CHAPTER ONE
━━━━━━。゜✿ฺ✿ฺ゜。━━━━━━"Hala! Bisita pala natin si Superman!"
Mabilis na dumako ang tingin ng lalaki sa may hagdan ng marinig ang boses na iyon. Ang kaninang pigil niyang luha ay naglandas sa pisngi niya. His lips trembled, napakapit into sa frame ng pintuan na para bang nanghihina.
"Hi Superman, my name is Stellah." nakangiting pagpapakilala nito nang makababa, lumapit siya sa gawi namin at tiningala ang lalaki. "Hala, why are you crying po? Hindi po ba kayo binayaran ni mommy? Hala ka, Mommy! Bayaran mo utang mo kay superman!" Walang prenong ani ni Stellah.
Gusto ko siyang sawayin pero hanggang pagbuka lang ng bibig ang nagagawa ko, walang salitang namutawi doon.
"H-hi—"
"Hala, ikaw ba ang daddy namin?" naputol ang sasabihin nang lalaki nang sumulpot si Lola. "Mommy, siya ba ang daddy namin? We look exactly like him!"
Daddy nila?
Hindi ako nakasagot. Parang may nagbara sa lalamunan ko.
Nagsibaba rin si Stelle at Lala.
"Hala, ikaw ang daddy namin? Hindi ba mabaho kilikili mo?" Tanong naman ni Stellah bahagya pa niyang inamoy ang lalaki.
Hindi ko mabasa ang reaksyon ng lalaki. May iba't-ibang emosyon ang bumabalot dito ngayon. Ngunit ang mga mata nito ay hindi matigil sa paglipat-lipat ng tingin sa apat.
"Daddy?" sabay na sambit ni Lala at Stelle.
Hinawakan ni Stellah ang kamay ng lalaki at hinila papasok. Napaatras ako para bigyan sila ng daan.
Pinaupo nila ang lalaki sa malaking sofa.
"Are you deaf?" Stelle asked the man. "Stellah was asking you but you didn't answer."
"Nagulat lang ata siya, Stelle," ani naman ni Lala. "Pero walang duda, daddy natin siya kamukha mo, e." dagdag nito.
"Nahiya naman ako sa 'yo, pareho lang tayo ng mukha." nagsitawanan sila.
"Hey, Superman drink this." May inabot si Lola na water na kinuha nito sa center table.
Lumingon sa gawi ko si Stellah.
"Mommy, bakit natulala ka lang diyan, siya po ang daddy namin 'di ba?"
Lumingon din sa gawi ko ang lalaki. Ang kaninang kaba at panginginig ng katawan ko ay mas dumoble pa.
Paano ko sasagutin ang tanong nila? Kung ako mismo gulat kung sino ang ama nila!
Hindi ko magawang sagutin ang tanong nila. Mabilis akong naglakad paakyat ng hagdan. Nang makarating sa taas ay pumasok ako agad sa kwarto at ini-lock iyon.
Kinuha ko ang cellphone ko na nasa bedside table at mabilis na tinawagan ang numera ni Kate.
"Si Stell ang ama ng mga anak mo?!" bungad ko sa kanya ng sagutin niya ang tawag ko. Umubo siya nang umubo sa kabilang linya. Maya-maya lang ay narinig ko na ang pag iyak niya.
"Kate—"
"I'm s-sorry."
"Damn!"
"I l-love hi—"
"No you don't! Paano na si Josh?! Putang ina naman, Kate!" napasabunot ako sa buhok ko. I gritted my teeth in annoyance.
"I don't love h—"
"Bakit ka nag-yes sa marriage proposal no'ng tao kung hindi mo mahal?! Kate, ako ang nahihirapang sa pagpapanggap! It's so awkward everytime na tatawagin niya akong love at sinasabi niyang mahal niya ako dahil alam kong sa iyo niya iyon sinasabi! The man is so fucking sincere of his feelings for you!"