𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐎

899 38 11
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐎
━━━━━━。゜✿ฺ✿ฺ゜。━━━━━━

"Morning, mommy!"

"Baby, bakit ang aga mong nagising?" I asked Stellah nang pagkalabas ko ay nasa labas siya ng pintuan ng kwarto ni Kate na ngayon ay inuukopa ko. Nakaligo na siya at nakapagbihis na. Malaki rin ang ngiti niya, inilugay lang niya ang mahaba at straight niyang buhok.

"Daddy came early and he cooked breakfast for us! Come, mommy, let's go down!" masayang saad niya. Hinawakan pa niya ang kamay ko at marahan akong hinila, nagpahila naman ako ngunit nakaramdam na naman ako ng kaba. Noong nakaraang gabi ay hindi ko nasagot ang tanong ni Stell, ano ba naman kasi ang isasagot ko? Gulat na gulat nga akong may anak sila ni Kate, 'tapos tatanungin niya ako paano kami nagkaroon ng anak. Dios ko! Para na ngang puputok utak ko kagabi sa dami ng tanong dumagdag pa katanungan niya.

Nang makarating kami sa dining ay nandoon na ang mga bata nakaupo na sa kanya-kanya nilang upuan habang si Stell naman ay pinaglalagyan ng pagkain ang bawat plato nila.

"Morning, mommy!" sabay-sabay na bati nila nang makita nila ako. Binitawan naman ni Stellah ang kamay ko at naupo siya sa upuan niya.

"M-morning, babies." nautal pa ako nang batiin ko sila pabalik. Sinulyapan ako ni Stell bago ibalik ang atensyon sa paglalagay ng pagkain.

"Mom, sabi ni daddy superman, mamasyal daw tayo sa Disneyland sa birtday namin! You know what, mommy, magkabirthday pala kami! Why you didn't tell us, mom?" napakurap ako nang marinig ang sinabi ni Stelle. "June 16 din siya, at two months na lang birthday na namin." dagdag pa nito.

Sheyt! Paano ko nga malalaman! E hindi ko naman alam na siya ang daddy niyo! Oh my God! Kailangan na talagang umuwi agad ni Kate! Ngayong nandito na si Stell alam kong mahihirapan lang ako!

Tumikhim lang ako para alisin ang bara sa lalamunan ko. Nagsalubong naman agad ang kilay ni Stell nang lingunin ako, ibinaba niya ang platong may lamang ulam at naupo sa tabi ni Lala. Naupo na rin naman ako. Napanguso ako sa isip ko ang awkward pa rin talaga ng paligid na nasa iisang hapag kami ni Stell.

"Daddy, bakit hindi ka po natulog dito kagabi?" tanong ni Lala kay Stell habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain.

"Kailangan ko lang umuwi sa bahay para kumuha ng mga gamit ko, but don't worry from now on dito na ako matutulog, okay?" he explained.

"Yes! Tabi kayo ni mommy ha! 'Tapos gawa kayo ng baby sister or brother iyong apat ulit para tig-isa kaming apat na babantayan!" Saad ni Lala, nagningning pa ang mga mata niya. At talagang ibinaba niya pa ang tinidor at spoon niya para i-clap ang hands niya.

Ako naman na akmang kukuha ng pagkain ay nabitin sa ere ang kamay at biglang nabulonan! Ubo ako nang ubo.

"Water." agad kong kinuha ang ini-abot ni Stell na tubig at nilagok iyon.

"Thank you." nahihiyang sambit ko.

Nagpatuloy na kami sa pagkain. Buti na lang at natahimik na ang mga madaldal na mga bata. Pagkatapos naming kumain ay tumulong sa pagliligpit ang mga bata, si Lala at Lola ay kumuha ng maliit na basahan at pinunasan ang mesa, si Stelle at Stellah naman ay ang naghugas ng plato, inalalayan sila nang ama nila.

“Maligo na kayo at magbihis,” kausap ko sa apat pagkatapos malinis ang pinagkainan. Lumingon silang lahat sa akin pagkatapos ay lumingon kay Stell.

“Mommy, tapos na po kaming maligo at mommy, sabi ni Daddy mamasyal daw tayo sa mall.” nakangising ani ni Stelle.

Nakagat ko ang loob ng pisngi ko. Hindi ko alam ang isasagot. “Mommy?” si Stellah. Hinihintay nila ang tugon ko. Hindi ako pwedeng lumabas, hindi ako pwedeng sumama sakanila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

𝐒𝐖𝐄𝐄𝐓𝐈𝐄 & 𝐒𝐔𝐆𝐀𝐑 (𝐓𝐇𝐑𝐄𝐄) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon