si Stelle, linapitan ko siya.
"Baby, wala naman dapat iiyak." sabi ko. Tumingala siya sa akin at sinimangutan ako.
"Sinabihan niya akong pangit e, I'm beautiful kaya." aniya.
"Maganda naman talaga kayo, mana kayo kay mommy e, maganda," ani ko at malawak na ngumiti.
Mas lalo siyang sumimangot.
"Hindi mo po kami kamukha, mommy. Sabi ni Tito Ken kamukha daw namin ang daddy namin." Mabilis akong napalingon kay Lola ng marinig ang sinabi niya.
"Si Tito Ken ba mommy niyo at doon kayo naniniwala?" Ani ko.
Inayos niya ang eyeglasses niya at ngumisi sa akin.
"Kahit naman po hindi sabihin ni Tito Ken, halata naman pong hindi kami nagmana sa 'yo dahil maitim ka maputi naman kami." Aniya.
My eyes widened.
"Anong sabi mo?"
"Maitim po kayo, mommy, pero maganda!" pagbawi naman niya. Ngumiti siya ng matamis. Humakbang ako palapit sa kanya humakbang naman siya paatras akmang tatakbo siya palayo sa akin pero mabilis ko siyang nahawakan at kinarga at inilapag ko siya sa sofa.
"Anong sabi mo?" Ulit ko sa tanong ko. Pilit siyang kumakawala pero hindi ko siya binitawan.
"Mommy! 'Wag po!" natatawang aniya.
Hindi ko siya pinakinggan. Sinimulan ko na siyang kilitiin nang kilitiin. Tawa naman siya nang tawa. Sinusubukan niyang iiwas ang katawan niya pero hindi niya maiwas.
"Maitim pala, ha."
"Papa Josh, help!" natigil ako sa pagkiliti kay Lola nang marinig ang sinabi niya. Lumawag ang pagkakahawak ko sa kanya. Nilingon ko naman ang tinitingnan niya.